Chapter 1: First Strike

4878 Words
Lexa's POV "Kuya Jay, 'di ba Halloween ngayon? Grabe yung mga trending ngayon sa f*******:. Puro naka-costume sila na panakot. Yung iba, pang-dp pa." Sabay hinga nang malalim. "Alam mo Lex, ganyan na talaga panahon." Ngumisi pang sabi ni kuya Jay. "Pero kuya, tignan mo parang totoo itong." Ipinakita ko sa kanya yung post sa sss. "Baka magaling lang yung make-up artist na yan, tignan mo, parang pinaghirapan talaga." Sagot ni kuya. Tapos biglang sumingit si Jashper. "Bagay sayo 'yan Lexa, kung me-make up-an ka, dapat yung pang mangkukulam. Kasi sa itsura mo pa lang, at boses mo, nakakatakot na!" Kainis 'tong si Jashper. "Eh ikaw naman, hindi na kailangan ng make-up sayo, kasi nakakatakot ka na!" Supalpal siya sa akin. "Hoy, hoy, tumigil na nga kayong dalawa d'yan. Nag-aasaran na naman kayo. Gawin niyo na ang mga ginagawa niyo sa ibang subjects." Buti na lang dumating si Ate Ces, kung hindi, basag-bungo nito. "Ay, ate Ces, kumusta si Bunso. 'Kala ko ba dadalhin niyo siya dito sa school?" Biglang tanong ni kuya Jay habang paupo sila ate Ces at kuya Pong sa tabi niya. "Bukas na lang kasi medyo may ubo pa. Pero magaling na 'yun. Promise isasama ko siya dito bukas." Sagot naman ni ate Ces. "Okay lang ate Ces kahit kami ang mag-alaga sa kanya, kaya naman namin. Tsaka sanay naman ako sa bata." Kuya Jay pa. Eh sanay naman talaga sa BATA HAHHAHAHA. Lahat na yata ng klase ng pag-aalaga eh nagawa niya. "Sigurado ka, Jay ha. Baka sumuko ka sa kanya, makulit pa naman iyon." Sabi naman ni kuya Pong. "Si kuya Jay pa eh kayang-kaya niya 'yan." Sumingit naman si Jewel. "Ahm guys, may gawa na ba kayo sa ibang subs?" Tanong naman ni Alliyah. "Ay, wala pa kasi. Ang daming gawain, parang isang drum ng tubig na puno ang mga assignments." Grabe naman si kuya Jay. "Pero ako may gawa na sa D.I.A.S.S. yung about sa "Structural Functionalism." Hindi ko lang sure kung tama yung mga sagot ko." Sabi naman ni Ate Ces. "Ay sige teh! Tinanong ko lang para makakuha ako ng mga idea and then malista ko kung sino-sino ang may gawa." Paliwanag ni Alliyah. "Guys, sa tingin niyo ba, malalaman niyo kung ang tao ay may sakit o wala nang mabilisan?" Nagtanong bigla si kuya Jay. "It depends naman if you're basis ay ang itsura ng isang tao. Pero ang doctor pa rin ang makapagsasabi if the patient is sick or not." Sagot naman ni Nicole. "That's definitely right. I have another question, how about if there's no doctor or professional?" Tanong ulit ni kuya Jay. "If there is no health professional, then yes. Madali lang naman malaman kung may sakit o wala ang isang tao basta may observation na naganap." Sagot uli ni Nicole. "Yeah, Nicole is right. Paano mo naman madadala sa clinic kung sa una hindi mo alam kung may sakit na ba talaga. Baka pagdala sa kanya sa doctor, eh wala pala." Dagdag pa ni Alliyah. "Buti naman nagkasundo na kayo. Kapag may mga recitation sa ibang subject parang laging may away." Oo nga noh? Tama si Ate Ces. "Wala naman yun teh Ces. Ano lang friendly recitation lang yun walang personalan." Grabe rin sila mag si-sagot kasi parang may away lagi. Pero buti naman magkakaibigan pa rin silang lahat. "Guys, I have a last question, do you think that I'm still living in this world with all of you?" Bakit biglang tinanong ni kuya Jay yan? Lahat tuloy kami tumahimik dahil rinig namin lahat ng kanyang sinabi. "Ahm...Jay syempre naman makakasama mo pa kami ih, tsaka tatapusin natin itong Grade 11 ng magkakasama. Walang iwanan. Sabi mo nga, aattend ka pa sa kasal namin ni kuya Pong mo di ba?" Sabi ni ate Ces. "Oo, nga kuya, hi-hindi pa naman ngayon yung last day of your life. Makakasama ka pa namin ng matagal. And remember, your still strong, kuya. As your friends, we will never left you on your fight." Paluhang sabi ni Alliyah. Pati tuloy kami na paluha sa mga nangyayari. May sakit kasi sa puso si kuya Jay. Maya't maya nga ang pag inom niya ng gamot. Minsan, hindi na niya iniinom dahil ayaw na niya. Kinukulit nga namin na lagi siyang uminom. "Alam mo Jay, makakasama mo pa kami. Huwag ka lang pasaway. Alam mo sayang yung gamot na binibili sayo ng ate mo. Mahal kaya yun, tapos hindi mo iinumin. Atsaka nangako ka samin na magpapalakas ka para makagala na tayo sa malalayong lugar." Sabi ni ate Ces. "Talaga, ate Ces? Isasama niyo ako sa mga gala niyo?" Tanong ni kuya Jay. "Oo naman! Syempre parang kapatid na ang turing ko sayo 'di ba? Kaya sumunod ka sa mga sinasabi namin sayo." Tama si ate Ces masyado kasing laki ng tiwala ni kuya Jay sa sarili. Tapos magtataka siya kung makakasama pa ba namin siya. "Alam mo Jay, mabuti pa, gawin mo na yung mga kulang mo na mga gawain. At kapag natapos mo na yun, kakain tayo nang sabay-sabay." Sabi naman ni kuya Pong. "Nandyan na si Ma'am!" Sigaw ng isa naming kaklase. Dumating na kasi yung teacher namin sa Science kaya nagsi-upo na kaming lahat. Ako nga pala si Lexa Pacensia, 17 years old, ang isa mga kaibigan ni kuya Jayzen Portiz. Tapos yung mga tao na kasama namin ay mga kaibigan namin. Sila Ate Princes Parilia, Jampong Orcano, Alliyah Estelle de Luna, Jashper Perima, Jewel Marlanes at si Nicole Orella. Sila ang mga taong maaasahan mo kapag may problema ka, medyo may pagkakakulit pero hindi naman ka grabe. Pero anyway sana maging ok na talaga si kuya Jay. At nagtataka talaga ako na bakit ganun yung mga post sa f*******:, parang totoo kasi ih. Eh siguro nga baka magaling lang talaga yung make up artist. OMeGS' PRESSCON Doc. Love's P.O.V. "Uhm Doc, first question, what is the meaning of OMeGS?" The reporter ask me. "OMeGS Stands for: Orlando Mendez Grand State Hospital. Medyo mahaba yung name ng hospital namin so we decided to make it shorter para mas madaling tandaan ng mga tao." I explain. "By the way, Dr. Mendez kumusta po ang inyong pagse-search ng bagong gamot para sa mga neuron diseases at sa iba pang mga existing diseases and viruses like heart diseases, HIV, Dengue, ect. May mga findings na po ba kayo?" Tanong ng isang reporter na babae. "That's an interesting question to be ask. As of now, patuloy pa rin kami sa pagre-research, specifically sa may mga tinataman ng sakit sa mga ugat or may konekta sa mga neurons natin. Especially when it comes to heart diseases na talaga naman na mahirap siyang hanapan talaga ng lunas. Kaya, ang ilan sa atin ay nag titiyaga na lang sa kanilang mga maintenance na panghabang buhay na. So my team decided to focus on the cure for the existing conditions. And if we find out, hindi na talaga magtitiis ang mga tao sa pagbili ng mga gamot na pang maintenance." Sabi ko naman habang sila ay parang kumbinsido sa mga sinabi ko. Habang nagpapatuloy ako sa pagpapaliwanag, may nagtanong bigla na isang babaeng reporter ang nagtanong. "Ahm Doc, kung sakali na kailangan na ang cure na iyon, magagawa niyo ba iyon before end of this year?" "Ahm...syempre kung walang mga aberya na mangyayari, edi matatapos natin siya before the new year. Why you ask?" Paliwanag ko na may tanong sa reporter. "Uhm...nothing Doc naitanong ko lang po. Para malaman din po ng mga tao kung gaano kayo ka pursigido na makalikha ng isang lunas para sa mga sakit." I think may something sa reporter na yun. After ng presscon, agad kong hinabol yung reporter na yun. Pagkalabas ko nakita ko na may kausap siya sa phone at parang napaka importante nun. Nilapitan ko siya at tinanong. "Hello ms, I just want to ask, bakit mo pala naitanong kanina kung kaya ba namin matapos ang paghahanap ng cure sa mga sakit. Alam kong may kailangan ka kaya sige, ano yun? Tell me." Tapos bigla siyang nagulat at nandilat ang mga mata. "Ahm Doc, kasi kaya ko naitanong yun hindi para malaman ng mga tao tinanong ko yun para malaman ko kung maaabutan pa ba ng kapatid ko ung lunas para sa sakit niya. May sakit kasi siya sa puso na kung minsan hinahapo siya. Eh gusto ko man siyang ipaopera kaso wala naman akong malaking pera para sa ganun. Kaya kung makahanap man kayo ng cure, sana sabihan niyo po ako." "Don't you worry, kapag nagawa na namin ang vaccine na iyon, ang kapatid mo ang una naming bibigyan." Nakita ko sa mukha niya ang labis na pagkatuwa. She's kind a sadly but happy. Pero, laking pasasalamat niya na ang kapatid niya ang unang mabibigyan ng bakuna. Kapag nagkataon, isa itong malaking hakbang para sa mga katulad kong doctor. "Sige na po Doc. Ahm...pupuntahan ko pa po ang kapatid ko. Baka kung ano na po ang mangyari sa kanya. Eh siya lamang po sa bahay. By the way ako po pala si Ella Portiz. Nice meeting you po." "Oh yeah, nice meeting you too, basta if you need something ito yung calling card ko pwede mo akong tawagan anytime. And if may nangyari sa kapatid mo, tawagan mo agad ako para mailigtas natin sa sa kamatayan." I say to her. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala sa kung ano ang mangyayari sa kapatid niya. Binigla ako ni Ella nang yakapin niya ako. Para bang ngayon lang ako niyakap ng isang journalist na hindi ko pa naman na-meet ever since. Sumakay na siya sa kotse. Portiz' House Ella's P.O.V. Grabe! Kapagod sa trabaho ko. Ang daming mga papers na dapat tapusin at mga report na dapat asikaduhin. Hayyysss, hirap maging reporter, lalo na kapag kailangan mo yung isang balita na magbibigay ng impormasyon sa ibang tao. Habang nag tatanggal ako ng mga sapatos sa may sofa, nakita ko sa kwarto na may ginagawa si Jay na kung ano. ABA! Eh mag aalas Diyes na ng gabi ah, gising pa rin siya. "Jay, bakit gising ka pa, gabi na. May pasok ka pa bukas 'di ba? Ano ba ginagawa mo?" Sabay upo sa may kama. "Ahm...ate Ella nandyan ka na pala. Sa Physical Science namin, eh pinag drawing kami ng photo ng virus. Para daw dagdag grades." Sabay hikab ng mga ilang segundo. "Tignan mo oh, inaantok ka na ih, mabuti pa, tapusin mo na yan at matulog ka na. Baka lumala na naman iyang sakit mo sa puso." Sabi ko sa kanya. "Hindi yan teh, ako pa ba! Kaya ko pa." Makulit talaga itong si Jay, hindi agad nasunod. "By the way, napanood ko yung interview mo sa isang scientist. Totoo bang kaya nilang gumawa ng gamot para sa mga katulad kong ganito ang sakit?" "Ahm...oo, bunso. Sabi naman nila, as soon as possible, makakagawa na sila ng vaccine para sa mga heart and neuron diseases. And also mabawasan na ang mga taong tinatamaan nito." "Ibig sabihin, mawawala na yung sakit ko sa puso kapag naturukan na ako ng bakuna na yun?" "Oo, bunso. Pero sa ngayon, kailangan mo munang uminom ng mga gamot at magpahinga nang sa ganun, hindi lumala yung sakit mo. Atsaka sabi ni kuya Brian, kapag hindi ka daw sumunod sakin, hindi na daw siya uuwi dito." Panakot ko kay Jay Jay namin. "Ate naman, syempre nangako ako kay kuya na nagpapagaling ako. Para may pasalubong si kuya Brian sakin. Tapusin ko lang yung mga assignments ko then matutulog na'ko, Ate Ella." "Sige na bunso, tapusin mo na 'yan ha. Matulog ka na." Tapos nun hinalikan ko siya sa may noo at lumabas ng kwarto niya para makapag ayos na ako ng sarili. Si Kuya Bryan kasi nasa U.S. ngayon eh. Sakto ang uwi niya is next 2 weeks na. Next Day Jewel's P.O.V. GRABE! Daming pinapagawa samin sa school. Daming assignments, projects tapos nakakalito rin kung ano ang uunahin. Tapos, sa groupings pa, yung mga members, walang ambag hay naku. Buti na lang, nandito si Justine Alexi Precito. Kasi tinutulungan niya ako kapag hindi ko na talaga kaya. Naglalakad kami papasok ng school and then nag uusap kami about sa mga gagawin namin mamaya sa 21st Century Literature. Kasi buong section namin busy doon ih. "Pahawak nga ako, Alexi. May bibilhin lang ako kasi kulang kami ng art materials para sa 21st Century." Pinahawak ko sa kanya yung bag na may laman na mga gagamitin namin para sa groupings. Habang nabili kami, nakita namin si kuya Jay kasama si ate Ella. At parang umayos na yung itsura ni kuya. Kinausap tuloy ako ni Alexi. "Jewel, tignan mo si kuya Jay, medyo umayos na yung itsura at alagang- alaga siya ng ate niya." "Oo, Tine, kasi bunso siya ih. Siyempre aalagaan talaga siya ni ate Ella, lalo na may sakit siya, di'ba?" "Alam mo, parang si ate Ella din ako, maalaga." "Bakit naman?" "Kasi aalagaan kita at mamahalin hanggang kamatayan." "Alam mo bumabanat ka na rin ha. Ang alam ko si kuya Jay lang ang ganyan. Ikaw rin pala." Sabay hampas sa braso niya. "Jewel, Alexi, kayo na bahala kay Jay-Jay ha. Sabihin niyo sakin kapag hindi siya uminom ng gamot ha." Paalala sa'min ni Ate Ella. "Sige po ate, kami na po bahala kay kuya Jay, chat ko agad kayo kapag nagpasaway siya hehehe." Sabi naman ni Alexi sabay tapik sa balikat ni kuya Jay. "Ate naman, hindi naman ako pasaway ih. Tsaka malaki na ako, alam ko na gagawin ko." Apela naman ni kuya Jay. "Ano ka ba? 'Di ba, sabi sa'kin ni kuya Brian, kailangan mo magpagaling para makasunod na rin tayo sa US." "Ate, hindi naman talaga natin kailangang umalis ng Pilipinas ih. Okay naman ako dito ih. Basta sama-sama tayo, masaya na ako ate." Tapos umubo si kuya jay ng kaunti. Sinabi sa kanya ni ate Ella na, huwag siyang masyadong magpagod sa school at sumunod sa'min. "Sige na, Jewel, Alexie, Jay-Jay, aalis na ako at malelate na ako ha. Mag pa-five thirty na ih. Pasok na kayo ha." "Sige po ate Ella, pasok na po kami, may tatapusin pa po kasi kami." Sagot naman ni Justine. 5:25 AM na kami pumasok ng school, si kuya Jay medyo maayos na ang itsura niya. Siguro effective na yung treatment sa kanya para sa pag sustain ng pagdaloy ng dugo sa kanya. Naghintay kami sa labas ng room namin ng may hawak ng susi ng room. OMeGS' Pharmaceutical (Clinical Trial Facility) Doc. Love's P.O.V. Nasa 3rd phase clinical trial na kami ng dini-develope namin na vaccine. And we assure that it will be finish by the end of the year. 5 years na namin kasi ito winowork out. Pero we hope, this year mare-release na rin ang vaccine na ito. Biglang dumating si Doc. Rey Castro. "Doc Love, medyo busy ka diyan sa vaccine na yan, ha" "Syempre, Doc Rey. Kapag natapos ko na itong vaccine, hindi lang makikilala ang ospital natin, kundi, marami tayong mga tao ang matutulungan lalo na ang mga mahihirap na walang pampagamot." "Gaano na lang ba katagal bago magawa yan?" "Sinisigurado ko na before the end of the year, matatapos na ito, kung walang delay na mangyayari." Napag-usapan din namin yung about sa mga pasyenteng may sakit sa puso na lalong dumarami. Pati mga kabataan ay siyang tinatamaan na rin. Nakalulungkot isipin kung walang gamot o lunas sa sakit na ito, mas lalong lalala ang sakit nila. Lalo na ang mga taong barado ang kanilang mga puso. Habang nag-uusap kami, biglang umeksena si Doc. Rio Dominguez, isa rin sa mga scientist na may malaking ambag noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic kaya lang medyo may pagkaiggitera. Pumunta siya sa may table ng pinaglalagyan ng mga chemicals. At may sinabi siya sa'kin. "Huwag ka masyadong mag pakakampante, Doctor Mendez, hindi lahat ng mga doktor ay nagtatagumpay sa lahat ng ginagawa nila. Tulad ng iniimbento mo, walang kasiguraduhan kung matatapos yan ngayong taon. Masyado kang kumpiyansa sa sarili mo. Haha." "Doc. Rio, your so exaggerated to Doc. Love, hindi naman niya sinasabi na ngayong taon talaga ito matatapos, hindi naman siya Bathala para sabihin iyon. And who knows, baka mangyari nga yung sinabi niya this year ay tapos na ang bakuna." Paliwanag ni Doc. Rey. "Hindi ako exaggerated, sarkastiko lang ako. Kung baga hindi natin madidiktahan ang isang pangyayari sa hinaharap. Sorry, Doc. Love. I'm just giving my opinion about your research. Gusto lang natin na maging maayos at malusog ang mga pasyente natin. Kaya nga lang kung yung bakuna naman natin ay hindi dumaan sa mahabang proseso, eh baka matulad yan sa bakuna na ginawa ng Brazil. Imbes na makatulong, eh naka perwisyo pa sa ibang tao." Sabi ni Doc. Rio sakin. "Tama ka, Doc. Rio. Kailangan natin na siguraduhin na okay ang bakuna na ginagawa natin. Ayoko rin na isugal ang buhay ng isang tao dahil sa bakunang minadaling gawin. As a matter of fact, binubusisi ko ang bakunang lilikhain natin. Ilang taon ko na rin itong pinag-aralan kaya masasabi ko na kaya natin itong matapos sa lalong madaling panahon." "Pero Doc. Love, hindi ko naman sinabi na itigil natin ang research na ito. Ang sa'kin lang naman ay dapat ma-try natin ang bakuna sa ibang hosts. Mahirap nang masisi sa mangyayari eh." May point si Doc. Rio. Kaso anong klaseng hosts naman kaya ang pag eeksperimentuhan namin? Kailangan yung hosts na iyon ay may roong sample na katulad sa tao na sakit. "What if i-try natin sa mga kambing o baboy kasi sila yung mga hayop na alam natin na may existing condition katulad sa tao. Like flu and heart failure. Pero it's up to you Doc. Love kung aling hosts ang sasampulan natin ng vaccine." Suggestion naman ni Doc. Rey "That's it. What if sa mga aso, pusa, at kambing natin iturok tutal ay may mga sakit din sila na katulad satin." Sabi ko naman. "Well if that's the case, we need to start the last clinical trial for this vaccine." Doc. Rio said. Bulihan Intergrated National High School Mauie Arvi's POV Ang dami namang gagawin. Dalawang subjects palang yun pero durog na mga utak namin. Syempre para sa grades, gagawin ko yung mga assignments. May pangarap pa ako. Kasama ngayon ni Ces si bunso, anak niya, medyo makulit pero bantay siya ni Jay. "Ahm...Mauie punta tayo mamaya kina JM. May patay daw sa kanila." Sabi sakin ni Ces. "Sino daw namatay?" Tanong ko naman. "Tiyuhin niya eh may nakain daw na karne nung nandoon siya sa probinsiya nila tapos bigla na lang daw hindi na huminga at nangisay." Grabe naman yung nangyari sa tiyuhin ni JM. "Leo, pupunta ba kayo nila Loy? Sasabay na lang ako sa inyo." "Oo naman, kami nag service doon ih. Kita tayo sa may 7/11 mga alas sais para diretso na tayo kina JM." Sagot naman ni Leo boy. "Kayo, Jewel, sasama ba kayo ni Justine?" Tanong ni Ces. "Oo, ate Ces kasi wala naman kaming gagawin mamaya ih. Tsaka wala namang pasok bukas ih. Kayo kuya Jay, pupunta kayo?" Sabi naman ni Jewel. "Yup, tutal wala naman akong schedule ng check up ko bukas ih. Pupunta kami nila kambal pati ni Elshane, magchachat na lang kami kapag nandun na kami sa 7/11 para sasabay na kami sa inyo." Ayun pala ih marami samin ang sasama at pupunta sa lamay. Pupunta rin sila MJ pati si Nicole. Si Jampong naman baka susunod na yun kasi minsan wala sa mood yun ih. "Oh, Lexa, pupunta rin ba kayo kina JM sa burol ng tiyuhin niya?" Tanong ko naman. "Try namin ni Mauie Ann kasi may pupuntahan pa kami ih. Pero si Erela pupunta yun kasfi nagsabi na siya kay JM. Ilan ba ang pupunta?" "Marami na rin, kasi mabait yung tiyuhin niyang yun. Biruin mo, nung nandun tayo sa kanila, tito pa niya ang naghanda ng merienda natin. Kaya halos lahat tayo ay pupunta sa burol niya." Tama si Jay, unang araw palang ng burol parang huling lamay na. Dami agad na makikiramay. Tinanong din namin yung ibang kaklase namin kung pupunta sila Kurt Piaro, Ashley Bairey, Cole Padilla, Leyana Merido. At syempre sinikreto ni Ces na pati si Holley Jacob ay pupunta rin, ang secret admire ni Jay. Pero hindi namin siya kaklase. Taga ibang section siya ih. "Basta yung mga siguradong pupunta ha, tumupad kayo ha sa oras kasi yung iba limitado lang yung oras nila. Yung dadalhin kong sasakyan natin is yung van namin para kasya tayo doon. Si Christian daw magmu-motor papunta kina JM. Basta mamaya ha sure niyong makakasama kayo para hindi sayang yung oras." Sabi naman ni Ces. Habang nag uusap sila tungkol sa lamay mamaya, biglang may nag notif sa cp ko. Akala ko naman kung ano, meme lang pala sa sss ko yun. Kaya pinatay ko na lang yung cp ko. Walang kwenta naman yung video puro mga kalokohan naman yun ih. Tapos dumating na ang teacher namin kaya tahimik na kaming lahat. GNA News Center Ella's POV "Alam mo Ella, alagang alaga mo talaga yung kapatid mo noh? Kahit naka break ka, panay ka chat sa mga kaibigan niya ha. Eh kilala mo naman si Jay, hindi yun pabaya." Sabi ni Mayla, kaibigan ko at katrabaho sa news department. "Syempre po, kasi ako lang ang inaasahan ni kuya sa pag aalaga kay Jay lalo na subsob minsan yun sa pag aaral. Atsaka alam mo naman ang kalagayan niya ih medyo hindi pa okay yung puso niya ih. Kailangan ko pang mag ipon para sa operation niya. Malaking pera ang kailangan namin." Paliwanag ko naman kay Mayla. "Oo nga ih, minsan hindi kana nakain ih. Imbes na yung tirang sahod mo para sa sarili mo, tinatabi mo para kay Jay, iba ka talaga, Ella." "Eh yan ang bilin samin ni Mommy bago siya mamatay na hindi namin pababayaan ang isa't isa kahit gaano pa kalala ang sitwasyon namin. Si kuya nga ih kahit ayaw niyang umalis ng Pinas, napilitan siya para maging maayos kaming lahat dito kaso kulang din talaga para sa operation ni Jay-Jay ih." "Huwag kang mag alala, Ella. Nandito naman kaming mga kaibigan mo para tumulong ih basta magsabi ka lang ha. Wag kang mahiya, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan ih." "Salamat, bhie, pero hindi ko talaga matatanggap yung tulong mo kasi dami ko na ring abala sayo ih hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sayo. Pramis, kapag magaling na si Jay-Jay, ako naman ang manlilibre." "Talaga? Sige sabi mo ih. Tsaka nga pala, kumusta yung kay doctor Mendez? May update ka na ba sa vaccine niyang ginagawa?" "As of now, wala pa. Pero he said na by the end of the year, tapos na yung clinical trial nila. Then, ipa public na nila yun at pwede nang iturok sa mga pasyenteng kailangan nun." "Eh ikaw ba, papayag ka bang iturok yun kay Jay? Kasi yun na ang sagot sa pangangailangan niyo ih tsaka iwas kayo sa gastos ng malaki." "Hindi ako sigurado, Mayla, baka kasi matindi ang side effects ng bakuna, baka hindi kayanin ni Jay yung dosage ng bakuna." Habang nakain kami ni Mayla, biglang nag text si Jay na baka hindi na siya dumiretso ng uwi at sasabay na lang siya kay Jewel at Alexi. "Nag text sakin si Jay, sabi niya sa kaklase na lang daw muna siya didiretso after class, wala kasi siyang kasama sa bahay ih." "Tama yun. Para may kasama siya kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kailan ba uwi ni Darren?" "Eh sa susunod pang linggo. Eh nag extend yung photo shooting nila sa Baguio, may mga kuha kasi sila na nagustuhan ng client nila kaya nag padagdag pa sila ng ilan pa." "Alam mo, ang sisipag ninyong magkakapatid, hanga ako sa inyo." "Eh basta para kay Jay, gagawin namin para gumaling na siya." "Sana nga." Pagkatapos naming kumain, balik na kami sa trabaho namin. 5:37pm @ 7/11 Jewel's POV Maaga kaming pumunta dito sa 7/11. Kasama namin ni Justine si kuya Jay at mukhang ok naman yung lagay niya. Kaso lang hindi kami sure kung kaya niyang bumiyahe, pero nakita ko naman sa mata niya na walang kahit na anong signs na siya ay may nararamdaman. "Kuya Jay, nakainom ka na ba ng gamot mo bago tayo umalis ng bahay?" Tanong ni Justine. "Oo naman, kaso kanina parang ayokong inumin, nagsasawa na kasi ako sa lasa. Tapos para akong matanda, nagme-maintenace. By the way, saan ba daw yung burol?" "Kina JM daw, sa Molino. Doon nakaburol, kuya Jay. Medyo gagabihin tayo ng uwi kasi malamang traffic yan sa may tulay." Sabi naman ni Jewel. "Guys, nag chat sa'kin si Jude Olisar, sabi niya, sasabay daw siya satin kasi wala daw mag hahatid sa kanya doon kina JM. On the way na siya." "Oh sige kuya Jay, chat ko lang si ate Ces sabihin ko na nadagdag si Jude sa sasama." Sagot naman ni Justine. Habang hinihintay namin ang iba, nag f*******: muna ako para maki update sa kaganapan sa SocMed. Sa kaka-scroll up ko, may nakita akong isang balita na patapos na daw ang kauna-unahang vaccine ng Pilipinas. At sabi sa balita; Maraming mga pagsusuri ang ginawa ng buong grupo ng mga siyentipiko para makalikha ang bansa natin ng sariling bakuna laban sa mga sakit na karaniwan sa tao tulad ng Heart Diseases. Hindi lang yan maging mga existing conditions ay maiibsan na rin tulad ng diabetes at stroke. Kung baga ito ang tinatawag nating Multiple Vaccine. ~ (OMeGS Official Post). Pinabasa ko kay kuya Jay at kita ko sa kanyang mga mukha ang sayang hindi niya ma-itanggi. Kasabay nito ang pagdating din nila Mauie Arvi Heralvo, Leonard Girua, MJ Pareja, at si Kurt Piaro. After 5 minutes, dumating na rin sila Lexa, Sila Alliyah at Allanah de Luna, Jude Olisar, Nicole Orella, at Nel Callar. Habang hinihintay namin sila ate Ces, bumili muna kami ng mga pagkain para may makain kami habang nasa biyahe. Alliyah's P.O.V. While we're buying foods, pinag usapan namin about sa gagawing speech para sa D.I.A.S.S. Pero mahirap talagang mag isip ng topic lalo na kapag ang kailangan is bago at napapanahon. Syempre ang iba naka isip na pero wala pang nakahandang sasabihin. Tinanong ko tuloy si Nicole kung may gawa na siya. "Nicole, may gawa ka na ba sa DIASS? May topic na ba ka na ba?" "Ahm...wala pa, Alliyah. Actually itatanong ko sana if you can help me to think a topic that suitable to everyone. Wala na kasi akong maisip na iba because some of the topic that I made are very common na ih. Even if it is timely but I want something new that Maam V will impress." Sagot naman ni Nicole. "Yeah, your right. But I think now kung anong topic ang para sayo. The Topic about creating some vaccine that first time here in Philippines. And it is very unique and timely. And Maam V will impress for that." "That's great. After the funeral, I'll start doing it." Nag pasalamat si Nicole sakin dahil natulungan ko siyang mag isip ng isang topic na hindi pa nalalaman ng iba. And l think na marami sa'min ang may naisip nang topic para sa speech. Nakapila na kami sa may counter at lahat kami ay may nabili na, narinig ko sila Jewel at Justine na nag aasaran ata na parang nag kapikunan dahil lamg sa binili. Siguro ganyan talaga kapag magjowa, hindi maiwasang mag away. Hindi magiging matibay ang isang relasyon kung walang problemang hinaharap. "Uy, anong nangyari? Bakit kayo nag kainitan?" Tanong ni Lexa kina, Jewel at Justine. "Wala naman. Ito kasing lalaking ito, hindi niya ako binilhan ng softdrinks eh gusto ko nga ih." Sabi naman ni Jewel. "Sabi nga ni Tita, bawal ka muna ng softdrinks at kagagaling mo lang. Baka bumalik na naman yung sakit mo sa puson sige ka." "Hindi ko naman uubusin yun ih, konti lang naman ang iinumin ko tapos sayo na yung tira. Damot nito." Kaya mahirap magkaroon ng jowa ih, kasi ganyan ang nangyayari. Pina tigil na sila ni Kuya Jay at nagbayad na para makasakay na sa kotse pagdating nila ate Ces at Kuya Jampong. After a few minutes, dumating na sila ate Ces na dala ang dalawang van. Tingin ko grabeng yaman siguro sila ate Ces, dalawang van ang pinagamit para pumunta sa lamay. Well atleast hindi na kami mag aarkila ng jeep or van sa iba dahil meron kaming ate Ces na mayaman. Haha. "Guys, kumpletona ba kayo? Asan na sila Shemiah, Shane, at Lorie?" Tanong ni Ate Ces. "Nandito na ate Ces, ayan naglalakad na. Bali saan kami sasakay?" Tanong ni Allanah. "Sila Jay, Jewel, Justine, Alliyah, Allanah, Lexa, Jashper, Ayesha, Ashley, Nicole, Jude, Nel, Keane, kasama si Holly ay dito sakin kasama namin ni Leo. Yung iba kay Jampong na. Kasya naman ang iba doon." Sa bagay, van naman siya kaya kasya kaming lahat. Lahat kami ay sumakay na sa van para makaalis na papunta kina JM. Baka kasi kami ay gabihin sa pag- dating doon sa lamay. Kami ni Alliyah ay sa likod ng van kasama namin sila Jude, Ashley, Nicole, Nel, Jashper, Lexa, at Keane. Sila kuya Jay, Justine, Jewel at Holly sa may unahan namin tapos sila Ayesha at Leo ay katabi ni Ate Ces.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD