Author's Note

710 Words

Hindi niya rin kayang pakinggan pa ang mga masasakit na salita ni Merliza para sa babaeng pinili niyang mahalin. Bahagya niyang hinagod ang buhok, nagpakawala nang malalim na buntonghininga at saka tinawagan si Santiara mula sa earpiece na nakakabit sa tainga niya. Nang sumagot ang tinawagan niya ay kaagad na napawi ang bigat na nadarama niya at sama ng loob. “Lance, napatawag ka?” malumanay na sagot ni Santiara mula sa kabilang linya. Napangiti siya bigla, “I just miss your voice, Santiara. May ginagawa ka ba? H’wag ka masyadong magpapagod, at hayaan mo, kukuha na ako ng katulong..” Mahinang natawa si Santiara dahil, sa sinabi niya. “Mister Lancelotte, uuwi ka ba? O baka naman, busy ka at inuuna mo pa akong tawagan. At saka, please lang tama na ‘yang pambobola mo. Kagabi ka pa!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD