BAHAY
Nakauwi na ako dito sa amin. Naabutan ko si Tatay na nag luluto ng hapunan namin samantalang si Nanay ay nasa trabaho pa. Elementarya ang natapos ni Tatay, si Nanay naman ay naka tuntong ng kolehiyo sa kasamaang palad ay hindi na niya naipagpatuloy sa hirap ng buhay. Pero sabi nga nila, kung may tiyaga may nilaga. Masaya ako at marangal ang pamumuhay namin payak at masaya. Kaya mas lalo kong pag iigihan ang aking pag aaral para sa aming pamilya.
"Kamusta ang matalino kong anak?" bati ni Nanay na kapapasok lang ng bahay.
"Nay!!!" salubong ko sa kaniya ang isang mahigpit na yakap sabay mano.
Natawa naman si Tatay na ngayon ay inihahanda na ang hapag kainan.
"Bumili ako ng munting salu-salo natin dahil ang prinsesa namin ni Berting ay nasa kolehiyo na. Mahal ka namin ng Tatay mo ha salamat sa pagiging mabuting anak Bernadette," sabay yakap ni Nanay.
"Ikaw talaga Lucia, nag abala ka pa. Itong anak nating si Bernadette oo. Nag paluto ng paborito niyang Sisig. Heto tikman niyo ako nag luto niyan kaya the best yan surebol," aya ni Tatay sa amin habang kami naman ni Inay ay halakhak sa kwela ni Itay pwera nalang sa putahe niya syempre masarap talaga yan kasi made with love.
Natapos ang hapunan namin ng puno ng tawa at kwentuhan. Ako na ang nag ayos ng lamesa para naman makapag pahinga na sila. Habang nandito, naalala ko na naman yung lalaki kanina
♡(ӦvӦ。). Lumakas yung tambol ng dibdib ko at nag init ang magkabila kong pisngi. Bernadette hindi pa ito ang tamang panahon para dyan.
Crazier - Taylor Swift
I'd never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
'Til you opened the door
And there's so much more
I'd never seen it before
I was trying to fly, but I couldn't find wings
But you came along and you changed everything
Nag simula akong mag ligpit sa ibabaw ng mesa. Pinag patungtong ko ang mga pinggan at inilagay sa lababo ang mga ito. Hindi ko mawari sa sarili ko na napapangiti ako ng walang dahilan.
You lift my feet off the ground, spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier
Naalala ko kung paano niya ako tinulungan kanina. Nag iinit na naman ang magkabilang pisngi ko. Tapos yung ngiti niya na talagang puro ang intensyon na maka tulong. Ang ganda ng ngiti niya. There are billions of smiles around the world, and yours is my favorite. Natulala na lang ako habang sinasabayan ang musika na talagang nakaka saliw.
LUCIA POV
Nagpresinta na ang aming anak na siyang magligpit ng aming pinag hainan kanina. Ako'y galing sa trabaho kanina kung kaya't hinayaan ko na. Pero napansin ko lang kung gaano kaganda ang mood ng batang iyon.
Naalimpungatan ako sa ingay sa may kusina. Patulog pa lang naman ako. Pero yung pakiramdam na parang kailangan kong pumunta sa kusina. Napagpasyahan ko na tumuloy na nga sa kusina. Habang patungo doon, may musika akong naririnig. Baka gusto lang ni Bernadette na makinig sa radyo niya.
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
Am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier oh oh...
Baby, you showed me what living is for
Aba't natunton ko na ang kusina. Nasaksihan ko na ang pinag mumulan ng ingay. Hindi muna ako magpapakita sa batang ito. Mukhang busy. Busy... busy sa pag ngiti ng maluwalhati habang inilalagay ang mga plato sa loob ng microwave. Hindi na ako nabahala kasi hindi naman nakasaksak ang microwave namin. Nahihiwagaan na ako kaya pinapanood ko ang galaw ng batang ito. Maya maya pa nga ay nag lagay ng sabon sa baso at...
"Bernadette!!!" sigaw ko
"NAY!" gulat na turan nito, sabay hawak sa dibdib niya.
"Ano ba't iinomin mo ang sabon sa basong hawak mo?!" mabilis na tiningnan ni Bernadette ang muntik na inakalang inumin. Inagaw ko ang baso at baka ano pa ang mangyari.
"Ah ehh Nay???"
"Oh siya anak tutulungan na kita. Gabi na may pasok ka pa sa eskwela bukas." paliwanag ko.