CLASSROOM
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa paligid ko. Totoo ba yun? Sandali nga.
"Psstttt! Cynthia!" tawag pansin ko sa aking katabing busy sa pag gamit ng cellphone niya.
"What?" tanong nito
"Paki kurot mo ako flis," paki usap ko sa kaniya. Aba'y tumawa ng pagka lakas lakas.
"Care to share your thoughts with us?" saway ng tao sa harap. May meeting kasi about sa isang project. Walang guro pero kailangan naming makapag simula sa proyekto.
"Pfffttttt" namumula na si Cynthia habang mangiyakngiyak na humarap sa akin. Walang tunog na humalakhak siya na naka harap sa akin. Hindi ko alam bakit nagkaka ganito siya.
*Clear throat
"I think Ms. Lucero and Ms. Smith have something in mind" sabay taas ng kilay ng babae sa harap sa pagkaka alala ko siya si Margaux Lucero ang class president.
Yumuko nalang ako kasi talagang kung pwedeng kausapin ko yung kinauupuan ko na hey take me with you into the whole new world
Ewan ko ba dito kay Cynthia bakit tawang tawa sa sinabi ko.
"Girl don't worry nasa reality ka pa din, here take this," sabay sampal sa pisngi ko na nag dala muli ng atensyon sa amin. Lahat ay nagulat. At syempre kasama ako doon na tili hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"Why is there a mosquito flying around? There seems to be a problem in this room. Can we go now? Uhm look, my Mom and I go to a dermatologist every week to consult our gorgeous skin and now this?! ughhhh You know what Bernadette let's go. LET'S GO!" pinanlakihan pa ako ni Cynthia ng kaniyang mga mata tsaka hinila palabas ng classroom. Mautak talaga haha.
"Wise," papuri ko sa kaniya
"I know, wala naman kasing sense yung meeting. They gathered us but still their decision will be granted." paliwanag niya sabay taas ng dalawang kamay na tila sumusuko.
"Makes sense," sabi ko.
"Bernadette!" hinahanap ko ang may-ari ng tinig. Lumingon ako sa paligid hanggang sa makita ko na kay Marco pala ang tinig.
"Marco!" I uttered habang nakatulala sa papalapit na si Marco Alvarez.
"Cynthia this is Marco, Marco this is my friend Cynthia," pagpapakilala ko sa kanila. Nag batian naman sila.
"I smell something here, do you guys smell that? Ohhh I think I should go you know. Remember my Mom I was talking about we have an appointment with the dermatologist," pasakalye ni Cynthia sabay ngiting nakakaloko naming dalawa sa kalokohan niya.
Pinanood ko ang umalis na si Cynthia. Ramdam ko ang pag titig ng taong nasa gilid ko ngayon. Lupa kainin mo ako. Pinipilit kong hindi ngumiti kasi talaga namang ewan. Kinikilig ako. Crush ko na talaga ang taong ito. Hinintay ko si Cynthia na mawala sa paningin ko para maka tiyempo dito sa kasama ko.