“Nakainom ka na, Orzon, kaya tama na. Kasalanan ko, kaya humihingi ako ng sorry sa ‘yo. Pero, wala akong intensyong saktan ka,” malungkot na sambit ko. Nilapitan ko siya, subalit lumayo siya sa akin kaya alam kong galit siya at nasaktan ko talaga siya. “Baka, lalo mo ‘kong ikahiya kung malaman mo na siyam taon ako sa kolehiyo dahil patigil–tigil ako para makapagtapos lang ng kurso ko at kung anong pinampaaral ko. Dahil baka, unahan na naman ako ni Favien. At sabagay naman, sanay na ‘kong pinagtatawanan kahit ang mga kaibigan ko noon dahil hindi ako makasabay sa kanila dahil sa buhay mayro’n ako. Kinuha akong houseboy ng tiyahin ko para mabayaran ang nagastos nila sa pampahospital ng magulang ko dahil nagkasakit sila. After that, naaksidente sila. Isinangla rin namin ang bukirin, dahi

