ISANG LINGGO na rin ang matuling lumipas. Halatado na ang pagiging possessive ni Lancelotte. Oras-oras nitong tinatawagan si Santiara habang nasa trabaho siya. Muling bumalik sa pagiging staff ng Restaurant si Santiara at pinakiusapan ito ng amo niya na bumalik. Nang mga sandaling iyon abala siya mula sa paglilinis. Nangingiting siniko siya ni Ivy at nagbiro ito nang mapansin ang lalaking kakapasok pa lamang. “Nandyan na ang prince charming mo.” Kaagad na nag-angat ng mukha si Santiara at hinanap nang paningin ang sinabi nito. Mahinang natawa sa kanyang reaksyon si Ivy. At saka nito kinurot ang pisngi niya. “Inlab ka na masyado,” tawang anito. “kailan ninyo ba balak magpakasal? Huwag mo akong kakalimutan, ah?” pagbibiro pa nitong dugtong. Natawa si Santiara. Hindi pa sumagi sa isip

