CHAPTER 2 (part3)

843 Words
“Tatandaan ko, sir. Thank you po,” nakangiting sagot ni Santiara bago nagpaalam. Humakbang patungong dining area si Santiara. Kapaansin-pansin din ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha bagay na ikinapuna ni lvory, kasamahan niya sa trabaho. “Ang lapad ng ngiti ah! Bati na ba kayo ni Sir Dragon?” nakangising usisa nito. “Oo naman.” “Naks! Mabuti naman kung ganun. Siyanga pala, kanina pa may naghahanap sayo,” hintong ani lvory at saka nagpatuloy, “Mukhang pang-sugar-daddy!” natatawang bulong nito. Natawa si Santiara at nailing din. “Wala akong kakilala na mayaman, kaya kalma!” Pinaikot ni lvory ang kaniyang mga eyeballs sabay hawak sa mukna ng dalaga at pagkatapos ay pinaharap sa lalaking tinutukoy nito. “See! lyon siya, oh! Infairness, mukhang may asim pa. Tara, samahan na kita,” pangungulit nitong sabi bagay na ikinatampal nang mahina rito ni Santiara. “Heh! Si Manong ‘yan, loka ka talaga. Dito ka lang.” Napanguso si lvory at wala ng nagawa pa nang humakbang palapit sa matandang lalaki. Nag-angat din ng mukha ang matandang lalaki, nang makalapit siya, at isang tipid na ngiti ang iginawad nito. Ningitian ni Santiara ang matanda, “Kumusta po, manong. Ano po ang gusto ninyong i-order?” Inabot ng matanda ang Greek Cuisine Menu at binuklat iyon. “Tamang-tama, mukhang mga masarap ang pagkain dito. Teka, sandali…” sabi nito at nag-iisip kung alin sa mga nakalagay sa menu ang o-orderin. Napangiti si Santiara at siya na nagpasya, “Isa po sa specialties namin dito ang souvlatsidliko o gyros pita.” Itinuro niya sa menu kung ano iyon. Napangiti ang matanda at napatango. “Sige, bigyan mo ako nito, good for two. Take Out!” sabi nito bagay na ikinatalima niya at kaagad na naglakad patungong service area. Hindi umabot ng ilang minuto ay muling bumalik si Santiara, at dala na nito ang inorder ng matanda. Nakangiti niyang inilapag ito sa ibabaw ng mesa. “Here’s your order, sir. Don’t mind the bills. Ako na po ang magbabayad, bilang pasasalamat ko na rin sayo sa pagtulong sa akin,” sinserong sabi niya ng akmang bubuksan ng matanda ang makapal na wallet nito. Ngumiti sa kanya ang matanda at saka ito tumayo. “Siguro ka ba? Bueno, maraming salamat. Pero, puwede mo bang ihatid ito doon sa sasakyan na iyon?” pakiusap nito bagay na ikinasunod niya nang tingin sa tinuro niyo, kalaunan ay pumayag na rin siya. Bitbit ang dalawang inorder ng matanda ay tinungo ni Santiara, ang kulay dilaw na mamahaling sasakyan. Sobra siyang namangha sa nakita. Makintab ito, na pati langaw ay mahihiyang tumuntong. “Bigtime si Manong, ah. Ang suwerte naman ng mga anak niya,” naiusal niya na lamang. Hindi niya napigilan ang sariling titigan ang sasakyan nang tumapat siya sa pinto nito. Minasdan niya ang kaniyang sarili, bigla naman siyang nahiya. “Para naman akong manang nito, ang haggard ng mukha ko,” naisatinig niya at bahagyang nanalamin. Inayos ang sarili habang ngumingiti at saka kinapa ang liptint sa bulsa ng kanyang suot na apron at nilagyan ang labi. Tumigil din nang makalapit sa kanya ang matanda. “Heto po, manong,” aniya at iniabot sa matanda ang hawak bagay na ikinangiti sa kanya ng kaharap. “Salamat, hija,” sagot nito sabay bukas sa pinto ng sasakyan. Dahil, sa ginawa ng matanda ay nanlaki, at nagimbal sa nakita si Santiara. Tila, nayanig ang kaniyang utak nang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan. Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha at hindi na alam ang gagawin nang nginisihan siya nito nang nakakaloko. “Mister Asero, sa susunod…huwag kung sinu-sino ang uutusan mo,” mapanglait naisatinig ng lalaki. Lalong nahiya sa sitwasyon niya si Santiara, naiyuko ang sariling mukha dahil, sa kahihiyan. Naikuyom niya ang mga kamao niya at hindi na magawang ihakbang pa ang kanyang mga paa. Nang mag-angat siya ng mukha ay nginitian siya ng matanda bagay na ikinahinga niya nang maluwag. “Sa susunod ulit hija, maraming salamat sa libre mong itoz” pambalewalang saad ng matanda bagay na ikinangiti niya nang tipid dito. Kaagad siyang tumalikod at malalaki ang mga hakbang na nilayuan ang sasakyan na iyon. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso at hindi niya makuha kung bakit. Baka nga, sa labis na kaba, at hiya kaya ganun na lang kung magwala ito. “Hayst! Tanga lang self? Bakit hindi man lang pumasok diyan sa laman ng isipan mo na tinted iyon? Juskolor, nakakahiya!” mangiyak-ngiyak niyang saway sa sarili sabay gulo sa sariling buhok. Natampal niya nang hindi sinasadya ang sariling pisngi. Hanggang sa natigilan siya nang marinig niya ang boses ni lvory na pati ito ay natakot sa kanya. Kaagad siyang napabitaw mula sana sa pagsakal sa sarili at ngumiti na lamang rito. “Okay ka lang?” nauutal usisa ni Ivory at bakas sa boses nito ang pangamba. “Oo, pasensya ka na, wala ’to! Huwag mo akong intindihin.” Napatango nang wala sa oras si Ivory at isang pilit na ngiti ang inilabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD