NATATAWANG tiningnan ni Santiara ang bisita. Hindi niya ubod-akalain na makakausap ng personal ang iniidolo niya, at nakita pa ito. Hindi niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha dahil, napaka-sweet rin nito at napakabait din.
“We’ve been together for a while now. But, I forgot to ask your name.”
“Huh?” nagulat pa niyang sabi at saka sumagot din matapos matauhan.
“Santiara. . . Santiara Marasigan ang pangalan ko.”
Napangiti ang binata, “Nice name Santiara, are you leaving here alone? Where’s your parents anyway?”
Natigilan sandali si Santiara sa itinanong ni Maximir.
“Ako lang mag-isa rito, wala na sila. . .nasa malayo na.”
Tumango si Maximir, “Oh! Mabuti ka pa. I want life like this! Malayang nagagawa ang gusto, nakakain ka pa ng gusto mong kainin. ”
“Hmp! Parang ganun na nga. Bakit? Kayong mga sikat ba, walang kalayaan?” kuryosidad niyang naitanong sa binata.
Tumitig sa kaniya si Maximir at saka ito umiling. Para itong bata kung ngumuso bagay na ikinangiti niya rito.
“Bantay sarado ako—este! Wala! Wala kaming ganun. I mean, hindi kami puwedeng makita sa public ng mag-isa. Our life must be private, so I ran away for take a walk for a while.”
“Ganun pala ang buhay mo? Oh, teka! Luto na. Doon ka lang, ako na ang gagawa nito.”
Maximir let out a sighed. Muntik na siyang mabuko, muntik niyang masabi na hinahabol siya ng kaniyang mga bodyguard kanina para ibalik sa press conference.
Magaan ang pakiramdam ni Santiara kay, Maximir ngunit hindi niya maiwasang hindi magtaka sa binata. Isa itong sikat na Model at malamang mga oras na ito ay pinaghahanap na siya.
Ganun pa man, inihain niya sa lamesa ang naluto niyang kare-kare, kanin at saka adobong manok bagay na ikinanganga ni Maximir at tila natatakam na matikman ang mga ito.
She smiles, inalis ang apron na suot ‘tsaka naupo paharap kay Maximir.
“Kain na, kailangan mong kumain dahil ang payat mong tingnan,” pabirong aniya.
“Uy! Hindi ah. You want to see how my body build, won’t you?” hamon ni Maximir at inangat nang kaunti ang sweater na suot.
“Biro lang, seryoso mo ah!” kaagad nitong bawi saka ngumiti ng totoo.
Napairap si Santiara, ikinubli ang pangangamatis ng mukha. Para kasing, matagal ng magkakilala kung kausapin siya ni Maximir. Walang duda, mabait kasi ito at magaan ang kaniyang loob sa binata.
KALAUNAN ay ramdam ni Maximir ang katahimikan. Nasa loob ng kusina si Santiara dahil, hinugasan nito ang pinagkainan nilang dalawa. Naupo siya sa upuan at saka kinulikot ang kanyang cellphone para tinawagan ang kaniyang manager. Bumungad sa kaniya ang pagtatalak ng katawagan.
“Lower your voice, Athena. I'm going later, so just calm down okay?”
“Jusko! Max. How could you say that! How can I calm down for d*mn sake? Kanina pa naghihintay sayo ang press! At ano itong nakita nilang may kasama kang babae. Are you out of your mind?”
“Okay, okay! I know. Just shoo that press away! Saka na ako babalik kapag wala na ang mga ‘yan! I’m at a friend. Take that picture away and shut their mouth if they don't want me to blow up their skulls!”
“You need to going back now, Maximir. May photoshoot ka pa man din. Siya, I call you later. I sent a man, ipakuha ko ang litrato. But please, hindi na ito mauulit!”
Binaba ni Maximir ang tawag at saka napahilot sa kanyang sentido.
He bit his lower lip and gently rub his lip. He let out a deep sighs. He makes sure Santiara won’t be involved.
Mukhang maging isyo pa ang paghalik niya rito.
“How you just kissing innocent girl in just like that! D@mn self!” kastigo niya sa sarili at napakamot sa batok.
Nang marinig niya ang mga yapak ni Santiara ay dali-dali niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at saka tumayo mula sa kinauupuan.
He smiles at her.
Yayain niya itong manood ng palabas. Sayang din dahil, may dalawa siyang kinuhang ticket.
“Ayaw mo ba? Sayang, ngayon ilalabas ang paborito kong palabas,” tila batang aniya.
“Paano kung makita ka at makilala? Ei, ‘di pagpyestahan ako!”
“No. Promise, hindi ka nila gagalawin, ako ang bahala!”
Ngumiwi si Santiara. Mukhang nagkamali siyang matino ang isang ito. Tila malayo sa Maximir na hinahangaan niya. Dahil, may pagka-childish ang isang ito.
“Sige, magpapalit lang ako ng damit,” paalam ni Santiara bago tinalikuran si Maximir.
SA mall of Asia nagtungo ang dalawa, tagong-tago ang mukha ni Maximir dahil, sa suot nitong makapal na stitching black and white hoodie sweater. Hindi maiwasang humanga rito ni Santiara dahil, mas lalo kasi itong pumogi sa ayos. Perpekto na at walang makitang kamalian sa hitsura.
He has blue eyes and sexy red lips, na tyansa niya ay may taas ito na five feet and nine inches.
“Enjoying the view, huh? Huwag ka ng mahiya, alam ko namang na gwa-gwapuhan ka sa ’kin,” nakangising ani Maximir.
Inarapan ito ni Santiara at saka pinandilatan ng mata.
“Ang hangin mo rin ei! Manood ka na lang,” saway niya rito.
Natawa lamang nang mahina si Maximir at saka sumubo ng iilang popcorn.
Spider home-coming ang kanilang pinanood na kapwa nilang paborito. Madali at mabilis silang magkasundo ni Maximir bagay na ikinangiti niya ng patago. Nakalimutan ni Santiara ang pagod at problema sa mga sandaling kasama niya si Maximir.
She didn’t expect it! Parang panaginip lamang ang nangyari. Pagkatapos nilang manood ay niyaya na naman siya ni Maximir mag-archade bagay na ikinanlaki ng kaniyang mga mata at mabilis na tumanggi kaagad.
Kalaunan ay napapayag na rin siya dahil, sa kakulitan ng kasama ni Maximir. Na-e-enjoy nilang pareho ang ginagawa at lahat na yata ng laro ay nalaro na nilang dalawa.
“Wow! Ang kyut naman. Oh, teka! Laruin mo iyon, dali!” turo ni Santiara sa Crane claw toy machine.
Hindi alam ni Maximir paano iyon laruin kung kaya’t umiiling-iling ito.
“Hindi ko alam kung paano laruin ‘yan, ibibili na lang kita,” nakangising sabi nito.
Napangiwi si Santiara at saka inirapan ang binatang nakangiting nakatitig sa kaniya.
“Tss! Hindi na. Hindi iyan puwedeng bilhin dahil lalaruin pa dapat, noh.”
Napakamot na lamang sa batok niya si Maximir. Naghulog ito ng limang piso at saka kinausap ang matandang nakabantay.
“Manong, paano ba pagagalawin ito?”
“Press button lang iyan, hijo. Pagalawin mo iyang Joy sticker at iyon na.”
“Ganun pala, salamat manong!” nangingiting ani Maximir at kinabahan na ewan.
“What the h*ck, you know you can do it, Maximir,” ani Maximir at kinakausap ang sarili.
Nagulat si Santiara sa ginawa ni Maximir. Nakonsensya tuloy siya dahil ginawa nito ang bagay na hindi naman nito dapat ginawa. Pero, masayang-masaya siya dahil sa pursigido itong makuha ang napaka-kyut na crane toy.
“Kaya mo ‘yan, dahan-dahan. . . yeey! Sige pa, iangat mo!” pag-che-cheer niya.
Bawat tangka kasi ni Maximir ay nahuhulog lamang iyon na kahit aabot na sa may takip. Pinagpawisan na rin si Maximir ngunit hindi ito sumuko.
“Ang daya, manong! Bibilhin ko na lang po, sige na!” nayayamot na sabi ni Maximir.
Sumama ang mukha ng matanda bagay na ikinatawa nang pilit ni Santiara, at bahagyang kinalabit si Maximir para patigilin ito.
“Tama na. Gabi na at kailangan mong umuwi. Okay na, sa susunod na lang at pag-aralan mo kung paano.”
“Tsk! Why did always like that, nakakagigil!” ani Maximir ‘tsaka ginulo ang sariling buhok.
“Loko ka talaga, nakita mo na ngang Crane ’yon. Ginalit mo tuloy si Tatang! Tayo na nga at baka ipapapulis pa tayo,” panakot ni Santiara, at kinaladkad palayo si Maximir.
Nakabusangot pa rin ang mukha ni Maximir bagay na ikinangiti ni Santiara. Alam niyang gigil na gigil na ang binata sa mga sandaling ito pero hindi pa siya ganun kagaling.
“Mabuti pang umuwi ka na, Max. Gabi na at paniguradong hinahanap ka na ng mga magulang mo. Kailangan ko na rin magpahinga dahil, may trabaho pa ako bukas.”
“Yeah! Thank you for letting me, Santiara. This whole day makes my day memorable. Napakasaya ko. I hope to see you again.”
Pinamulahan ng mukha si Santiara at saka nag-iwas nang tingin. Bahagyang napakislot si Maximir dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Kausap nito ang manager niya na kanina pa naghihintay sa loob ng sasakyan.
“I’ll go ahead! Mukhang inip na inip na ang manager ko,” paalam nito.
“Sige, paalam sayo!”
“Good night, Santiara.”
“Good night din. Alis na, mukhang iyon ang sundo mo oh!”
“Hayst! Sige, bye.” Tumalikod ang binata at pagkatapos ay humakbang paalis para tunguhin ang itim na sasakyan para sumakay.
Santiara just waved her left arm, bagay na ikinangiti sa kaniya ni Maximir nang dumungaw ito sa bintana.
—----
SAMANTALA, sa sandaling ’yon ay may mainit na mga matang nakatingin. Nagtangis ang bagang nito at pilit na pinapakalma ang pusong nanakit. Hindi nito mawari kung bakit pa kailangan nitong gawin ang bagay na hindi nito dapat na ginawa. Nagmumukha tuloy siyang stalker sa ginawa.
“Pupuntahan mo ba siya? Puwede mo naman kasi na ipa-laundry iyong damit mo, napaka-busy pa naman ng batang ’yan, Lance.”
Nagkasalubong ang mga kilay ni Lancelotte at saka ipinagpilitan ang gustong mangyari.
“Tsk! Tara na. I want to refreshin’ my mind. At dapat bukas, wala na siya sa restaurant na ’yon! Get it, Mister Asero?” Sabi nito at bakas sa tono ang panggigigil.
Natawa na lamang at naiiling si Mister Asero sa pabiglang pagbabago ng ugali ni Lancellote. Dahil, unang-una palang si Lancelotte, ang tipong hindi susundan ang babae kahit saan magpunta.
Sandali pa ay iniwan nila sa pinto ang isang paper bag kanina at laman niyon ang nadumihang damit ni Lancelotte. Saka sila nagpasyang umalis sa lugar na iyon ng dalaga.
DAHIL sa bagay na natagpuan ni Santiara, ay natigilan ang dalaga mula sa pagpihit sana sa seradura ng pinto. Kunot-noo, dinampot niya ito ‘tsaka inangat at tinitigan ito. Pinisil-pisil pa niya ito pagkatapos ay inalog. Sadyang may kabigatan ito dahil, hindi man lang umalog hanggang sa nagpasya siyang buksan ito para makita ang nilalaman n’yon.
“Kanino kaya ito?” nanlaki ang mga matang naibulalas niya dahil damit ang laman ng paper bag.
Kaagad naman din sumagi sa isipan niya ang imahe at suot ng lalaking nakabunggo niya. Ganitong-ganito ang damit na sinuot ng lalaki bagay na ikinaawang ng kanyang bibig. Nang iangat niya, nagmarka pa roon ang manstang kagagawan niya hanggang sa nahulog mula sa damit na hawak niya ang isang kapirasong dilaw na papel.
—make sure you clean this! This suit is expensive. Worth of 335,000$. Contact me on this cell number 09xxxxxxx.—
“Seryoso ba siya?” gulat niyang naibulalas dahil sa sulat na iniwan nito.
“Grabe! Parehas lang sila nung babaeng kasama niya. Mga masasama ang ugali!” asik niya at padabog na ibinalik sa loob ng paper bag ang damit na hawak niya.
“Ei kung, apak-apakan ko kaya ’to? Lokong ’yon, natapunan lang, wagas maka-demand!” inis niyang sabi at pumasok nang tuloy-tuloy sa loob ng apartment niya.