CHAPTER 2 (part1)

1088 Words
TINIGILAN sila ng sasakyan na humahabol sa kanila. Tuluyan na rin nawalan ng gana si Lancelotte para kumain sa napag-usapan nila ng matanda. Nasa kalagitnaan ng pagpapatakbo ay kaagad naipreno ni Mister Asero ang sasakyan. “May nabangga yata ako. Teka, titingnan ko.” Aligaga na sabi ng matanda. Napahilot sa sintido si Lancelotte, lumabas na rin siya para matiyak ang nangyayari. “Is she dead?” “Hindi, pero kailangan natin siyang dalhin sa hospital, nawalan kasi siya ng malay.” Kumunot-noo ni Lancelotte pero, tila ba pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae. “Lumipat ka na muna sa unahan, Mr. Smith.” Hindi umimik ang binata at sinunod na lamang ang sinabi ng matanda. NANG maisugod sa emergency room ang babae, kinausap niya si Mr. Asero na magpaiwan para matiyak ang kaligtasan ng babae. Naunang umuwi si Lancelotte, at sa mga sandaling iyon ay nasa sa library na siya at niligpit ang mga naiwang papeles na pinag-aaralan kamakailan lang. Mga dokumento iyon at ilang resulta sa pinapahanap niyang babae, ang ex-girlfriend ni Jacob. Bahagyang inayos ni Lancelotte ang litrato nilang dalawa ni Jacob, ang huling larawang kuha nito na kasama niya. Nabuhay muli ang galit sa kaniyang puso, bagay para napakuyom siya ng kamao. “I will find her Jacob, at kapag nahanap ko na siya, sisiguraduhin kong pati kaluluwa niya ay masasaktan,” naisaad niya habang titig na titig sa hawak na larawan. Bumukas ang pintuan at iniluwa mula roon si Merliza. Nakangiti ito at may dala-dalang tray na naglalaman ng pagkain. “Iza, may kailangan ka?” “Dinalhan kita ng makakain, alam kong hindi ka pa kumakain. Kaya kumain ka na, ako ang nagluto niyan.” Pinasidahan nang tingin ni Lancelotte ang dalagang na sa harapan niya. Maganda ito at hindi niya maitatanggi iyon at bawat kasuotang suot nito at tiyak na bumabagay. Katangiang hindi hihindian ng mga kalalakihan maliban lamang sa kanya. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang kakaibang atensyon na ibinibigay ni Iza. Ngunit gaano man ito kaakit-akit ay hindi nito mabihag ang kaniyang puso. Kaya hangga’t maari ipinaparamdam niya rito ang pagiging kuya upang hindi mahulog nang husto ang loob ng dalaga sa kanya. “Iwanan mo na lang diyan, mamaya na ako kakain.” “Mamaya na ‘yan, okay? Kumain ka na muna bago magtrabaho, Lance.” Hindi na rin siya nakatanggi pa dahil kulang na lamang ay subuan siya ng dalaga. Kaagad niyang kinain ang dalang pagkain ni Merliza, at Iza, naman ang nakasanayan niyang itawag sa dalaga. Masyadong malapit sa kaniya si Merliza, na ikinaiilang niya nang husto. “Thanks, Iza.” “You’re welcome, Lance. Para sayo gagawin ko ang lahat.” “Iza,” “Bilang kapatid, Lance. You look like my late brother, si Kuya Jacob. Na sayo ang puso niya, kaya ganito ako kalapit sayo.” Ngumiti sa kaniya si Merliza ngunit kaagad napawi ang ngiti niyang iyon nang matitigan ang litratong nasa frame. Gumuhit ang pangulila nito matapos iyong masulyapan. “Nasayo pa rin pala ang litrato ni Kuya.” “Pasensya ka na, itatago ko na sana,” mahina ang boses na saad ni Lancelotte at kaagad na kinuha ang litrato nila ni Jacob saka inilagay sa drawer. Ramdam niya ang galit ni Iza sa pagkawala ng kapatid. “I’m okay, just tell me if you’re done. Ma-may gagawin lang ako. Maiwan na kita,” pumiyok ang boses ni Merliza bago siya nito iniwan. Nakaramdam ng awa si Lancelotte sa dalaga. Alam niyang nasasaktan pa rin ito sa pagkamatay ng kapatid. Kaya’t responsibilidad niyang bantayan ito ngayon, at alagaan bilang kapatid. He sighes in relief, malinaw na nga na kapatid ang turing sa kaniya ni Iza, bagay na ipinagpasalamat niya na lang din. —-- SA HOSPITAL, maya-maya ay nagising ang babaeng muntik ng masagasaan ng matandang lalaki na si, Mister Asero. “Kumusta ho ang pasyente, Dok?” tanong ni Mister Asero. “Maayos na siya. Na-over fatigue siya kaya nahimatay. Marahil gutom, pagod, at takot sa nangyari kaya nahimatay ang pasyente. Wala namang galos sa katawan kaya nasisiguro kong maayos ang kalagayan niya,” paliwanag ng doktor. Unti-unting napamulat ng mata ang babae. Kunot-noong napatingin sa kinahihigaan at sa mga taong nasa kanyang harapan. “Nasaan na ako?” “Mabuti naman at nagising ka na, hija,” sabi ni Mister Asero habang lumalapit. “Bakit po ako narito, a-anong nangyari?” “Nahimatay ka, hija. Akala ko ay nasagasaan kita kanina.” “Ma-Matagal ho ba akong nakatulog? Pa-Pasensya na ho kayo sa abala. Kailangan ko ng umalis,” paalam ng babae habang nagmamadaling nag-aayos ng sarili. “Ihatid na kita, hija. Baka himatayin ka naman sa daan,” offer ni Mister Asero. “Tama siya. Magpahatid ka na sa inyo. Base sa test ay okay ka naman. Pero, mukhang wala kang sapat na lakas,” sang-ayon ng doktor. “Salamat ho. Pero baka mawalan ako ng trabaho kapag hindi ako pumasok ngayon,” giit ng babae saka yumuko tanda ng pasasalamat sa doktor. “Salamat po, doktor.” Nakasunod si Mister Asero sa babae saka pinahinto ito upang sumunod sa kanya sa parking lot. Hindi naman tumanggi ang dalaga. Habang nasa byahe sina Mister Asero ay nagpop-up chat message ang notification ng cellphone niya, at si Lancelotte ito. “Ihatid mo na rin siya Mister Asero, para sigurado tayong ayos na siya.” Hinarap ng matanda ang dalaga para ngitian ito. “Ihahatid na rin kita sa pupuntahan mo, hija.” Naguguluhan man ay napasakay na lamang ang babae sa loob. Tahimik ang biyahe nila hanggang mag-drive thru ang sasakyan sa isang fast food chain. Kasama sa bilin ni Lancelotte na pakainin muna ang babae bago ito umalis. “A-Akin po lahat ng ito?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga kay Mister Asero. “Oo, hija. Ubusin mo iyan, alam kong hindi ka pa kumakain. Ano nga pala ang pangalan mo?” “Santiara, Santiara Marasigan po,” kaagad na tugon ng dalaga. “Santiara, napakagandang pangalan. Siya, magpalakas ka, hija. Dahil, iyan ang puhunan mo sa trabaho,” ani Mister Asero bago ito bumaba ng sasakyan. Sa isang Restaurant din inihatid ni Mister Asero si Santiara. Kung saan nagtatrabaho ang dalaga. “Salamat po, manong. Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho.” Sambit ni Santiara habang kaway sa papalayong sasakyan. Papasok na sana siya sa loob ng pinagtatrabahuhan nang mapansin ang puting sobre sa loob ng paper bag. “Oh my God!” Napatakip sa kaniyang bibig si Santiara nang makita ang laman niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD