Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Jannaya sa pagpasok pa lamang niya sa townhall. Malawak na ngiti naman ang kanyag naging sukli sa bawat isa. Mayroong umalalay sa kanyang babae at dinala siya nito sa gitna ng mga nakapalibot na tao at inabutan rin siya nito ng kopita na mayroong lamang wine. Nang maiwan na siya sa gitna ay hudyat na ito na nararapat na siyang magsalita. "Thank you for coming! I wasn't expecting this I just love what I do, and maybe doing what you love could make you successful." Napansin ni Jannaya ang pagtaas ng kamay ng isang naroon. She smiled and nodded to give that person a signal that he can talk. "Hi Miss Lopez. I am Randoplh from IBN channel. What motivated you to be in your current position?" Maliban sa mga exclusive agencies, fans at kaibigan. Maram

