The driver opened the door for her. "Salamat po Kuya." She smiled at him. "Welcome to Caballes Mansion Mrs. Caballes. Hinihintay na po kayo ni Doña Beatrix sa kanilang hardin." 'Mrs. Caballes? Tama bang dinig niya na tinawag siyang Mrs. Caballes?' Sasagot pa sana siya at sasabihing 'Jannaya na lang ang itawag sa kanya, nang bulungan siya agad ni Manang Goreng.' "Hayaan mo sila kung ano ang itawag sa'yo. Utos 'yan ni Beatrix at kapag hindi nila sinunod ay masisisante sila." Nagsimula ng maglakad ang tatlong kasambahay na mayroong suot na uniporme. Sumunod naman sila rito. "Manang. Ang laki naman pala ng Mansion nila!" "Mansion niyo. Caballes ka na rin, hindi ba? Asawa ka na pala ni Rayden." "Sorry po kung nailihim ko sa inyo--" "-- Huwag ka nga mag-sorry diyan. Ikaw talagang bata

