Pagkatapos naming mag-usap ni Marcus ng masinsinan eh naging maayos ang lahat. Ramdam ko na mahal nya ang anak namin. Kaya hindi na ako kumontra pa na mag-usap kami na kaming dalawa lang. "Mommy, bakit ka po nakangiti?" tanong sa akin ni Crystal na nasa tabi ko lang nakaupo. "Ah anak wala naman. May naalala lang ako," pagsisinungaling ko. "Come on Mommy let's go. But wait mommy pupunta nalang po muna ako sa ladies room kasi kanina pa po ako nawiwiwi," paalam nito. "Bilisan mo lang ha at uuwi na tayo maya maya," bilin ko dito. "Where is Crystal?" tanong sa akin ni Marcus pagbalik nito. "Nasa cr lang sandali," nakangiting sabi ko. Inabot nalang ng ilang minuto ay hindi parin dumating si Crystal. "Marcus sandali lang at pupuntahan ko lang si Crystal sa loob," paalam ko dito. "Okay

