SAMANTALA, sa bahaging iyon ay may mainit na mga matang nakatingin. Nagtangis ang bagang nito at pilit na pinapakalma ang pusong nanakit.
Hindi nito mawari kung bakit pa kailangan nitong gawin ang bagay na hindi nito dapat na ginawa. Nagmumukha tuloy siyang stalker sa ginawa. He watching them.
“Pupuntahan mo ba siya? Puwede mo naman kasing ipa-laundry iyong damit mo, napaka-busy pa naman ng batang iyon,”
Nagkasalubong ang mga kilay nito saka ipinagpilitan ang gustong mangyari.
“Tsk! Hayaan muna. Tayo na! I want to refreshin’ my mind! At dapat bukas, wala na siya sa restaurant na iyon! Get it?” anito at bakas sa tono ang paggigigil.
Natawa na lamang at naiiling si Mister Asero sa pabiglang pagbabago ng ugali ni Lancellote.
This is not like him! Hindi ito at tipong susundan ang babae kahit saan magpunta.
Sandali pa ay iniwan nila sa pinto ang isang paper bag kanina at laman niyon ang nadumihang damit ni Lancelotte. Saka nagpasyang umalis sa lugar na iyon bagay na nagpatigil kay Santiara mula sa pagpihit ng seradura ng kanilyang pinto nang makita niya ang isang kulay de-gatas na paper bag.
Kunot-noo, dinampot niya ito saka inangat at tinitigan. Pinisil-pisil pa niya ito saka inalog. Pero may kabigatan ito dahil hindi man lang umalog hanggang sa nagpasya siyang buksan ito upang makita ang nilalaman niyon.
“Gosh! Kanino ito?” nanlaki ang mga mata niyang naibulalas dahil damit ang laman ng paper bag.
Kaagad naman din sumagi sa isipan niya ang imahe at suot ng lalaking nakabunggo niya. Ganitong damit ang natapunan niya bagay na ikinabilog ng kaniyang bibig saka nanlaki ang kaniyang mga mata dahil nang iangat niya ito maigi ay nagmarka pa rito ang manstang kagagawan niya hanggang sa nahulog mula sa damit na hawak niya ang isang kapirasong kulay dilaw na papel.
—make sure you clean this! This suit is expensive. Worth of 335,000$. Contact me on this cell number 09xxxxxxx.—
Halos malaglag ni Santiara ang hawak dahil sa gulat niya. Para bang pinanlamig siya nang malagkit dahil sa kanyang nabasa.
“Seryoso ba siya?” gulat niyang naibulalas dahil sa sulat na iniwan nito.
Naging matamlay tuloy ang gabi niya. Naiinis na rin siya dahil pinagmumukha ng lalaking iyon na mas mahal pa sa buhay niya ang damit nito.
“Parehas lang sila nung babaeng kasama niya! Mga masasama ang ugali!” asik niyang sabi at padabog niyang ibinalik sa loob ng paper bag ang damit na hawak niya.
“Ei kung, apak-apakan ko kaya ’to? Lokong ’yon, natapunan lang, wagas maka-demand!” inis niyang sabi at pumasok din sa loob ng apartment niya pagkatapos.
KINABUKASAN, ay maagang nagising si Lancelotte, maaga na rin niya nagawa ang kanyang morning routine. Maaliwalas ang kaniyang mukha at may ngiti sa labi niyang tinupi ang collar sa kanyang suot na white long sleeve at saktong kalalabas din ni Mister Asero mula sa kusina. Bitbit ang kape nito.
“Ang lapad ng ngiti mo ah? siyanga pala. Tumawag si Merlza, gusto niyang magpasundo sayo,” nangingiting ani Mister Asero.
“Sige, ayaw ko rin sumama ang loob niya sa ’kin. Ma-la-late ako ng uwi, Mister Asero. Gamitin mo na lang ’yung isang sasakyan at trabahuin mo ang pinagawa ko sayo,”
Tumango bilang tugon ang matanda saka nito inihain sa hapag ang mga pagkain at kape ni Lancelote.
“Magkape ka muna, makapaghintay si Merliza kaya habang maaga pa, kumain ka na rin para magkalaman ang sikmura mo.”
Tanging pagngiti lamang ng tipid ang ibinigay dito ni Lancelotte. Naupo siya at sinimulang lantakan ang inihain ni Mister Asero. Bukod kay Mister Asero, wala na siyang ibang pinagkakatiwalaan. May natitira pa man siyang kamag-anak pero, alam niyang pera lang din ang habol ng mga ito sa kanya bagay na ikinagagalit niya.
Nang mga sandaling iyon ay tahimik siyang nagmamaneho para daanan sa mansion si Merliza bagay na ikinalawak ng ngiti naman ng huli. May sariling bahay si Lancelotte kung kaya’t hindi nito madalas nakakasama ang dalaga. Nag-hire siya ng guwardya para magbantay sa mansion ngunit, umayaw si Merliza ng kunan niya ito ng bodyguard. Ayon sa dalaga, hindi nito kailangan ng bodyguard dahil nariyan naman siya at hindi niya ito kayang hindian.
Sakay ang Laferrari Aperta-isang open-top hypercar. Bakas sa mukha ng dalaga ang kagalakan nito dahil, nakasabay muli nito si Lancelotte.
“Bakit kasi hindi sa mansion ka tumira, Lance. Alam mo namang wala akong kasama dun kundi mga katulong lang,” nakanguso nitong ani bagay na ikina-kunot-noo ni Lancelotte.
“You have guards there, Iza. I have my own house at hindi maganda na titira ako kasama mo,”
Bumusangot ang mukha ni Merliza at hindi na muling umimik pa.
Lancelotte heaved a sighed saka niya ginulo ang buhok ni Merliza.
“Don’t be hard headed, Doc. Smith!” aniya at tipid na ngumiti.
Pigil naman ni Merliza ang mapangiti at pamumula ng mukha. Merliza can’t get away from Lance's presence, nasanay na kasi siyang narito ito para damayan siya at ibigay ang mga bagay na gusto niya.
WEST WARD HOSPITAL, isang hospital kung saan hinatid ni Lancelotte ang dalaga. Pinark niya sa parking area ang kanyang magarang sasakyan saka pinagbuksan ng pinto si Merliza. Hindi tuloy maiwasan ng co-doctor ng dalaga na hindi mapatingin sa gawi nilang dalawa at nagsimula na rin ang bulungan mg mga ito.
“Shocks! Is that Merliza's boyfriend?” medyo lumakas na sambit ng kasamahan nito.
Agad na nag-iwas sa kaniya ng tingin si Merliza pagkarinig niya sa bulong-bulongan ng dalawang babae.
“Thanks for driving me here, Lance. I have to go. Take care yourself,” paalam nito saka tumingkayad upang gawaran siya ng halik sa pisngi.
He didn’t expect it! Gulat at pagtitimpi. Ngunit, ayaw niyang mabastos sa harap ng iba si Merliza. He smiled, ngunit hindi umabot sa
kaniyang mga mata ang ngiting pinakawalan niya. Pansin niya ang maling kilos ngayon ni Merliza. Hindi niya gusto ito.
Walang salita niyang tinanguan ang dalaga saka tinalikuran ito upang buksan ang pinto ng kanyang sasakyan at ng makaalis na rin sa lugar na iyon.
Habang lulan ng sasakyan, kaagad naagaw ng kanyang atensyon ang babaeng tumatakbo upang maabutan ang paalis na bus. Pamilyar ito hanggang sa matandaan niyang ito ang dalagang nagtapon ng juice sa kanyang damit.
He stopped his car, matamang sinundan niya lang ng tingin ang babae na patuloy pa rin sa paghahabol. He couldn't get away, he smiled seeing her.
Muli niya binuhay ang makina ng kanyang kotse at saka sinaktong ihinto ito sa tapat ng dalaga at malakas itong binusinehan bagay para magulat sa ginawa niya ang dalaga. He lower down his car's window, saka ito sinenyasan.
“Hop in!” utos niya.
“Ha?” anito saka tinuro ang sarili. “Ako ba? Salamat na lang po, pero hindi ko kayo kilala,” dugtong nito at kasimbilis ng hangin kung tanggihan siya nito.
Kunot-noo, umarko ang kilay niya. Imposibleng hindi siya nito natandaan.
Reality hits his ego. Pakiramdam niya ay bigla siyang na-broken sa mga sandaling iyon. Humigpit ang kapit niya manibela, saka pumeke ng ngiti rito.
“Fine! Bahala kang maghintay ng masasakyan, total hindi naman ako ang mahuhuli!” aniya saka walang anupa’y binuhay niya ang makina ng kanyang kotse at pinasibad ito papalayo.