Chapter 22

1874 Words
BRIELLE POV Wala sa sariling naglalakad ako sa park ng mga oras na yun.. pagkatapos makipag break sa akin ni Zacc. Akala ko madali nalang tanggapin ang lahat. But I was wrong… Napaupo ako sa ilalim ng isang puno. Dito muna ako magpapalipas ng sakit na aking nararamdaman ngayun.. siguradong mapapansin ni Tita Marie na may problema ako pag umuwi ako agad. But these tears won’t stop falling… Pinupunasan ko ang mga luha ko ng may nag abot ng panyo sa harap ko. I look up to see who it was… It’s Dominick. “Here... use this…” sabi nito. Agad ko namang inabot ang panyo. “Sorry ha.. madudumihan ko ito…” sabi ko kay Dom. “It’s okay… it’s yours now… I bet you might needed that again..” nakangiting sabi nito. He then sighed. “Want to go somewhere…?” tanung nito. “Huh..?” hindi ko agad nakuha ang ibig nitong sabihin. “Baka isipin kasi ng mga nakakakita sa atin ei pinaiyak kita.., Come you will like the place..!” sabi nito at sumakay sa bisiklita nito. Tumayo ako at umagkas sa likuran ng bike nito. Marahil nga hindi ito ang tamang lugar para umiyak.. marami pa namang mga taong dumadaan. Sa tabi ng ilog ako dinala ni Dom. Di kalayuan ito sa park na pinaggalingan namin. Mas masarap ang simoy ng hangin dito at mukhang nakakagaan ng loob. “If you want someone to listen to you, I’m always here…you can tell me your worries para gumaan naman yang dinadala mo..?” he said habang nakaupo kami sa damuhan. I let a quick smile. “Thank you… but there’s nothing to worry much…and I don’t want to trouble you with my problems..” I said habang nakatingin sa umaagos na ilog. “Ang buhay katulad lang din nitong ilog.. kahit marami mang bato ang humarang..patuloy padin siya sa pag agos.. kahit saan man siya makarating patuloy padin ang kaniyang pagdaloy..” Makahulugang sabi ni Dom. “Sana nga kasing tapang ako nitong ilog..patuloy lang siyang aagos anu mang panahon ang dumaan.” malungkot kung sabi. “I’m sure…malalagpasan mo din yan..”nakangiting sabi nito. Tumayo si Dom at kumuha ng isang bato. “Here.. subukan mung isipin ang mga problema mo at subukan mung ipunin dito sa batong ito. Tapus itapon mo sa ilog…para maibsan ang dinadala mo..dahil sasama sa batong ito ang bigat ng dinadala mo..” sabi ni Dom. Though hindi ko alam kung effective pero sinubukan ko din. Kinuha ko ang bato kay Dom. Pumikit ako at inisip ko ang nagpapabigat sa loob ko at pagkadilat ko inihagis ko ang bato sa ilog. “Took a deep breath…” sabi ni Dom. So I did. At tama nga si Dom gumaan ang pakiramdam ko kaya napangiti ako sa kaniya. “Thank you ha..” sabi ko sa kaniya. “No worries.. we’re friends right… I don’t want to see you crying like that again.” Sabi nito. “I’ll try.. !! sana mabilis din akong makalimot..”sabi ko. “You know what Briee.. you’re the only friend I had outside my school.. I don’t have much friend either… so I’ll help you forget all your worries just let me do it.” Seryusong sabi nito. I can feel his sincerity while I was looking in his eyes. So I nodded at him and give him a smile. ZACC POV I was here at our home. And for the first time I tried to drink alcohol na naitabi ni Dad bago sila umalis. They said it can help you forget all your problems for a while. And I want to forget all the pain I have inside kahit saglit lang. Walang nakakaalam kung bakit ako nagkakaganito. Much better na layuan nila ako at magalit sila sa akin lalo na si Briee. Dahil kung mananatili akong sasama sa grupo mas lalo ko lamang siyang masasaktan. Sa lahat ng ginagawa ko ngayun mas doble ang sakit na bumabalik sa akin. Lalo na kaninang nakipag hiwalay ako kay Briee. Napahawak ako ng mahigpit sa alak na hawak ko at ininom ko ito. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Briee kanina..I saw pain in her eyes. I tried avoiding her simula ng dumating ako at nakiusap pa ako sa school head na magpatransfer ng section dahil mas lalo lang akong mahihirapan makipaghiwalay pag kasama ko si Briee. God knows how much I missed her.. I really wanted to hug her tuwing nakikita ko siya . Kanina habang pinagmamasadan ko siya habang naglalakad sa campus na parang ang layo ng iniisip. Gustong gusto ko siyang lapitan. Then I saw someone holding a flower pot mula sa second floor at talagang sasadyain nitong saktan si Briee.. So I run to her and save her… Hinanap ko ang gumawa nun pagkatapos kung ihatid sa si Briee pero hindi abot ng CCTV ang bahaging yun. Buti na lamang at hindi siya napuruhan dahil kung may nangyaring masama sa kaniya mas lalo kung sisisihin ang sarili ko. I was a fool.. Yes I know that. Pero mas magiging selfish ako kung itutuloy ko padin ang relationship namin ni Briee sa kabila ng isang katutuhan. Alam kong naduduwag akong sabihin kay Briee ang totoo. Na ang pamilya ko ang dahilan kung bakit malungkot at mag isa siya simula pa noon. Sana panaginip lang din itong nangyayari ngayun.. Dahil gustong gusto ko ng mayakap si Briee. KIARA POV Malapit na ang JS PROM namin halos isang linggo nalang. Kaya abalang abala kami sa pag aayus ng lahat. Sa kabila ng lahat ng nangyayari napapansin kung mas madalas na ulit ngayung nakangiti si Briee. She also told us na wala na sila ni Zacc that he alread broken up with her. I was so angry that time at gusto kung sugurin si Zacc pero pinigilan ako ni Briee so I respected her decision. Kaya Nicky and I decided to keep her busy sa pag aayos ng prom para hindi siya masyadong nalulungkot. “So sinung kapartner nyu sa prom..?” I ask the girls. “ Rael asked me to be his date..” nahihiyang sabi ni Nicky. “That’s nice …may lakas din pala ng loob mag aya ang mokong na yun…!” natatawang sabi ko. “How about you Briee..?” tanung ni Nicky. “I don’t know…I was thinking nga na baka hindi ako pupunta ng prom.” Briee said. “Briee this is our last Prom you should come ..please…!” sabi ko sa kaniya with puppy eyes. “Pag iisipan ko..” pilit ang ngiting sabi nito. Nagkatinginan nalang kami ni Nicky. And we both sighed. BRIELLE POV Lunch Break at nasa cafeteria na kami. Tatlo lamang kami nila Nicky at Kiara ngayun dahil may pinuntahan pa ang mga boys. After kumuha ng pagkain si Kiara sa counter nauna na itong umalis para maghanap ng mauupuan namin. Sumunod nadin si Nicky dito. Pagkatapos kung kumuha ng pagkain ko. Nakita kung kumaway si Kiara kaya naglakad ako papunta sa pwesto nila. Nang malapit na ako sa kanila Biglang may tumayong babae sa harap ko kung saan saktong dadaan ako sa inuupuan nito. Unfortunately it was Allison. Natapon ang dala kung juice dahil sa pagkakabangga ko sa kaniya. Bahagyang nabasa din ang uniform ni Allison dahil sa juice. Gigil namang napatingin ito sa akin at bakas ang galit sa mukha nito dahil sa nangyari. “Look what have you done..!!” sigaw ni Allison. “ I’m sorry… I didn’t know bigla kang tatayo..” sagot ko. “Sorry…?!! You ruined my uniform..!! Wait.. sinasadya mo ba to dahil iniwan ka na ni Zacc at ako ang gusto niyang kasama ngayun..?” Galit nitong sabi na agad nakakuha ng atensyun ng ibang mga estudyante. Nanahimik nalang ako dahil ayaw ko ng gulo. Nagdesisyun nalang akong umalis. Pero biglang tinabig ni Allison ang dala kung tray kaya natapon ang laman nito sa damit ko. She then smirked. “You know what… you didn’t deserve someone like Zacc, ang lakas naman ng loob mung pangarapin ang isang tulad niya.. hindi ka ba nag iisip.. or sadyang social climber ka lang..!” sigaw nito sa akin at dinuro ang noo ko. Tumakbo naman palapit sa gawi ko sina Kiara at Nicky para umawat. “Briee let’s go, wag mo na siyang patulan..” sabi ni Kiara at hinawakan ang braso ko. “Masuwerte ka lang at naging kaibigan mo sila.. because if not.. you are nothing Briee.. or baka naman sinadya mung makipagkaibigan sa kanila dahil may iba kang intensyun.” Nangungutyang sabi ni Allison. “Will you stop It..Allison..!! nag sorry na si Briee hindi ba..!” inis na sabi ni Kiara. “Magising nga kayo sa katutuhanan.. hindi niya deserve na maging kaibigan kayo..” Allison said at Kiara. Dala marahil ng init ng pagkain na tumama sa balat ko at lahat ng sakit na nararamdaman ko simula ng maghiwalay kami ni Zacc.. biglang naipon lahat sa dibdib ko at gustong gusto kung ilabas. Naikuyom ko ang mga palad ko at pumiksi mula sa pagkakahawak ni Kiara.. Lumapit ako kay Allison at malakas itong itinulak. Dahilan para matumba ito at bumagsak sa sahig. “Briee…!!” gulat na sabi nina Nicky At Kiara. Ngunit hindi ko sila pinansin. Galit akong nakatingin kay Allison. “Then… how about you…?!! Antagal mo nang bumubuntot kay Zacc pero minahal ka ba niya ha…!! Atleast ako minahal niya… Ei Ikaw..!!Pinagpipilitan mu ang sarili mo sa taong ayaw naman sa’yo…!! Wala kang alam sa pagkakaibigan namin… kaya you don’t have the rights para husgahan ako..!!” galit na galit kung sigaw kay Allison na parang nabigla dahil sa ikinilos ko. “Briee..enough..hayaan na natin siya..” sabi ni Nicky. “NO…!! ito ang gusto mo hindi ba ang makita ang tunay na ugali ko..You didn’t deserve to have a friend either dahil sa sama ng ugali mo…Kung ganyan lang din naman ang ugali ng isang mayaman…I preferred to be poor because.. I don’t want to be like you..!!” sigaw ko kay Allison.. Lalapitan ko pa sana siya ng may marinig akong nagsalita. “That’s Enough..!! And Leave her alone Briee…!! If you want to get revenge, sa akin ka gumanti..wag mo nang idamay si Allisson dito !!” Galit ding sabi ni Zacc at tinulungan tumayo si Allison. Unti unting bumangon ang galit sa puso ko para sa lalaking minahal ko ng labis. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. Habang masakit na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa. Napaatras ako at agad na tumakbo papalayo sa kanilang lahat. Narinig ko ang pagsigaw nina Kiara at Nicky pero hindi na ako lumingon. Parang wala ako sa sarili habang tumatakbo sa gilid ng daan. Habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Is this what I get for loving someone like him..? Patakbo din akong tumawid sa kalsada ng biglang nakarinig ako ng malakas na pag prino ng gulong.. ng lumingon ako …naramdaman kong tumama sa katawan ko ang unahan ng isang sasakyan at pakiramdam ko malakas na tumilapon ang katawan ko sa ere. Ramdam ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa at bago ako pumikit.. narinig kong may sumigaw ng malakas sa pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD