CHAPTER 2 (part2)

1112 Words
Malaking halaga na kahit buong taon ay hindi niya kikitain sa trabaho. Nanginginig na itinago niyang muli ang sobre, at akmang habulin ang matandang naghatid sa kanya pero wala na ito. Hindi rin niya nagawang alamin ang pangalan ng matanda. Bumalik siya sa trabaho kahit nanlalambot pa. Dala marahil sa sobrang pagod kaya hindi na niya nakayanan pa ang panghihina ng katawan. Halos wala siyang pahinga sa sunod-sunod na trabaho bilang service crew. At kagabi pa, isang pagkakamali ang nagawa niya. “Jeez. Tanga ka talaga, Ara. My gosh! Nasaan na ba ang utak mo.” Gusto niyang kutusan ang sarili sa nagawa. At ganun na lamang niya isinuko ang lahat sa isang estranghero pa. Dala nang wala siya sarili ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata. Nang hindi sinasadyang makabunggo niya ang kanyang katrabaho bagay na ikinabagsak ng mga dala niyang babasaging baso. Nabasag at nagkapira-piraso ang mga ito. Gumawa iyon nang ingay kung kaya’t halos kainin na siya ng buhay ng kanilang Manager dahil, sa galit nito. “Gosh! How careless of you, Miss Marasigan. Look! What have you done!” bulyaw nito sa kanya. Napayuko at nanginginig sa kaba si Santiara. “So-Sorry po, hi-hindi ko po sinasadya, Sir,” aniya bago iniangat ang mukha at nagmamakaawang tiningnan ang kaharap. “Sinadya mo man o hindi! Still you need to pay all of this! I will deduct it on your salary whether you like it or not. At sa buwan na ito ay wala kang sahod na matatanggap, naiintindihan mo?” mariing sabi ng kaharap. “Clean this mess!” dugtong nitong utos bago tumalikod at iniwan siya. Naiwang naiiyak si Santiara. Kagat-kagat niya ang ibabang labi habang sinimulan niyang linisin ang paligid. “Sorry, Ara. Ako talaga ang may kasalanan. Hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko,” aminadong saad ng katrabaho niyang babae saka tinulungan siya nitong maglinis. “Tulungan na kita, pasensya na talaga,” dugtong nito. “Ayos lang, may kasalanan din ako.” Matapos sa ginawa ay sa restroom tumuloy si Santiara at doon niya inilabas ang kanina pang nangingilid na mga luha. Buong buwan siyang walang sasahurin kaya hindi niya alam ang gagawin gayong may apartment pa siyang babayaran. She let out a sighed wiping her tears, pagkatapos niyang magpunas ng mukha ay lumabas siya. Ipinagpatuloy ang trabaho hanggang sumapit ang oras ng kanyang out. NANG pauwi na ay kasalukuyan na naglalakad si Santiara papuntang sakayan ng bus nang madaanan niya ang isang bookstore. Saktong-sakto dahil, may itinabi pa siyang pera, at sale ngayon ng libro na gustong-gusto niyang basahin. Kaagad siyang pumasok sa loob, at pinuntahan ang book shelf. Crazy Sabouter ang titulo niyon na isinulat ng idolo niyang writer na si Miss Chen. Nakangiti niyang binuklat ang bawat pahina, at sinimulan basahin habang humahakbang patungo sa cashier. Matapos mabayaran, excited niyang binasa iyon habang naglakad patawid. Ngunit, hindi pa man siya nakakatawid ay ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang bilugang mga mata sa sunod-sunod na busina ng sasakyan. Dala nang pagkagulat ay tumilapon ang hawak niyang libro. Tila tinakasan siya ng kaniyang kaluluwa dahil, ikalawang beses na siyang muntik masagasaan. Nanlamig ang kaniyang buong katawan at halos hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa dahil, sa nerbyos. “Hoy! Magpapakamatay ka ba?” singhal ng nagmamaneho, halos isang metro ang layo mula sa kaniya. Nangangatog ang mga tuhod niya Pero hindi niya nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi siya napuruhan kanina bagay na ikinabuntonghininga niya nang malalim. Pakiramdam niya ay lalo siyang minamalas. Nakauwi siya ng bahay kahit namumutla sa takot. Napayakap sa biniling libro at doon tuluyang naiyak muli. “Gosh! Alam kong karma ko na ito. Lahat ng kamalasan ko, ay nararapat lang din.” NANG sumunod na mga araw kasalukuyang inaayos ni Santiara ang kaniyang sarili sa harap ng malapad na salamin. Napahugot siya nang malalim na buntonghininga. Naging mas mahirap ang trabaho niya dahil wala na siyang day-off at wala na rin siyang sasahurin sa buong buwan. Sa pag-alala niyang ‘yon ay nagpapaalala naman sa kanya ang isang bagay, ang puting sobreng naglalaman ng malaking halaga ng pera. Kaagad niyang tinungo ang locker, kinuha niya ang kanyang bag at saka ito binuksan. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang muli itong masilayan. “Diyos ko, Lord!” naibulalas niya. Naiiyak siya sa tuwa ng sa wakas ay may maipambayad na siya ng kanyang mga utang at renta sa apartment na tinitirhan. Lubos din ang pasasalamat niya sa matandang nagbigay sa kanya ng pera. Kahit mabigat sa loob, pinili niya pa rin pumasok sa trabaho. “Miss Marasigan, kanina na kita hinahanap, nandito ka lang pala,” Sambit ng katrabaho niya. “Pasensya na, may hinahanap lang ako,” tipid niyang tugon. “Ano ba ang sadya mo?” “Pinapatawag ka na ni sir, may iuutos siguro sayo. Mauna na ako, bilisan mo, ah. Baka magmala-dragon na naman ‘yon,” pagbibiro ng kasama niya at nagpaalam ito sa kanya bagay na ikinatawa niya nang mahina. Tinungo niya ang opisina ng kanilang manager. Kinakabahan man nang matindi ngunit, kinailangan niyang harapin ito kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay, at kalamnan dahil, na rin sa maraming palaisipan na pumapasok sa kaniyang isipan. “Paano kung tanggalin na ako? Huwag naman sana, sana iba na lang.” “Pero, paano kung ipapakulong niya ako? Diyos ko, wala akong pampyansa.” Malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan nang tumapat na siya sa harap ng pinto. Isang beses pa man siyang kumatok ay narinig na niya agad ang boses ng boss niya mula sa loob na nag-uutos na siya ay pumasok. Nanginginig ang kamay nang pihitin niya ang siradura. Pagbukas niya sa pinto ay nakaabang sa kanya ang estriktong mukha ng manager. Tila tinakasan siya ng kaniyang kaluluwa nang titigan siya nito nang masama. “Have a sit, Miss Marasigan.” Kaagad naman siyang tumalima at naupo sa bakanteng silya. “Kaya kita ipinatawag dahil doon sa nakaraang araw. Well, I want to apologize dahil, napasobra ako sa sinabi ko,” senserong sabi ng manager sabay lapag nito ng maliit na kulay brown na sobre. “Here is your salary, Miss Marasigan, nakita ko kung gaano ka kapursigido sa trabaho mo.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Santiara dahil sa saya. Biglaan nabura ang agam-agam sa kaniyang isipan kanina lang. Nabuhay ang nagtulog-tulogan niyang kaluluwa. “Maraming salamat, sir!” masayang sambit niya. “That’s all, you can leave now. But, kapag naulit ang nangyari, I will not hesitate to fire you. Understand?” Mahina at nagpapaalalang saad ng boss niya. Tumango si Santiara at saka malawak na napangiti rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD