“Sige, Ma’am Conie! Ituloy mo at baka nakalilimutan mong nandito tayo sa campus at puwede kitang kasuhan ng child abúse at physical abuse!” pagbabanta ko, dahilan upang ibaba nito ang kamay. “Takot ka naman pala, pero nagtatapang–tapangan ka,” ngisi ko. “Pasalamat ka dahil nandito tayo sa campus. Dahil kung hindi, kawawa ‘yang malandi mong pagmumukha!” gagad nito sa akin at itinulak ako. Lumabas na ito, kaya nakahinga ako nang malalim. Ang hirap kasi sa babaeng ‘yon, masyadong inggit! Humugot ako nang malalim na hininga at lumabas na rin ako nang lumapit sa akin si Sir Rowan. “Kumusta na kayo ni Orzon?” mahinang tanong nito. “Okay lang naman kami, Sir. At sumasaglit–saglit ho ako sa apartment niya. Kaso, muntikan na ‘kong mahuli ni Ma’am Conie,” imporma ko. “Malaki kasi pagkagus

