CHAPTER 4

1481 Words
NAPAPANSIN ni Santiara na sinusulyapan siya ng lalaki. He smiled to her, kung kaya’t naiiwas niya ang tingin na tumitig rito. Natigilan at kumabog sa kaba ang puso niya. Bumuntonghininga siya, kinalma ang sarili at saka ngumiti nang pilit. Umarko na lamang ang kabilang kilay niya dahil, sa sumunod na ginawa ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang kinindatan siya ng binata sabay ngiti nang nakakaloko. “Loko! May pagka-pilyo pala ang taong ‘to. Tsk! May girlfriend na nga, nagawa pa niyang lumandi!” Iniwasan na lang niya makipagtitigan dito, at kumilos nang mabilis para hindi siya muling mapagalitan ng kanilang manager. “Uy! Santiara, pwede bang makisuyo?” may paglalambing ang boses na ani Ivory. “Ano ‘yon?” “Puwede bang ikaw nalang mag-overtime mamaya? Hindi ako pwede ngayon ei, alam mo na. Wa-walang mag-aalaga sa anak ko.” Nakaramdam nang awa si Santiara kaya pumayag na lamang siya sa hininging pabor ni Ivory. Total mag-isa naman siya sa buhay kahit mag-overtime siya ay wala namang naghihintay sa kanya pag-uwi. “Walang problema. Ipaalam mo na lang kay, sir.” Niyakap siya ni Ivory, at ningitian pagkatapos. “Maraming salamat ha? Magpapaalam ako kay, sir mamaya.” Kumalas mula sa pagyakap nito si Ivory bagay na ikinangiti niya sa kaibigan. Dalagang ina si Ivory kung kaya’t naiintindihan niya ito. Bumuntonghininga siya at saka pinuntahan niya ang bakanteng lamesa at nilinis iyon. Malapit ito sa pinagkainan ng dalawa bagay din para hindi niya maiwasang maamoy ang pabango ng lalaki. It's addicting. Napakapamilyar ng amoy na iyon sa kanya. Katulad na katulad ito kay Jacob. Dahil, sa naisip ay napalunok siya sa sandaling naalala ang dating nobyo, at nakaramdam ng lungkot. Na-gui-guilty na naman siya at gusto na namang umiyak. Jacob's memories makes her paranoid. At hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil, sa nangyari rito. Dahil sa kalutangan ay may nakabunggo siya. Natapon sa damit ng taong nakabunggo niya ang nilalaman ng tray na hawak niya. Bumagsak sa sahig ang mga ito, at nabasag. Nanlaki ang kanyang mga mata nang iangat ang mukha at nakita niyang nadumihan ang suot ng lalaki. “Gosh!” narinig niyang pagsinghap ng babaeng nasa upuan. Nanginginig ang mga kamay niya at natatarantang tinarapuhan ang damit ng lalaki. “I-I’m sorry po, sorry po, sir!” magkasunod-sunod na paghingi niya ng pasensya at mabilis na kinuha ang tissue para linisin ang nadumihang kasuotan nito. “Stop it, it’s okay!” pagpapatigil ng lalaking nakabunggo niya. “Lance, are you okay?” Usisa ng babaeng kasama nito. Doon lamang itinaas ni Santiara ang mukha nang nararamdaman niyang hinawakan ng lalaki ang kamay niya para ilayo ito sa damit nito. Her eyes want to tear while biting her lower lips. Lagot na naman siya sa kanilang manager. Uusok na naman ilong n’yon panigurado. “Pa-pasensya na po hindi ko sinadya, sir, nadumihan ko tuloy ang damit mo.” “Its okay,” tipid nitong sagot. Ramdam ni Santiara ang matalim na pagtitig sa kanya ng babaeng kasama ng lalaki na kulang na lamang ay tutunawin na siya sa sobrang sama. “Iza, tara na,” sambit ng lalaki at nauna itong humakbang palabas. Dinaanan siya ng babae at sinadyang binangga ang balikat niya dahilan para mapaatras siya. Kaagad niyang pinulot ang mga nakakalat, at saka sinundan nang tingin ang nakatalikod na lalaki. Bigla siyang napangiwi dahil nahawakan niya ang bubog at dahilan iyon nang pagkasugat ng daliri niya. “Aw, Jeez.” Itinapon ni Santiara sa basurahan ang mga nabasag na gamit. Mabuti na lamang ay wala sa mga oras na iyon ang sipsip nilang kasama. Dahil, kung nagkataon ay tuluyan na siyang masisante. “Hayst! Santiara. Iwanan mo ang personal na emosyon sa oras ng trabaho,” naisaway niya sa sarili at saka napahilamos ng mukha. Nasa loob siya ng comfort room sa mga oras na iyon dahil breaktime na nila. Ilang minuto rin ang itinagal niya sa loob bago niya napagpasyahang lumabas. Nadatnan niya sa labas si Ivory, na mukhang malungkot at tila galing ito sa pag-iyak. “Ivory?” tawag niya rito at saka nagpatuloy. “Ayos ka lang?” Kaagad pinahiran ni Ivory ang kaniyang mga luha at saka ngumiti sa kanya nang tipid. Tumango ang kaharap, ngumiti ito nang bahagya at saka nagpaalam na aalis na rin. Hinayaan niya ito na pumasok sa loob ng comfort room. Ramdam niya ang mabigat na pakiramdam ni Ivory. Bumuntonghininga na lamang siya saka umalis roon. —---- MADALING araw na nang makauwi si Santiara. Antok na antok na siya at buong katawan niya ay pagod. Panay na rin ang hikab niya habang naglalakad. Pasalamat na lamang siya dahil walang mga tambay sa daan. Pagdating niya sa tinutuluyang apartment ay basta na lamang niya ibinagsak ang katawan dahil sa sobrang pagod at papikit na ang kanyang mga mata.. Kinabukasan ay tinanghali siya nang gising. Mabuti na lamang dahil araw ng linggo kung kaya’t hindi siya nabahala kahit tinanghali siya ng gising. Nagpasya siyang bumangon para maglinis din ng katawan. Pagkatapos niyang maligo at makapagpalit ng damit ay binuksan niya ang kanyang mini ref. Ngunit, pagbukas niya ay naubusan siya ng uulamin nang silipin ang laman n’yon. “Hayst! Ayaw ko ng mag-noodles. Mababawasan na naman ang ipon ko kapag mag-groceries ako.” Sinara niya ulit ang mini-ref niya at saka hinalungkat ang tinago niyang piggy bank. Medyo may kabigatan na ito kung kaya’t nagdadalawang-isip siyang buksan ito. “Wala na akong pera, piggy. Pasensya na talaga ibabalik din kita kapag sasahod ako sa susunod na linggo,” naiiyak niyang sabi at kausap ay ang pink na alkansya. Pikit-mata na lamang niya itong tinastas ng blade cutter at saka nagdahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata. Binilang niya ito at may ngiti sa labing niyakap ang naipon. Mahigit limang libo na ito at sakto na sa kanyang pang-groceries. SA SuperMarket siya nagpunta. Tulak-tulak ang cart at pinamili ang gusto niyang kainin hanggang sa mapadaan siya sa Mall Advertisement kung saan inilabas ang malaking picture ni Maximir Westeria, isang former international model sa buong Asia. Matagal na niya itong hinahangaan kung kaya’t nanghuhumaling na naman siya at nanlaway. “Perfect smile, Maximir! Naririnig ko ang boses mo. Jusme! Kahit signature lang, okay na ako.” Nakatitig siya sa malaking portrait ng lalaki habang nakangiti. Ilang minuto na rin niyang tinitigan ang malaking imahe ni Maximir, at saka niya naisipang magtungo sa counter para ipa-check sa cashier ang pinamili niya, ngunit bigla na lamang siyang nagulat dahil may humatak sa kaniyang kamay bagay na ikinayakap niya rito dahil medyo malakas ang impact ng paghatak nito sa kanya. Nanlaki na lamang ang kaniyang bilugang mga mata nang ninakawan siya nang halik ng estranghero. Natuod siya mula sa kinatatayuan at hindi na niya magawang ikilos ang kanyang katawan dahil sa gulat. “Stay still please, babarilin nila ako,” pabulong na pakiusap ng lalaki matapos siya nitong mahalikan. Sinundan niya ng tingin ang mga kalalakihan na sa pagkakaalam niya ay ang lalaki ito ang habol nila. Mabilis niya itong itinulak bagay na ikinatanggal ng cap na suot ng lalaki. Ngunit, ganun na lamang din ang paglaglag ng kanyang panga dahil, sa namukhaan niya ito. Para siyang hihimatayin dahil sa nakita. Dahil, ang lalaking nasa malaking screen at kaharap ngayon ay iisa. “Ma-Maximir?” naisambit niya dahilan para itago maigi ng lalaki ang mukha nito. “Seems you know me. I’m so sorry for what I did, Miss. Gusto ko lang makatakas, kaya sorry talaga!” magkasunod-sunod na paghingi ng tawad sa kanya ng lalaki. Hindi kaagad siya nakakibo ngunit, naramdaman na lamang niya ang paghatak ng lalaki sa cart. “I insist. Tulungan na kita at ako na ang magbabayad nitong mga pinamili mo, kung totoosin kulang itong ginawa kong pagtulong sa kahihiyang nagawa ko.” “Hu-huwag na! May pera naman ako,” pagtanggi kaagad niya at malakas ang pagkabog ng puso niyang tinulak ang cart. Nagpumilit ang lalaki. Inagaw nito mula sa kanya ang cart at niisang hatak ang kamay niya at hinigpitan ang paghawak nito. Kinaladkad siya bagay na hindi niya napaghandaan. “Huwag matigas ang ulo, Miss! Sige na… baka mamatay ako sa konsensya dahil sa ginawa ko sayo. Bilang kabayaran. . . ihahatid na rin kita at ipagluluto.” “Ano? Teka-teka! Hindi naman kita sinisingil ah!” angal niya at nahintakutan bigla. Huminto mula sa paghatak sa kanya ang lalaki at saka siya nito ningitian nang ubod-tamis. “Kaya nga, nakokonsensya kasi ako. Kaya sana, hayaan mo akong bumawi, please,” pag-puppy eyes nitong sabi. Napalunok na lamang ng laway si Santiara. Hindi na lamang siya umimik dahil mukhang harmless naman ito. “Sige,” tanging aniya bagay na ikinalawak ng ngiti ni Maximir. Sa mga sandaling iyon ay tinakasan ni Maximir ang kanyang manager. He want freedom at mukhang dadalasan na lamang niya ang mag-disguise para makasalamuha ang ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD