Chapter 31

1264 Words

"May nangyari ba at parang malungkot ka?" Humiwalay si Julia ng yakap. "Dapat nga ay masaya ka dahil nagbunga na ang lahat ng iyong hirap at pagod." Naupong muli si Jannaya. "Masaya ako mama. Pagod lang po siguro ako kaya ako ganito." Paglilihim ni Jannaya. Ayaw niyang ipaalam pa kay Julia kung ano man ang naganap sa party. Ngayon pa na tuluyan ng nagiging maayos ang kalagayan nito. Utang na loob ni Jannaya kay Kit kung bakit niya kasama ngayon ang nanay-nanayan. "TUTULUNGAN kitang makatakas dito sa mansion." Nagulat si Jannaya sa biglaang pagsasalita ni Kit mula sa kanyang likuran. Matapos siya kausapin ni Eunice ay hindi na niya alam kung paano pa haharap sa mga ito. Nanatili siya sa Hardin at kung ilang oras na siyang naroon ay hindi na niya batid. "Sir Kit?" "Kinausap ako ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD