CHAPTER 1: Continuation

850 Words
VIBRATE mula sa cellphone ni Lancelotte, ang nagpagising sa kaniya kinabukasan. Napamulat siya nang bahagya ngunit kaagad din napapikit dahil, sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa bintana. Akmang aabutin na niya ang cellphone nang tumigil ito sa pagtunog. Pinagmasdan niya ang babeng nakasama magdamag. Hindi ito gaya ng mga babaeng mahilig mag-bar. Walang ingay siyang tumayo at nagbihis. Nag-iwan siya ng pera sa side table bago tuluyang lumabas ng silid. Dire-diretso siya sa parking lot ng hotel at kaagad na nakita ang sasakyang nakaparada sa ‘di kalayuan. Siya ang tipo ng lalaki na hindi nagpapatali sa babae. Sa flower shop siya huminto nang tumunog ang cellphone niya. Si Merliza kaagad ang rumehistro nang tingnan niya. Para mas mabilis niya itong masagot ay kinonek niya ito sa bluetooth earpiece. Bulyaw kaagad ng dalaga ang bumungad. “Where have you been? Hindi ka umuwi kagabi. You make us worried again!” “Relax, Iza. Pauwi na ako.” “Gosh, Lancelotte! Don’t tell me, may kasama ka na naman na babae? Baka mamaya niyan magkasakit ka sa pinaggagawa mong kalokohan!” “Okay, okay. Don’t worry about me. I’ll hang up on this now, I’m driving.” naiiling na ini-off ni Lancelotte ang cellphone. Batid niyang hindi siya titigilan ni Merliza pag-uwi lalo na at narinig niya ang pagbuntonghininga nito. Hindi sa bahay tumuloy si Lancelotte kundi sa mismong opisina niya dahil sa biglaang meeting nito with investors. Tumuloy muna siya sa penthouse upang maligo since inihanda talaga niya iyon na kompleto, in case of emergency gaya ngayon. Ilang sandali ang lumipas ay nasa harapan na siya ng mga investor. Nakatupi hanggang siko ni Lancelotte ang kanyang suot na puting long sleeve. Malawak ang ngiting pinakawalan niya habang nakikipagkamay sa mga investors. Nais ng mga kaharap na mag-invest sa kanilang winery business. Tango at ngiti ang nakukuhang tugon ni Lancelotte habang nakikinig sa kanyang presentation. Kumpyansa siya na makukuha niya ang tiwala ng mga bisita. Hindi nabigo si Lancelotte dahil matapos ang mahabang paliwanag ay palakpak ang isinalubong sa kanya ng mga investor. Senyales na nakuha niya ang tiwala ng mga ito. Kanya-kanyang kamayan at pagbati matapos magkasundo at magkapirmahan. Hindi biro ang naisara niyang deal. Ilang milyong halaga rin ang muling naiakyat niya sa kompanya. Nang tuluyang makaalis ang mga ka-meeting, bumalik sa kanyang opisina si Lancelotte. Naupo sa swivel chair at isinandal nang bahagya ang ulo sa headrest ng upuan. Bumuntonghininga siya ‘tsaka nilaro-laro sa kaniyang kamay ang itim na ballpen bago siya nagpasyang tumayo. Dinampot niya ang kanyang navy blue coat na nakasabit sa isang stool. Lumabas siya sa kanyang opisina na hindi man lang naisipang ngitian ang mga empleyado. Sa bawat paghakbang niya ay napapasunod ng tingin ang mga babaeng employee na halos lumuwa ang mata ng mga ito sa angking kaguwapuhan niya. Kahit ang kilala at tanyag na CGN Magazine ay nagbigay ng kontrata para kunin siyang indorser subalit, umayaw siya. He looks like a Greek God and with his charms that nobody can resist. “You look great today, Mr. Smith!” anang bodyguard driver niya matapos sumulpot sa kung saang lupalop at mabilis na sumabay sa kanyang paghakbang. Tipid na ngiti lamang ang kaniyang pinakawalan at saglit na tinapunan nang tingin ang matandang lalaking nakasunod sa kanya. Sanay na sa kanya ang matanda at hinahayaan na lamang siya nito sa kanyang pagiging tahimik, kung kaya’t hindi na siya kinukulit pa nito. “Ang hirap magseryoso, parang tatanda akong lalo,” biro ng matanda bagay na ikina-smirk na lamang ni Lancelotte. Palipat-lipat ang tingin ng binata sa kaniyang suot na relo. Bakas na bakas ang pagkainip. Nakaramdam na siya ng gutom. Alak lang ang natatandaan niyang laman ng sikmura mula kagabi. “Anong gusto mong kainin ngayon, Mister Asero? Bigla akong nagutom kaya kakain tayo sa paborito kong restaurant,” saad niya sa kasama na abala sa pagmamaneho. “Tamang-tama! Kanina na rin ako nagugutom kaya kakain ako ng paborito kong chicken curry, at kalderetang kambing.” Napangiwi nang bahagya si Lancelotte saka napailing. Gusto niyang matawa ngunit, nandoon ang kanyang pagpipigil kung kaya’t isang pagtikhim na lamang ang ginawa niya bagay na ikinalingon sa kanya ng matanda. “Masarap iyon, at nakakatakam, minsan…subukan mo rin,” pagpapatuloy ni Mister Asero. “Hindi ako mapili pagdating sa pagkain, Mister Asero. Sadyang hindi ko lang gusto ang lasa ng sinasabi mong kalderetang kambing, kaya ikaw na lang ang kakain sa gusto mong putahe. Iyon nga, sa daanan ang tingin… mukhang kanina pa may nakasunod sa’tin.” Napansin iyon ni Mister Asero na may dalawang sasakyang kulay itim na nakasunod, at mukhang sila nga ang sinusundan ng mga ito. Pumatak hanggang sinto-otsenta kilometro ang takbo ng sasakyan subalit kung paano pinabibilis ni Mister Asero ang pagpapatakbo sa sasakyan ay ganoon din kabilis ang nakasunod sa kanila. Sinulyapan ng matanda si Lancelotte subalit nakapikit lamang ang mga mata nito, at kalmadong naka-cross arms. Hindi makikitaan nang takot man lang o pagkabahala sa maaaring mangyari. Napabuntong-hininga ang matanda at napapailing na lamang hanggang sa tuluyang nawala sa kanilang paningin ang nakasunod na sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD