Mahinang katok ang ginawa ni Rayden bago inikot ang doorknob. Maliit lamang ang ginawa niyang pagbukas doon na animo'y sinisilip lamang ang loob ng silid. Nakita niya si Eunice na nakatayo at nakaharap lamang sa bintana habang yakap nito ang sarili. Napansin niya ang mga pasa at sugat nitong unti-unti nang humihilom. "Can I come in?" sapat na tinig upang marining lamang ni Eunice. Mabilis napalingon si Eunice sa pintuan. "Ofcourse. This is your house, Den," nakangiting sagot ni Eunice. Doon lamang binuksan ni Rayden ng husto ang pinto at saka pumasok. Isinara niya rin ito nang tuluyan siyang makapasok. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto. "Are you comfortable here? Is there anything else that you need?" Nakangiting naglakad papalapit si Eunice sa pwesto ni Rayden. Nan

