Flashback

1586 Words

"HI, AKO nga pala si Aleli. Ikaw, anong pangalan mo?" Napalingon si Melanie nang marinig ang malambing na tinig na iyon ng isang babae. Third year college na siya kaya hindi na niya inaasahan ang mga ganoong pagpapakilala. Halos lahat ng mga kaklase niya ay kilala na niya. Pero ang isang ito yata ay transferee. Tumabi ito sa kanya. "Hello. Ako si Melanie. Bago ka dito?" Tumango ito. "Sa America kami dati naka-base pero napagpasyahan na ng mga magulang ko na dito na manirahan kaya nakasama ako. Solong anak kasi ako kaya hindi na lang nila ako pabayaan basta. I hope we could be friends," inilahad nito ang kamay. Maraming kakilala si Melanie pero wala siyang masasabing ka-close na kaibigan niya. Hindi siya iyong tipo ng tao na mahilig makipagsosyalan. Pagkatapos ng klase ay dir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD