Napatitig at napatulala na lamang si Lancelotte nang lumabas si Santiara mula sa fitting room. Nasa isang kilala silang Luvya Boutique, Isinama ni Lancelotte si Santiara para may maisusuot ito at maayusan din. Santiara’s beauty is jaw-dropping. Para itong anghel na bumaba mula sa langit. “Wow!” mahinang naibulalas ni Lancelotte habang ngiting-ngiti at saka nagpatuloy. “Napakaganda mo, Santiara.” “Salamat, Sir Lancelotte.” Suot ni Santiara, ang strapless glittering dark red night gown with slit. Naka side bun ang buhok na bumagay sa aura niya. Hiyng-hiya siya habang inaayos ang laylayan ng suot dahil maigsi lang at litaw ang legs niya. Lancelotte can’t take away his eyes, parang minamagnet iyon para titigan niya pa lalo si Santiara. Napangiti ito nang mapansin na medyo hindi komportab

