PROLOGUE

241 Words
Author's POV. Lahat ng tao, bagay, hayop, pati mga lugar sa mundong ito ay may katapusan. Hindi natin alam kung hanggang kailan ang ating itatagal sa lupang ito. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang mga mundo na minsan ay hindi maintindihan o binabalewala na lang ng iba. Kung hindi gulo, away naman ang nangyayari sa mga tao. Para bang aso't-pusa na kulang na lang ay mag p*****n. Kaya lubusan nang hindi na tayo maabot ng Diyos ang mundo dahil sa sobra nitong karumihan at kasamaan. Pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin dito sa lupa lalo't walang kasiguraduhan ang buhay. What if kung ang mundong magulo, hindi maayos at walang katahimikan ay mas lalo pang lumala? Kakayanin ba ng bawat tao na lumagay na sa tahimik, o sila mismo ang hindi magpapatahimik? Maraming katanungan pero may iisang kasagutan. Sa ngayon mahirap mahanap yan lalo't marami pang pagdadaanan. Ito ang mundo ng walang permanente, walang katahimikan at walang kasiguraduhan. Wala maaasahan sa mundong ito kundi ang manatiling handa sa bawat oras ng buhay na ito. Sa mga matutunghayan, iba't-ibang mga istorya ang mailathala, mga taong hindi inaasahan at mga pangyayaring makabagdamdamin. Sa lugar na ito na unang masasaksihan, nandito ang isa sa mga bida ng istorya. Isang tahimik at medyo masayang bayan sa may timog ng Cavite, ang isa sa may pinakamalaking lupain at teritoryo sa lalawigan, ang Silang. Dito na magsisimula ang istoryang tiyak na kayo ay sasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD