HINDI maintindihan ni Melanie kung bakit nitong mga nakaraang araw ay sumasama ang pakiramdam niya. Iyon ba ay dahil sa nakalipas na linggo ay wala si Augustus sa tabi niya? Siguro nga. She missed him terribly. Ganoon pa man, kailangan niyang intindihin ang sitwasyon nito. Hindi lang siya ang kaibigan nito. Nang araw na napag-usapan nila ang possibility na maari siyang mabuntis ay ang araw rin na kinailangan nitong umalis. Namatay kasi mula sa isang matinding car accident ang asawa ng nakatatandang pinsan ni Ed at ang mismong pinsan nito ay malubha ang lagay. Ang nakatatandang pinsan nito ang siyang namumuno sa independent state ng Portugal na pinaghaharian ng pamilyang umampon rito. Dahil malapit na kaibigan ay napagpasyahang dumamay ni Augustus at ng ilan pang mga kaibiga

