"FOR THE most passionate woman I've ever known, Happy Birthday," Napakislot si Melanie nang marinig ang boses na iyon. Iminulat rin niya ang mga mata. Ang buong akala niya ay nakayakap siya kay Augustus pagkatapos ng mainit na nangyari sa kanila dahil nakatulog siya. Pero nagulat siya nang makitang nasa harap niya ito at may dala-dalang birthday cake. May nakasindi pang kandila roon. Para i-celebrate ang kanyang kaarawan ay niyaya siya nitong magbakasyon sa isa sa mga bahay-bakasyunan sa private island na pagmamay-ari ng kaibigan nito at kasama rin nila sa ampunan noon na si Cedric. May sariling chopper si Augustus at marunong itong magpalipad noon kaya sila nakarating doon. Sila lang dalawa sa isla. Kanina ay sinundo siya nito sa bahay nila. Dahil malaki ang tiwala kay August

