Chapter 03

2904 Words
“ANO? Paraiso? Pupunta tayong Paraiso? Saan naman ang Paraiso na iyan?” tanong ni Paloma kay Buhawi matapos ang pagku-kwento nito. Ang sabi kasi ni Buhawi ay may nakausap ito kanina sa two-way radio na tao at sinabi nito na may isang base camp na kung tawagin ay Paraiso. “Hindi ko alam kung nasaan ang Paraiso na sinasabi niya. Basta, ang mahalaga ay alam natin na hindi na lang tayo ang buhay sa bansang ito!” ani Buhawi. Sumabat sa usapan si Violet. “Paraiso... Parang pangalan ng beach resort o kaya ay night club or gay bar! Ang tarushness! So, ano na ang plano natin?” Mukhang excited ito. “Hahanapin natin ang Paraiso!” Umalma si PO2. “Teka, teka lang, Buhawi! Sigurado ka ba na nag-e-exist 'yang sinasabi mong Paraiso? Gaano ka kasigurado na mas makakabuti na umalis tayo sa mall na ito at lumabas, makipaglaban sa mga zombies sa labas at hanapin ang isang lugar na hindi natin alam kung nasaan at kung totoo ba talaga?” Umiling-iling pa ito sabay patong ng dalawang paa sa ibabaw ng lamesa. Naisip ni Paloma na may point naman ang sinabi ni PO2. Safe na sila sa mall na ito kaya bakit pa sila aalis? Minsan talaga hindi nag-iisip si Buhawi. Char! Aniya sa kanyang sarili. “PO2, pansamantalang kaligtasan lang ang maibibigay ng mall na ito sa atin. Darating ang panahon na mauubos lahat ng pagkain dito. Ang kailangan natina ay iyong permanenteng solusyon para sa ating lahat. Isa pa, malakas ang kutob ko na totoo ang Paraiso at ang kailangan nating gawin ay ang hanapin iyon!” “Gora aketch! Adventure na itey!” tili pa ni Violet. “Basta ako, kung saan ang babe ko... doon ako…” sabi ni Rob habang nakatingin ito sa kanya. Pinapungay pa nito ang mga mata na parang nang-aakit. Mataray niyang itinirik ang magaganda niyang mata. “Pwede ba, Rob! Don't me! Hindi mo ako madadala sa pagpapa-cute mo! Tse!” at inirapan niya si Rob nang bonggang-bongga! -----***----- KAPAG si Buhawi ang nagsabi, hindi mababali. Magpo-protesta ang ilan ngunit sa huli ay winner pa rin ito. Kaya naman walang nagawa sina Paloma kundi ang um-oo na lang sa gusto ni Buhawi na hanapin ang Paraiso. Well, medyo na-excite din naman siya kasi katulad ng sinabi ni Violet ay adventure itong gagawin nila! Pero siyempre, may kaba at takot na kasama ang excitement na nafi-feel niya dahil bukod sa hindi nila alam kung saang lupalop ng Pilipinas naroon ang Paraiso, ay sasagupa pa sila sa sandamakmak na zombies sa labas. Nakakatakot! Hindi pa naman siya magaling sa paggamit ng baril. “Paloma... alam ko natatakot ka sa paglabas natin dito sa mall pero huwag kang mag-alala, hindi ako makakapayag na may mangyari sa’yong masama. I’m here to protect you!” Nagulat si Paloma nang biglang tumabi sa kanya si Rob at sabihin sa kanya iyon habang busy siya sa paglalagay ng mga pagkain sa bag. Siya kasi ang inutusan ni Buhawi na manguha ng stocks ng foods para sa paglalakabay nila para sa paghahanap sa Paraiso. “Sorry, kaya ko ang sarili ko, Rob. Saka hindi mo naman ako responsibilidad. And besides, tigilan mo ako sa pag-English mo, ha. Hindi bagay sa'yo. Feeler!” At umirap siya nang bongga. “Ikaw naman... Hindi mo na ako pagbigyan na ligawan ka.” “Ayoko nga, ‘di ba? Jusko! Magugunaw na ang Pilipinas tapos iisipin ko pa ang love na iyan? Saka na ang bagay na iyan. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang matapos na ang Z-thingy na nangyayari sa Pilipinas!” “Paano kung matapos na ang lahat ng ito? May chance na ba?” “Hmm... baka. Baka magkaroon. Sige na! Lubayan mo muna ako at may ginagawa ako dito, okay? Istorbo!” Madali namang kausap si Rob kaya iniwan na siya nito. Nakasimangot na sinundan niya ito ng tingin. Totoo naman kasi ang sinabi niya na wala siyang oras para sa pag-ibig sa ngayon dahil sa sitwasyon. Kung totoo naman kasi ang love ni Rob, makakapaghintay ito. Tama? Tama! -----***----- “I DON'T think kaya ko itong gamitin…” Napataas ang kilay ni Paloma nang pabebeng bitawan ni Miss Sofia ang hawak na .45 na kalibre ng baril. Binigyan na kasi sila ni Buhawi ng mga armas para sa gagawin nilang paglabas sa mall. May mga armas kasi ito na naitabi. Nakuha daw ni Buhawi ang mga iyon sa isang shop na nakita nito nang lumaganap ang Z-virus. Alam daw kasi nito na magagamit nito ang mga iyon para sa kaligtasan. Well, tama naman ito dahil mapapakinabangan na nila ngayon ang mga ninakaw nitong armas. Halatang bihasa si Buhawi sa mga baril dahil alam nito ang pangalan ng bawat isa. Ang taray talaga. Talo pa nito si PO2 na isang pulis pagdating sa mga ganiyang bagay. Ang tawag daw sa baril na hawak niya at ni Rob ay HK 416. Mahaba ito at mabigat tapos may pa-effect na parang patalim sa dulo. Naku, huwag loloko-loko ang mga zombie na iyan at tutusukin niya talaga ng patalim sa dulo ng kanyang baril! Bang! Bang! Tsuk! Tapos kay Miss Sofia nga ay iyong kalibre kwarenta y singko. Iyon na nga ang binigay dito para hindi ito mahirapan pero nag-iinarte pa. Siguro kung may makakain ng zombie sa kanilang pito, si Miss Sofia iyon. Ang arte-arte at masyadong pabebe kasi. Kay Violet naman ay isang pulse rifle na gustung-gusto nito. Kay Lolo Yolo naman ay ang personal choice nito na sniper rifle. Mahina na raw kasi ang mata nito kaya dapat maasinta nito nang maayos ang mga zombie. Ang kina PO2 at Buhawi naman ay parehas na striker gun. Iyong parang sobrang bigat na baril na malaki tapos wagas ang bala kapag pinutok mo. Ratrat kung ratrat! Ready na sana sila sa paglabas. May foods na sila, mga reserbang bullets at may mga explosive grenades din na gagamitin lang daw in case of emergency ayon na rin kay Buhawi. Pero bigla namang nag-inarte si Miss Sofia na parang hindi daw nito kayang gamitin ang .45 niya. “Gusto mo ba, palit na lang tayo?” tanong ni Paloma kay Miss Sofia. Umiling ito. “Siguro, iwanan niyo na lang ako dito, guys... H-hindi ko kayang makipaglaban sa mga zombies sa labas. And besides, hindi ko kayang pumatay kahit na zombies pa!” At umiyak-iyak pa ito habang nakasubsob ang mukha sa mga kamay. “Lucky Seven tayo kaya pito tayong aalis sa lugar na ito at pupunta sa Paraiso! Tama na ang pag-iinarte mo, Miss Sofia. Kailangan na nating umalis bago dumilim.” Matapang na turan ni Buhawi. “Lolo Yolo, sigurado ka ba na okay iyong van na na-spot-an mo sa sa may parking area?” Nag-thumbs up si Lolo Yolo kay Buhawi. “Oks na oks, Buhawi! Chi-neck ko na iyon kagabi habang tulog ang mga zombie sa labas. May gas at siguradong aandar pa,” aniya. “Natutulog sa gabi ang mga zombie, Lolo Yolo?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Malakas itong tumawa. “Funny ka naman, Paloma! Funny-walain! Siyempre, nakipaglaban ako para ma-check iyong van. Ako pa ba?” Uubo-ubo pa ito. Tinanong naman ni Paloma kung ayos lang ito. Gano’n daw talaga kapag matanda na, uubo-ubo na kaya normal lang daw iyon. Aba nga naman. Kahit matanda na ang keri pa niya ang fight scenes with the zombies! “Kung gano’n ay tara na! Kailangan na nating umalis dito--” Natigilan si Buhawi sa pagsasalita nang makarinig sila ng tunog ng nabasag na salamin. Parang nanggagaling iyon sa ibaba. Nanlalaki ang mga mata na nagkatinginan silang pito. May naririnig din sila na parang mga gutom na hayop na umaangil. “Z-zombiekels!” tili ni Violet. “Humanda kayo! Napasok na nila tayo!” ani Buhawi. Nagtipon-tipon sila sa isang pwesto habang nakaharap sa escalator na paakyat sa kinaroroonan nila. Alam kasi nila na doon lang pwedeng dumaan ang mga gutom na zombies kaya bubulagain na nila ang mga ito. Ikinasa at inihanda na nila ang mga baril na kanilang hawak. “Jesus! Jesus! Jesus!” natatarantang sabi ni Miss Sofia. Lumugmok na ito sa sahig at umiyak nang umiyak. Agad naman itong dinaluhan ni Paloma. “Miss Sofia! Look at me! Kailangan mong labanan ang takot at kaartehan mo. Gusto mo bang kainin ka ng mga zombies?!” pasigaw na turan niya. “No! No! I can't!” Ang arte talaga ng babaeng ito. Ang sakit sa bangs! “Kaya mo, Miss Sofia. Huwag mong isipin na--” “Hindi ko kaya! Iwanan niyo na ako--” PAK! Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ang pinatikim dito ni Paloma. Nakatulala na napatingin ito sa kanya. “May asawa at kabit pa ang sampal na iyan kapag hindi ka tumigil sa kaartehan mo, Miss Sofia! You want!” mataray na sabi niya. Umiling-iling ito. “No! No! No! Ayokong sumama sa inyo--” PAK! PAK! Dalawang beses pa niya itong sinampal. Ang asawa at kabit ng sampal niya kanina! “Bakit mo ako sinampal ulit? b***h ka!” sigaw ni Miss Sofia. “I told you but you didn’t listen to my told! Kapag hindi ka pa tumayo diyan, tadyak na ang aabutin mo sa akin! Listen to my told!” Ano ba iyan? Ang barok naman ng English niya. Pero ang sarap kasing mag-English kahit mali-mali kapag beastmode, ‘di ba? “Ang mga zombies!!!” Bigla siyang napatingin sa escalator dahil sa pagsigaw ni Buhawi. Nanlaki ang mga mata niya nang isang malaking horde ng zombies ang paakyat sa escalator at papunta kanila! Pa-sexyng tumayo si Paloma habang naka-usli ang puwitan para very sexy talaga at pa-warrior effect na hinawakan ang kanyang baril. “This is it!” Matapang na turan niya at nag-umpisa na ang pagpapaputok ng baril ng ilan sa mga kasama niya. Halos mabingi na siya at kulang na lang ay sumabog na ang eardrum niya sa sobrang lakas ng tunog ng mga baril nila habang pinapaputukan nila ang mga zombies na papalapit sa. Lalo na ang striker gun na gamit nina PO2 at Buhawi. Ratrat kung ratrat! Ito namang si Miss Sofia, nakayuko lang habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang tenga on her long gown. Wow, ha! Kung tumutulong kaya ito sa amin, ‘no? Ang bilis pa namang kumilos ng mga zombies. Hindi ito katulad no’ng sa ibang movies na parang lalambot-lambot at kinulang sa bitamina. Halata mo na gutom na gutom talaga ang mga ito at lahat ay gagawin upang makalapit lang sa kanila upang gawin silang pagkain. Nakakaloka! Tapos nakaka-eww pa ang mga hitsura ng mga zombies. Naaagnas na ang katawan. Iyong iba ay may mga uod na. Naglalaglagan na ang laman, humihiwalay na sa buto at talagang nakakadiri. Ang babaho pa. Amoy patay na daga na ewan. Lahat sila ay alerto except kay Miss Sofia na masyadong pabebe. Naghihintay lang sila ng susunod na instruction ni Buhawi. Medyo nasasanay na siya sa bigat ng baril niya na HK-416. Habang ginagamit niya iyon ay parang napapamahal na nga iyon sa kanya, e. Nang mawalan si Paloma ng bala at mag-reload siya ay sinitsitan siya ni Rob. Napatingin tuloy siya sa lalaki. Ang akala niya ay kung ano na. Iyon pala ay kikindatan lang siya ng hudas. Binelatan niya ito at balik na ulit siya sa pagbaril ng zombies. My God! Parang hindi nauubos ang mga ito. Ang dami! Inaasinta niya talaga ang mga zombie sa ulo dahil walang silbi kapag sa katawan lang sila tinatamaan. Dapat ay mapasabog talaga ang mga utak para dead na dead na talaga. Ang daming zombies na nagtutumbahan. Pero madami pa rin ang umaakyat sa escalator. Hanggang sa sumigaw na nga si Buhawi. “Kailangan na nating kumilos! Sabay-sabay tayong maglalakad nang unti-unti! Mauubos ang bala natin kapag hindi tayo aalis dito!” anito. Hinila ni Paloma si Miss Sofia patayo. “Iwanan niyo na ako dito, please…” Umiiyak na sabi nito. Naku… Kung hindi lang siya naaawa sa babaeng ito baka nasampal niya ito ng mga lima pa para matigil na ito sa kaartehan. Kung pwede nga lang na iwan na nila ito pero hindi. Tao pa rin naman sila at konsensiya pa nila kapag pinabayaan nila itong kainin ng mga gutom na zombies. Marahas niyang niyugyog si Miss Sofia. “Sige! Iiwanan ka namin para kainin ka ng mga zombies! Pag-aagawan ka nila hanggang sa humiwalay ‘yang braso at binti mo sa katawan mo! Tapos, wawasakin nila ang tiyan mo para kainin ang bituka mong walang laman dahil ayaw mong kumain kanina ng sardinas! Iyon ba ang gusto mo, ha, Miss Sofia?!” Wala na. Nabwisit na talaga siya. Kailangan na nitong takutin at baka sakaling matauhan na. Natigilan si Miss Sofia at bumakas ang takot sa mukha. Aba… mukhang effective ang ginawa niya. Nagmamadali na kinuha nito ang dalawang .45 na baril na nakapatong sa lamesang malapit sa kanila at sinabi nito na sasama na ito sa kanila. Kung hindi pa niya tinakot ay hindi pa kikilos ang maarteng iyon. Hmp! Sabay-sabay silang naglakad pababa sa escalator. Walang tigil din ang pagpapaputok nila sa mga echoserang zombies na sumusugod! Akala naman ng mga zombies na ito ay makakalapit ang mga ito sa kanila? Ang dami kaya nilangg bala! Isang babaeng zombies ang muntik nang makalapit kay Paloma mabuti na lang at alert na alert siya kaya naman tinusok niya ito gamit ang patalim sa dulo ng baril niya doon sa p********e ng zombie sabay paputok ng baril. “Iyan ang tinatawag na sabog-ovaries! Leche!” sabi niya sabay hugot ng patalim at sa ulo naman niya ito pinaputukan. Sumabog ang ulo nito sabay bagsak. “Bilisan pa natin!” Pagalit na utos ni Buhawi. Medyo nag-aalala lang si Paloma kay Lolo Yolo dahil sa matanda na ito. Mabuti na lang at medyo inaalalayan ito ni Violet kaya nakakasabay ang matanda sa kanila kahit papaano. Nakita na nila ang exit. Wala nang masyadong zombies sa loob ng mall pero may mangilan-ngilan pa rin sa labas. Mas binilisan nila pagkilos. Takbo sila palabas papunta sa parking lot. May mga zombies na humahabol sa kanila kaya naman paminsan-minsan ay tumitigil ang isa para barilin ang mga pesteng iyon. “’Ayon ‘yong van!” sabay turo ni Lolo Yolo sa isang kulay pulang van. Isa-isa na silang sumakay sa van. Si Buhawi ang pumwesto sa driver’s seat at katabi nito si PO2. Talagang nagtabi pa ang dalawang magkaibigang mortal! Habang silang lima naman ay sa likuran. Agad namang napaandar ni Buhawi ang van at binangga ang lahat ng zombies na haharang-harang sa daan. Nakahinga na si Paloma nang maluwag nang makalayo na sila sa mall. Napatingin na lang siya sa pinanggalingan nila Parang nagbaba-bye pa ang mga zombies sa kanila, ha. O nanghihinayang lang ang mga ito dahil walang nakain ang mga ito sa kanilang pito? Mabuti na lang talaga at walang nabawas sa Lucky Seven. Buo pa rin sila. Pero nakaka-miss din iyong mall kasi ilang araw din silang naroon. Kung hindi lang nila kailangang hanapin ang Paraiso baka doon na sila forever. Welcome to the outside world na tuloy ang peg nila ngayon… “Okay ka lang ba, babe?” Doon niya lang napansin na katabi pala niya si Rob. Inakbayan pa siya nito. Nandidiri namang inalis ni Paloma ang kamay ni Rob “Eww! Eww! Eww! Mas magiging okay ako kung lulubayan mo ako! Leche!” Maarteng turan niyahabang pinapagpagan niya ang balikat na akala mo ay may dalang virus ang hawak ni Rob. “Kung maka-eww ka naman, babe…” “Isang babe mo pa at ipuputok ko ito sa mukha mo!” sabi niya sabay tutok ng baril kay Rob. Tumigil na si Rob. Natakot yata ang loko na baka totohanin niya ang banta niya. Joke lang naman iyon. Hindi naman niya kayang pumatay ng tao. Zombies lang talaga. “Wala bang nakagat sa inyo o nakalmot ng zombie?” tanong ni PO2. “Wala naman!” Halos sabay-sabay na sagot nila. Pinapakiramdaman pa rin ni Paloma ang sarili kung nakagat ba siya. Baka hindi lang niya naramdaman kanina. Mukhang wala naman. Mabuti na lang talaga at wala. Siyempre, kapag nakagat siya o nakalmot ng mga hinayupak na zombies, magiging katulad na rin siya ng mga ito at sure siya na hindi magdadalawang-isip si Buhawi na patayin siya dahil iyon naman talaga ang dapat. Tinignan ni Paloma isa-isa ang mga kasama. Si Buhawi, seryoso sa pagda-drive. Ang katabi naman nitong si PO2 ang baril nito ang kinakalikot. Si Rob naman, nakatitig sa kanyang kagandahan. Iyak pa rin naman nang iyak si Miss Sofia. Diyos ko! Hindi pa rin pala ito tapos sa kaartehan nito. Si Violet naman, todo retouch ng make-up sa mukha. Mamaya ay manghihiram siya dito ng make-up. Aba, dapat beautiful pa rin kahit may zombies sa paligid. At si Lolo Yolo naman, nakapikit pero mukhang hindi naman tulog. Wait lang… namamalik-mata lang ba siya pero bakit parang namumutla si Lolo Yolo? Nakagat ba ito ng zombie? Pero nakatutok ang mata niya dito kanina at alam niyang hindi ito nakagat. Hmm… baka naman pagod lang ito kaya namumutla. Gano’n nga lang siguro. Haaay… Pipikit muna siya. Kailangan niya ng beauty rest… TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD