“GOSH! Gosh! Gosh!” Walang tigil sa paghihisterikal si Paloma kahit nakalabas at nakalayo na sila sa van.
Lahat sila ay kinakabahang nakatingin sa van habang nakabukas ang pintuan niyon. Hinihintay nila ang paglabas ni Lolo Yolo doon na infected na ng Z-virus.
“Dapat talaga sinabi ko na ito sa inyo kanina, e…” Mangiyak-ngiyak na turan ni Paloma.
Napatingin ang lahat sa kanya dahil sa sinabi niya.
Oops… Sarreh! Nadulas siya!
“Oh, bakit ganiyan kayo makatingin sa akin? Nagagandahan ba kayo sa akin? O baka naman iniisip niyo na may Z-virus na rin ako, ha! Excuse me—“
Impit siyang napatili nang bigla siyang hiklasin ni Buhawi sa kanyang beautiful arm at matalim na tinignan. “Alam mo na pala?! Bakit hindi mo agad sinabi?!” Nakakatakot naman ang mukha ni Buhawi. Parang dragon na bubuga ng apoy anytime.
“A-ano ba? I’m hurting…”
“Buhawi, nasasaktan si Paloma. Bitawan mo na siya—“
“'Wag kang makialam dito, Rob!” saway ni Buhawi kay Rob. “Ikaw naman, Paloma! Bakit hindi mo agad sinabi ang tungkol dito?!”
“N-natakot lang ako sa kung ano ang gagawin niyo kay Lolo Yolo. Ka-grupo natin siya, kapamilya, kapuso at masakit para sa akin kapag pinatay niyo siya dahil zombie na rin siya. Alam ko kung ano ang ginagawa natin sa mga zombies at ayokong gagawin ko rin iyon sa isa sa mga kasamahan natin!”
She really don’t know pero pinuno ng emosyon ang dibdib niya kaya naman napaluha na lang siya. Naisip niya lang kasi ang pwedeng gawin nina Buhawi kay Lolo Yolo. Babarilin? Tatadtarin ng bala? Papasabugin? Hindi niya kayang isipin ang mga gano’ng bagay. Ang sakit sa puso! Severe!
Nakatiim ang bagang na tinignan ulit siya ni Buhawi. Parang nagpipigil ito ng galit na parang na-realize rin nito na may point siya kaya nagawa niyang maglihim. Marahas siyang binitiwan ni Buhawi. Hinimas-himas niya ang nanakit na braso.
Lumapit sa kanyasi Rob at tinanong siya kung okay lang siya pero sinimangutan lang niya ang lalaki.
“So, ano na ang gagawin natin kay Lolo Yolo?” tanong ni PO2.
Walang sumagot.
Siguro, katulad niya ay hindi rin alam ng mga ito ang gagawin.
Hanggang sa mapatingin ulit sila sa van nang may marining silang ungol doon. Ungol ng isang tao na parang nagugutom. Dahan-dahan na bumaba si Lolo Yolo sa van. Naglalaway ito at namumutla ang buong katawan. Umangil ito na parang isang mabangis na hayop. Talaga ngang kumalat na ang Z-virus dito! Nilamon na nito ang utak ni Lolo Yolo. Wala na itong ibang iisipin kundi ang kumain ng laman ng tao.
“Buhawi, 'ayan na siya! A-anong gagawin natin?!” Natatarantang tanong ni Miss Sofia.
“I-de-dedobels na ba natin siya?” si Violet naman.
“Hindi ko alam!” pasigaw na sagot ni Buhawi. Maging ito ay nalilito na rin.
Muling umangil si Lolo Yolo. Ang tingin na siguro nito sa kanila ay fried chicken kaya parang gusto na sila nitong kainin! Afraid much na ako!
Patakbong umatake na sa kanila si Lolo Yolo. Handang-handa na itong kainin silang lahat!
Napatingin si Paloma kay Buhawi nang marinig niya ang pagkasa nito sa striker gun. Itinutok na nito iyon kay Lolo Yolo. Diyos ko! Anong gagawin niya?
“B-buhawi, baka naman pwedeng iwanan na lang natin si Lolo Yolo!” pigil niya.
“Tumahimik ka, Paloma!”
Konting-konti na lang at malalapitan na sila ni Lolo Yolo.
Habang pinapanood niya ang paglapit ni Lolo Yolo ay bumalik lahat ng alaala niya sa matanda. Ito ang una niyanng nakasama sa Lucky Seven, ito ang pinaka matagal niyang nakasama kaya napakasakit para sa kanya na sa ganito ito magtatapos, sa mismong harapan niya pa. Hindi madali para kay Paloma ang tanggapin ang mangyayari sa taong nagkaroon na ng special spot sa kanyang puso. Pero, hindi niya hawak ngayon ang sitwasyon. Gustuhin man niyang pigilan sina Buhawi sa pagpatay kay Lolo Yolo, wala na siyang magagawa… Wala na.
“Buhawi, baka naman—“
“Paloma!” saway ni Buhawi.
Kung pwede nga lang na iharang na lang niya ang sexy body niya para hindi niya mapatay si Lolo Yolo, ginawa na niya. Pero ayaw naman niyang ma-deds na agad. Marami pa siyang plano sa buhay. Isa pa, gusto rin niyang marating ang Paraiso kung totoo man ang lugar na iyon.
Sobrang lapit na ni Lolo Yolo. Nagulat siya nang biglang bitawan ni Buhawi ang stryker gun at inagaw ang baril ni Miss Sofia sabay tutok sa papalapit na si Lolo Yolo. Mukhang one strike shoot ang gagawin nito.
Mariin na lang na napapikit si Paloma dahil ayaw niyang makita ang pagkamatay ni Lolo Yolo. Napayakap na lang siya sa taong nasa likuran niya at isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ng kung sino man na nayakap niya nang bongga. Hanggang sa dalawang putok ng baril ang pumailanlang.
Lolo Yolo… umiiyak na bulong ni Paloma.
-----***-----
BUMABYAHE na ulit sila. Pakanta-kanta si Violet habang nakadungaw sa bintana. Feel na feel ng bakla ang hanging humahampas sa mukha nito. Si Rob naman ang nagda-drive. Pinalitan na nito si Buhawi dahil pagod na rin ito.
Mas okay na rin na si Rob ang driver para hindi na siya nito kinukulit. Aba, naka-jackpot ang bruho kanina. Ito pala iyong nayakap niya nang barilin ni Buhawi si Lolo Yolo. Edi, tuwang-tuwa ang hayop. Tsansing pa more! Kaya nang mahimasmasan si Paloma ay pinaliguan niya si Rob ng suntok at flying kick. Akala naman nito siguro ay sinadya niya ang pagyakap dito. No!
Speaking of Lolo Yolo… Yes, binaril ito ni Buhawi ng dalawang beses sa paa. Sa paa lang para hindi ito makalakad. Hindi rin pala nito kayang patayin ang isa sa kanila kahit maging zombie pa ito. Doon siya humanga skay Buhawi dahil kahit ang tigas at brusko nitong tignan ay may soft spot pa rin pala ang puso nito. Tama lang na ito ang maging leader ng Lucky Seven. Kaya sila nitong pasunurin pero may puso pa rin na marunong umunawa at maawa. Naks! Ikaw na, Buhawi! Charot!
At si Lolo Yolo? 'Ayon, nasa pinaka huling upuan sa van. Mag-isa at kasama pa rin nila.
Oh, 'di ba?! Bongga!
Itinali lang nila ang kamay at paa nito para hindi siya makagalaw. Nilagyan din nila ng busal na tela ang bibig para hindi sila makagat. At ang kamay nito ay sinuotan nila ng makapal na rubber gloves. Mahirap na, baka makakalmot ito. Tama nang ito na lang ang zombie sa Lucky Seven.
Naisip tuloy ni Paloma, ang ganda pala ng grupo na nasamahan niya. Maswerte siya at natagpuan niya ang mga ito kahit magkakaiba sila ng personality. Biruin mo, kahit alam nila na maaaring ipahamak sila ni Lolo Yolo ay pinili pa rin nilang i-keep ito. Wala, e… Siguro nga ay pamilya na sila. Na kahit ang isa ay masama, handa pa rin nila itong tanggapin at arugain.
Oh! Hugot! Pak!
-----***-----
MALAKAS na binatukan ni Paloma si Rob nang makita niyang pinaglalaruan nito si Lolo Yolo. Inilalapit kasi nito ang kamay nito sa bibig ni Lolo Yolo tapos kapag kakagatin na ay bigla nitong ilalayo. Stop over na naman sila sa isang malawak na kalsada. Mga palayan na ang nasa gilid ng daan. Hapon na kaya hindi na naman ganoon kainit.
“Gago ka talaga! Bakit mo ginaganiyan si Lolo Yolo?!” Pinalakihan niya ng mata si Rob at nang babatukan na naman niya ito ay agad nito iyong sinalag ng braso.
“Sorry naman, babe! Naiinip lang talaga ako.”
“Naiinip? Eh, kung ipakagat kaya talaga kita sa zombie! Saka, 'wag mo nga akong matawag-tawag na babe! Ang kulit mo talagang mokong ka! Ilusyunado kang palaka ka! Lubayan mo nga si Lolo Yolo! Alis! Go, go far away!”
Nakalabing lumabas ng van si Rob. Gago talaga ang lalaking iyon. Ginawang laruan si Lolo. Hindi naman porket zombie na si Lolo Yolo ay gaganituhin na lang iyon. Para kasi sa kanya ay isa pa rin itong tao. Naging zombie nga lang. Saka, anong malay ba nila baka may gamot sa Paraiso para ang zombie ay maging tao ulit.
Naaawang tinignan ni Paloma si Lolo Yolo. Alam niyang nahihirapan na ito dahil napakahigpit ng pagkakatali dito. Kahit anong galaw nito ay hindi talaga ito makakawala.
Kinuha niya ang telang nakabusal sa bunganga nito na tinanggal ni Rob at ibinalik iyon. “Sana talaga ay gumaling ka pa, Lolo… Hayaan mo, pagdating natin sa Paraiso ay magtatanong agad ako kung may gamot na sila sa mga taong naging zombie. Malay naman natin…” sabi niya.
“Talagang hindi ka nawawalan ng pag-asa, Paloma…” Medyo nagulat siya nang biglang magsalita si Miss Sofia na nasa bungad ng pinto ng van.
“Para saan naman iyang sinasabi mo, Miss Sofia?” tanong niya. Nakatingin pa rin siya kay Lolo Yolo na ang tingin yata sa kanya ay crispy pata. Parang gusto na siya nitong kainin sa pagkakatitig nito sa kanya.
“Humahanga lang ako sa’yo kasi kahit babae ka ay napakatapang mo. Unlike me… Feeling ko nga ay pabigat lang talaga ako sa grupo.” Madrama nitong niyakap ang sarili.
“Mabuti alam mo…” pabulong na sabi niya.
“What?”
“Ah, wala. Ang sabi ko ay—“ Bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang makarinig sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Pagtingin nila sa may kaliwang bahagi ng kalsada ay nakita nila sina Buhawi at PO2 na binabaril ang kumpol ng mga zombies na papalapit sa mga ito. “May mga zombies!” sigaw niya sabay turo sa mga iyon.
Nakasuot ng mga parang pang-magsasaka ang mga zombies na umaatake sa kanila. Malamang ay residente ang mga ito ng isang bayan o baranggay na malapit dito. Grabe na talaga ang Z-virus. Kalat na kalat na sa buong Pilipinas. Marahil kung hindi lang bahag ang buntot ng ibang mga bansa para tulungan sila ay malalampasan agad nila ito. Pero takot ang mga ito na tumulong dahil baka daw pati ang mga ito ay mahawaan ng Z-virus.
Kailangan nina Buhawi ng tulong.
Tumingin siya kay Miss Sofia. “Ito na ang chance mo para patunayan mo sa sarili mo na hindi ka pabigat.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
Itinuro niya ang hawak nitong baril. Nag-aalinlangan na tinignan siya nito at sinalubong niya ito ng matiim na tingin. “Sa sitwasyon natin ngayon, Miss Sofia, bawal na ang pabebe. Dahil kapag pabebe ka, malalapa ka ng mga zombies!”
“Pero—“
“Go! Fight!!! To the highest leveeel!!!” sigaw niya.
Tila nataranta naman ito sa pagsigaw niya kaya naman napaharap ito at napatakbo sa kinaroroonan nina Buhawi at PO2. Napangisi na lang si Paloma nang bumabaril na rin si Miss Sofia sa mga zombies na umaatake sa kanila. Hmm… In fairness naman kay Miss Sofia, nakakasapol kahit papaano. Siyempre, hindi lang siya tatayo at manonood. Join force din siya sa pakikipag-warlahan sa mga echoserang zombie.
“Zombies again? I hate it!” reklamo ni Violet na kasabay niyang papalapit kina Buhawi.
Pa-sexy siyang humanap ng magandang pwesto. Kinasa niya ang kanyang aking at inasinta ang isang zombie.
Bang! Sapol sa noo. Agad itong tumumba.
“Ahhh!!!” Ang malakas na sigaw ni Rob ang nagpatigil sa kanya sa pagratrat sa mga zombies.
“Tulooong!!!” sigaw pa nito.
Nagpalinga-linga si Paloma at nakita niya na may gumagalaw sa may matataas na talahiban sa di-kalayuan. Mukhang nanganganib ang mokong! Hindi naman siya ganoon kasama para pabayaan lang ito. Isa pa, miyembro ito ng Lucky Seven kaya naman tumakbo agad si Paloma sa kinaroroonan ni Rob. Hindi nga siya nagkamali dahil kailangan nga nito ng tulong. Isang babaeng zombie ang nakapatong kay Rob at pilit na inaabot ng halos naagnas na nitong kamay si Rob. Mabuti na lang at napipigilan nito iyon.
Itinutok niya sa ulo ng zombie ang dulo ng baril niya pero nang kalabitin niya ang gatilyo ay wala na palang bala. Kinapa siya ang kanyang tagiliran. Wala na rin siayng reserbang bala doon! Kung babalik pa siya sa van para kumuha ng bala ay baka nakain na itong si Rob ng zombie na ito. Kaya ang ginawa niya na lang ay ubod lakas niyang itinusok ang patalim sa dulo ng kanyang magandang baril sa tuktok ng ulo ng babaeng zombie. Agad naman itong namatay nang hugutin niya ang patalim. Malakas itong itinulak ni Rob at saka ito tumayo.
Nanlaki ang mga mata ni Paloma nang makita niyang nakababa ang pantalon at panloob ni Rob. Hindi sinasadya na nakita niya tuloy ang hindi niya dapat makita!
Shucks! Ang laki… ang laki ng ano… ng mata ko!
“Bastos!” tili ni Paloma.
Nagmamadali namang itinaas ni Rob ang pantalon at inayos ang sarili. Suminghot-singhot siya dahil parang may naaamoy siyang mabaho. “Ang baho! Ano 'yon?” Mabaho talaga.
Nahihiyang sumagot si Rob. “Ano kasi… T-tumatae kasi ako tapos nang patapos na ako saka ako inatake ng zombie na iyan.”
“Eww! Kadiri ka talaga!” Kaya pala may tissue sa paanan nito at kaya pala mabaho ay dahil tumatae ito!
Nagmamadaling nagmartsa siya palayo sa lugar na iyon at binalikan sina Buhawi. Mabuti na lang at napatay na ng mga ito ang lahat ng zombies. May mga sabog ang ulo at nagkalat ang dugo at durog na utak. Noon ay talagang nandidiri siya at nasusuka sa mga ganitong eksena pero nasanay na rin talaga siya. Isa pa, walang mangyayari kung mag-iinarte siya, 'di ba?
“Hindi na pala kailangan ng effort ko dito. Tapos na ang laban,” sabi niya.
“Sana ay lagi kang ganiyan, Miss Sofia! Mas lalakas ang grupo kung lahat tayo ay marunong lumaban.” Aba at pinuri pa ni Buhawi si Miss Sofia, ha. At ito namang si Miss Sofia ay may kilig sa mukha kaya naman hindi na nakapagsalita. Nagba-blush ang babaita. Aba! Aba! Aba! Ano ito?!
Wait. 'Ayan na ang pala-tae sa talahiban na si Rob. Palapit ito sa kanya kaya naman agad niya itong binalaan na huwag lalapit sa kanya hangga’t walang matinong hugas ang kamay niya. Dapat maghugas ito gamit ang Safeguard tapos paliguan ng alcohol ang kamay. Hanggang ngayon kasi ay naaalala pa rin niya ang pag-tae nito sa talahiban. Eww! Gross!!!
Pabalik na sana sila ng van nang makarinig sila ng malakas na ugong na nanggagaling sa itaas. Pagtingala nilang lahat ay namangha sila nang isang maliit na eroplano ang lumilipad. Dumaan iyon sa itaas nila. Medyo mababa lang ang lipad niyon kaya naman mega-fly ang silky, long black hair ni Paloma.
Isang bagay agad ang napansin nila sa eroplanong iyon. May nakasulat sa pakpak nito na “RENA” tapos sinusundan ng tila mga Japanese characters. Ano kayang ibig sabihin no’n?
TO BE CONTINUED…