SA ISANG kilala at tanyag na Grand De Valle Hotel siya dinala ni Mang Asero. Pansin ni Santiara ang dami ng mga dumalo sa party na tiyak niyang mga bigatin ang mga iyon. “Tayo na, hija,” aya sa kaniya ni Mang Asero at muli na naman siya nitong inilalayan. Pagtapak nila sa arcway entrance ay kaagad na natuon sa kaniya nag paningin nang lahat na naroon. Napakunot-noo siya. Sa isang engagement event yata ang pinuntahan nila ni Mang Asero. Naka-dekorasyon iyon ng floral arrangements, mga ilaw, at mga decorating accent na nagbibigay ng good vibe sa paligid. Namangha dahil, sa ganda nang kaniyang natanaw si Santiara. Subalit, kaagad siyang napatingin sa lalaking nakatayo sa unahan habang nakangiti sa kaniya nang malawak. Natutop niya ang kanyang bibig at saka ngumilid ang luha sa mata niya

