CHAPTER 7

1506 Words
NATATAWANG tinitigan ni Santiara ang bisita. Hindi niya ubod akalain na makakausap ng personal ang iniidolo niya at nakita pa ito. Hindi niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha dahil, napaka-sweet rin nito at napaka-bait din. "We’ve been together for a while now. But, I forgot to ask your name,” “Huh?” nagulat pa niyang sabi at saka sumagot din matapos matauhan. “Santiara. . . Santiara Marasigan ang pangalan ko,” nauutal niyang pakilala. Napangiti ang binata, “Nice name Santiara, are you leaving here alone, Santiara? Where’s your parents anyway?” usisa nito. Natigilan sandali si Santiara sa itinanong ni Maximir. “Ako lang mag-isa rito. Wala na sila. . .nasa malayo na.” Tumango si Maximir, “Oh! Mabuti ka pa. I want life like this! Malayang nagagawa ang gusto, nakakain ka pa ng gusto mong kainin. ” “Hmp! Parang ganun na nga. Bakit? Kayong mga sikat ba, walang kalayaan?” kuryosidad niyang naitanong rito. Tumitig sa kaniya si Maximir at saka ito umiling. Para itong bata kung ngumuso bagay na ikinangiti niya rito. “Bantay sarado ako—este! Wala! Wala kaming ganun. I mean, hindi kami puwedeng makita sa public ng mag-isa. Our life must be private. So I ran away for take a walk for a while,” “Ganun pala ang buhay mo? Oh, teka! Luto na. Doon ka lang, ako na ang gagawa nito,” Maximir let out a sighed. Muntik na siyang mabuko. Muntik niyang masabi na hinahabol siya ng kaniyang mga bodyguard kanina para ibalik sa press conference. Magaan ang pakiramdam ni Santiara kay Maximir ngunit hindi niya maiwasang hindi magtaka rito. Isa itong sikat na Model at malamang mga oras na ito ay pinaghahanap na siya. Ganun pa man, inihain niya sa lamesa ang naluto niyang kare-kare, kanin at saka adobong manok bagay na ikinanganga ni Maximir at tila natatakam na matikman ang mga ito. She smiled, inalis ang apron na suot ‘tsaka naupo paharap kay Maximir. “Kain na! Kailangan mong kumain dahil ang payat mong tignan,” pabirong aniya. “Uy! Hindi ah! You want to see how my body build, won’t you?” hamon ni Maximir at inangat ng kaunti ang sweater na suot. “Biro lang! Seryoso mo ah!” kaagad nitong bawi saka ngumiti ng totoo. Napairap si Santiara, ikinubli ang pangangamatis ng mukha. Para kasing, matagal ng magkakilala kung kausapin siya ni Maximir. Walang duda, mabait kasi ito at magaan ang kaniyang loob sa binata. KALAUNAN ay ramdam ni Maximir ang katahimikan. Nasa loob ng kusina si Santiara dahil, hinugasan nito ang pinagkainan nilang dalawa. Naupo siya sa upuan at saka kinulikot ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang manager. Bumungad sa kaniya ang pagtatalak ng katawagan. “Lower your voice, Athena. I'm going later, so just calm down okay?” “Jusko! Max. How could you say that! How can I calm down for d*mn sake? Kanina pa naghihintay sayo ang press! At ano itong nakita nilang may kasama kang babae? Are you out of your mind?” “Okay! Okay! I know! Just shoo that press away! Saka na ako babalik kapag wala na ang mga ‘yan! I’m at a friend. Take that picture away and shut their mouth if they don't want me to blow up their skulls!” “You need to going back now, Maximir. May photoshoot ka pa man din. Siya! I call you later. I sent a man, ipakuha ko ang litrato. But please, hindi na ito mauulit!” Binaba ni Maximir ang tawag at saka napahilot sa kaniyang sentido. He bit his lower lip and gently rub his lip. He let out a deep sigh. He makes sure Santiara won’t be involved. Mukhang maging isyo pa ang paghalik niya rito. “How you just kissing innocent girl in just like that! D@mn self!” kastigo niya sa sarili at napakamot sa batok. Nang marinig niya ang mga yapak ni Santiara ay dali-dali niyang ibinulsa ang kaniyang cellphone at saka tumayo mula sa kinauupuan. He smiled at her. Yayain niya itong manood ng palabas. Sayang din dahil, may dalawa siyang kinuhang ticket. “Ayaw mo ba? Sayang, ngayon ilalabas ang paborito kong palabas,” tila batang aniya. “Paano kung makita ka at makilala? Ei, ‘di pagpyestahan ako!” “No. Promise, hindi ka nila gagalawin, ako ang bahala!” Ngumiwi si Santiara. Mukhang nagkamali siyang matino ang isang ito. Tila malayo sa Maximir na hinahangaan niya. Dahil, may pagka-childish ang isang ito. “Sige, magpapalit lang ako ng damit,” paalam niya bago tinalikuran si Maximir. SA mall of Asia nagtungo ang dalawa, tagong-tago ang mukha ni Maximir dahil, sa suot nitong makapal na stitching black and white hoodie sweater. Hindi maiwasang humanga rito ni Santiara dahil, mas lalo kasi itong pumogi sa ayos. Perpekto na at walang makitang kamalian sa hitsura. He has blue eyes and sexy red lips, na tyansa niya ay may taas ito na five feet and nine inches. “Enjoying the view, huh? Huwag ka ng mahiya, alam ko namang na gwa-gwapuhan ka sa ’kin,” nakangising ani Maximir. Inarapan ito ni Santiara at saka pinandilatan ng mata. “Ang hangin mo rin ei! Manood ka na lang,” saway niya rito. Natawa lamang nang mahina si Maximir at saka sumubo ng iilang popcorn. Spider home-coming ang kanilang pinanood na kapwa nilang paborito. Madali at mabilis silang magkasundo ni Maximir bagay na ikinangiti niya ng patago. Nakalimutan ni Santiara ang pagod at problema sa mga sandaling kasama niya si Maximir. She didn’t expect it! Parang panaginip lamang ang nangyari. Pagkatapos nilang manood ay niyaya na naman siya ni Maximir mag-archade bagay na ikinanlaki ng kaniyang mga mata at mabilis na tumanggi kaagad. Subalit, kalaunan ay napapayag na rin siya dahil, sa kakulitan ng kasama niya. Na e-enjoy nilang pareho ang ginagawa. Lahat na yata ng laro ay nalaro na nilang dalawa. “Wow! Ang kyut naman! Oh! Teka! Laruin mo iyon, dali!” turo ni Santiara sa Crane claw toy machine. Hindi alam ni Maximir paano iyon laruin kung kaya’t umiiling-iling ito. “Hindi ko alam kung paano laruin ‘yan, ibibili na lang kita,” nakangising sabi nito. Napangiwi si Santiara at saka inirapan ang binatang nakangiting nakatitig sa kaniya. “Tss! Hindi na. Hindi iyan puwedeng bilhin dahil lalaruin pa!” asik nito at tinalikuran si Maximir. Napakamot na lamang sa kaniyang batok si Maximir. Naghulog ito ng limang piso saka kinausap ang matandang nakabantay. “Manong, paano ba pagagalawin ito?” “Press button lang iyan hijo. Pagalawin mo iyang Joy sticker at iyon na,” “Ganun pala, salamat manong!” nangingiting ani Maximir at kinabahan na ewan. “F*ck! You did it, Maximir!” ani Maximir at kausap ang sarili. Nagulat si Santiara sa ginawa ni Maximir. Nakonsensya tuloy siya dahil ginawa nito ang bagay na hindi naman nito dapat ginawa. Pero, masayang-masaya siya dahil sa pursigido itong makuha ang napaka-kyut na crane toy. “Kaya mo ‘yan! Dahan-dahan. . . yeey! Sige pa, iangat mo!” pag-che-cheer niya. Kada tangka kasi ni Maximir ay nahuhulog lamang iyon na kahit aabot na sa may takip. Pinagpawisan na rin si Maximir ngunit hindi ito sumuko. “Ang daya! Manong! Bibilhin ko na lang po, sige na!” nayayamot na sabi ni Maximir. Sumama ang mukha ng matanda bagay na ikinatawa ng pilit ni Santiara at bahagyang kinalabit si Maximir para patigilin ito. “Tama na! Haha! Gabi na at kailangan mong umuwi. Okay na! Sa susunod na lang at pag-aralan mo kung paano,” “Tsk! Why did always like that! Nakakagigil!” ani Maximir saka ginulo ang sariling buhok. “Baliw! Kita mo na ngang Crane iyon. Ginalit mo tuloy si Tatang! Tayo na nga at baka ipapapulis pa tayo,” panakot niya rito at kinaladkad papalayo si Maximir. Nakabusangot pa rin ang mukha ni Maximir bagay na ikinangiti ni Santiara. Alam niyang gigil na gigil na si Maximir sa mga sandaling ito pero hindi pa siya ganun kagaling. “Mabuti pang umuwi ka na, Max. Gabi na at paniguradong hinahanap ka na ng mga magulang mo. Kailangan ko na rin magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas,” “Yeah! Thanks for letting me, Santiara. This whole day makes my day memorable. Napakasaya ko. I hope to see you again.” Pinamulahan ng mukha si Santiara saka nag-iwas ng tingin sa kausap. Bahagyang napakislot si Maximir dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Kausap nito ang kanyang manager na kanina pa naghihintay sa sasakyan. “I’ll go ahead! Mukhang inip na inip ang manager ko,” anito. “Sige! Paalam sayo!” “Good night,” paalam ni Maximir habang nakatitig sa kaniyang mga mata. “Good night din! Alis na! Mukhang iyon ang sundo mo oh!” tugon ni Santiara. “Haist! Sige, Bye!” ani Maximir saka tumalikod ito bago nito tinungo ang itim na sasakyan at pumasok doon pagkatapos. Santiara just waved her left arm bagay na ikinangiti sa kaniya ni Maximir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD