SA MANSION NI LANCELOTTE. MAHIGIT isang oras na ang paghihintay ni Santiara sa tawag ni Lancelotte. Nabagot na rin siya ngunit, kailangan niyang humingi rito ng permiso. Ayaw din niyang biguin si Maximir. Alam niyang naghihintay ito sa kaniya. Makailang beses na niyang tinitigan ang kanyang cellphone ngunit, walang tawag o message galing kay Lance. She sighed, tatawagan niya ulit ito at magpapaalam muli. Muli niyang sinubukang tawagan ang numero ni Lancelotte, hindi niya tinigilan hanggang sa wakas at sinagot nito ang tawag niya. “What’s the matter?” baritono ang boses na usisa ni Lancelotte. Nag-ipon nang lakas ng loob si Santiara bago nagsalita. “Sir, sir naman. Anong oras po ba kayo ulit tatawag? Pero, sige na sir. Payagan na ninyo ako. Sir, sandali lang po iyon, wala pong party

