PAGDATING ni Bryant sa gate ng mansion ni Lancelotte, ay kusa iyong bumukas. Ningitian siya ng guwardiyang nakabantay doon bagay na ikinasaludo niya rito, at saka pinatakbo papasok sa malawak na daan ang kanyang sasakyan. lginarahe niya ang kotse niya at saka bumaba. Pormadong isinuot niya ang kanyang paboritong sunglasses. Kapagkuwa’y pinindot niya ang doorbel ng malaking pintuan ng bahay ni Lancelotte. Hindi katagalan ay bumukas din. Sa pagbukas ng pinto ay siya namang ikinatulala niya. Isang magandang dilag ang tumambad sa kaniyang harapan. Simple ang suot nito ngunit maganda pa rin tingnan. Isang ngiting malapad at nakakaloko ang sumilay kaagad sa labi niya. “Hi! Si Lancelotte?” nakangiting tanong niya sa kaharap. He smiles again. He can’t take his eyes off this pretty lady. But,

