BERNADETTE'S POV
Kole University
Patungo ako ngayon sa library para makapag advance reading muna sa ibang subjects since maaga pa naman. Habang nag aabang na buksan ang silid aklatan narinig ko yung isang ginang na may kausap sa linya na nangangailangan sila ng makakatulong sa library. Binuksan na niya ang pinto at pawang nag dikit ng maliit na poster malapit sa pinto. Nahinto ako at binasa ang talaan.
"Magandang umaga po Ma'am, maaari po bang mag tanong tungkol dito po sa poster?" tanong ko sa ginang.
"Ayan ba iha? Kailangan namin ng makakatulong dito sa aklatan. May kaukulang allowance ito at free meals during duty. Kung mayroon ka ng mga nakalathala diyan sa papel mag dulog ka lang dito sa akin." litanya nito.
"Opo Ma'am, sa katunayan mayroon na po akong spare copies niyan heto po." abot ko sa kaniya ng brown envelope na nag lalaman ng mga requirements.
"Magaling iha, kung pwede sana ay makapag simula ka na mamaya pagkatapos ng shift mo ngayong araw. Huwag kang mag-alala kasi may papalit sa'yo." paliwanag niya "Ako si Ginang Ofelia ang librarian dito." pakilala niya.
"Bernadette Smith po Ma'am." pakilala ko sa kaniya.
"Oh siya iha, wala ka bang klase?" tanong nito.
"May oras pa po ako Ma'am, maaga po talaga akong pumasok para maka punta dito." paliwanag ko sa kaniya. Sinuklian naman ako ni Gng. Ofelia ng ngiti.
Lumipas ang oras at kailangan ko ng pumasok sa aking klase kaya't lumabas na ako ng aklatan. Habang nag lalakad sa hallway, napansin ko ang lalaking laman ng aking isipan (**‿º*). Nag lalakad siya sa kabilang hallway ngunit kitang kita ang kay gandang uri nito.
"Bernadette!!!" tawag nito sa akin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Ang lakas ng t***k ng dibdib ko tapos para akong naiihi na ewan. Napansin ko yung unti unting pag ngiti niya sa dako ko pati na rin ang pag taas niya ng kamay gawa ng pagkaway niya. Sinubukan kong umiwas sa kaniya, kaya pumaroon at pumarito ako, hindi malaman kung saan pupunta. Tatalikod haharap.
"Bernadette!!!" yugyog sa magkabilang balikat ko. Napatingin ako sa mukha niya. Napansin ko yung pag lingon niya sa paligid at muling bumalik sa akin. At doon na ako bumalik sa realidad. Napangiti ako at napayakap sa kaniya ♡(> ਊ ite ang temeng penehen blah blah
Ngumisi si Marco habang hawak pa din yung magkabilang braso ko.
"Bernadette!!!" muling tawag pansin ni Marco sa akin. ♡(ӦvӦ。)
"Marco, uhm bakit?" I stuttered.
"I was wondering if you want us to eat lunch together later? What do you think?" tanong niya sa akin. Wait date ba 'to?! self don't you dare to overthink. Mahirap lumipad ng mataas sa lupa masakit ang bagsak.
"Sure thing Marco." sagot ko tuluyan ng tumambol ang dibdib ko.
"Alright it's settled then, mamaya sunduin kita after class." dagdag pa niya bago bitawan yung balikat ko sabay kindat sa akin. Mahabaging hangin hays. Bigla akong nalungkot kasi umalis na kaagad siya, pero di bali na magkikita pa naman kami mamaya. ⊂(◉‿◉)つ Bernadette!!! Delikado ka naaaaa