NADATNAN ni Lancelotte ang tahimik na bahay. Wala doon si Santiara, bagay na ikinahagod niya sa ibabang labi saka nakapameywang na iginala ang paningin sa paligid. Kaagad siyang nagpasyang umuwi sa kadahilanan nang pag-alis ni Santiara. Iniwan niya kay Mang Asero ang pakikipagkita sa matanda at nagpaalam dito na mauunang bumalik dahil may emergency siyang gagawin. Napasulyap siya sa kanyang pambisig-relos habang naka-kunot-noo. Past 6 pm na pero, hindi pa rin umuwi si Santiara. Nagkasalubong ang mga kilay na bumuga siyang nang buntonghininga, nakaramdam na naman siya nang inis sa sarili dahil sa hindi niya naintindihan ang sarili. Naging padalos-dalos siya. “She is just a servant, Lance. Why the h*ll you care for her,” pangungumbinsi niya sa sarili saka naupo sa couch at muling tumayo

