NANAKIT ang likod na binanlawan ni Santiara ang mabigat na Trench coat ng lalaking may-ari ng damit. Maingat niya itong kinusot dahil sa takot niyang baka masira niya ito. Hindi tuloy siya nakapag-duty dahil, sa paglalaba sa damit nito. “Puwede kaya itong plansahin?” naitanong niya sa sarili pagkatapos niya itong maisampay. Napaka-mahal kasi nito at branded pa dahil sa klase ng tela. Tatawagan na sana niya si Ivory ngunit nauna na itong tumawag sa kaniya. May pagtataka niyang sinagot ang tawag nito. “Ano iyon Ivory, napatawag ka?” “Nasaan ka ba? Kanina ka pa hinahanap ni sir!” “Nasa bahay, masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapasok. Pakisabi na lang na may ubo at sipon ako.” “Lagot!” bakas sa boses si Ivory ang takot. “Ha! Ba-bakit?” “Naku, Santiara! Galit na galit s

