"INIIWASAN mo ako," Pakiramdam ni Melanie ay nanginig siya nang marinig ang boses na iyon. Kasalukuyan siyang nasa taniman nila ng calamansi sa Hacienda at ini-instruct ang mga tauhan sa kailangang gawin roon nang bigla-bigla ay dumating na lang si Augustus. Napatigil tuloy siya sa pagsasalita at napatingin rito. "Gus, I'm busy. Mamaya na lang tayo mag-usap," Humarap siya sa mga tauhan. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita ang isa sa mga tauhan. "Ma'am, okay lang naman po kami rito. Isa pa na naka-ilang ulit na kayo sa pagtuturo sa amin ng gagawin. Nakuha na po namin. Puwede niyo na po kausapin si Sir." Napataas ang isang kilay ni Melanie. Ganoon pa man ay pinigilan niya na huwag sitahin ang tauhan. Somehow naman kasi ay tama ito. Hindi naman talaga siya abala. Ginagawa la

