"Naku kang bata ka! Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Rayden!" "Sorry po Manang Goreng. May dinaanan lang po ako." Nakabukas ang gate ng Mansion upang malayang makapasok ang mga bisita. Nagtago muna siya sa mga matataas na halaman na naroon at siniguradong wala siyang makakasabay na bisita. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Rayden, na hindi siya maaaring makita ng ibang tao na naroon. Nang makasigurong wala na siyang makakasabay ay patakbo siyang pumasok sa loob ng Mansion at diretsong tumungo sa kusina upang marating ang kanyang silid. Ngunit bago pa man niya ito nabuksan ay nakita naman siya ni Manang Goreng. "Oh, siya! Sige na. Diyan ka lamang sa iyong silid. Kumain ka na ba?" "Opo. Kumain na po ako bago umuwi." "Sige na. Pumasok ka na at baka may mak

