“Kumusta ka na, Hija? Lalo ka yatang gumaganda ngayon at mukhang inspire na inspire ka sa apo kong si Favien,” nakangiti na sambi ni Lolo Godric sa akin. At alam kong naririnig ni Orzon ang pagpupuri sa akin ng matandang ito. “Hi–Hindi naman po, Lolo Sir,” ngiti na tugon ko dahi hindi naman talaga at kay Orzon ako inspire, hindi sa apo nila. “O, s’ya at lapitan ko lang dalawang professor ng Manila University dahil baka nahihiya sila sa atin,” wika nito na tumayo at alam ko na kung sino’ng lalapitan nito. “Naghahanda ka na ba para sa nalalapit mong debut, Hija dahil dalawang buwan na lang ay debut mo na. Sana, mapaghandaan na ‘yan ng magulang mo, para walang magiging aberya,” komento naman ng mommy ni Favien, dahilan upang mapatingin ako rito. “Sabihin ko ho kay mommy at daddy pag–u

