Chapter 2: The Experiment

4874 Words
Holly's POV Well, we're ahead to JM's Uncle Burial actually, they didn't know that I can speak tagalog naman. But a little bit because I learn from my Grandma when I was in the province of Bulacan. Pero bulol par-in ako sa tigalog beacuse ilang taorn palang me here in Philippines. I was able to came back in U.K. but when I met Jayzen, I decided to stay here until I finally meet my future boyfriend. Pero hindi ko nemen ina-admit na siya na talaga kasi baka ma-isip niyang I'm obsessed in him or else he refuse to be his girlfriend. I won't let it happen. "Ahm... Jewel, inaantok ako pwede bang matulog sa balikat mo?" Jay ask Jewel while she talking with Justine. "Sure, kuya Jay, kuha lang ako ng unan ha tapos sandal ka sa may balikat ko." Ms. Jewel pick up the pillow on her right side of her sit. I wish, I have a sister like Jewel, because she so too maalaga. Kahit na hindi niya kapatid si Jay, she cares about him and Justine always support her. I love these couple. "Jewel, alaga mo talaga si kuya Jay ha. Kahit na hindi mo siya totoong kuya, nagagawa mong tulungan siya pag may kailangan siya." I heard Justine's said. "Alam mo naman ang dahilan kung bakit ko siya tinulungan di 'ba? Doon lang kasi ako makakabawi kay kuya Jay. Baka mag-selos ka niyan. Si kuya Jay lang 'to." "Oo alam ko naman yun, hindi naman ako seloso ih. Naiintindihan ko ang sitwasyon ni kuya Jay kaya ok lang sa'kin kahit ituring mo siyang parang anak mo." "You know what, Justine, I really like you talaga. Napaka understandable mo sa kahit na sino, sana ikaw na talaga." "Syempre, ako lang ito. Concern rin naman ako kay kuya Jay lalo na nanghihina siya. Mahirap kaya yung kalagayan niya, hindi pangkaraniwan yung sakit niya." "Kaya nga ih. Sana makahanap na yung mga doctor ng vaccine para kay kuya Jay." Then, they look at Jay and they see on his face of suffering on his conditions. Mahirap mag karoorn ng sakit even if it is unique and unknown. While we're in highway, napansin ni Jewel, Jay stopped breathing until Ms Ces notice that. Ces still drives along the highway and Leo starts to do the first aid. Sini-PR ni Leo si Jay while he lay down. I'm so worried about Jay, five minutes na siyang walang malay so that I hold his right hand. And his hand is so soft. Para bang kamay ng mommy ko. But I didn't let my hands off on him. Until he wake up I'm still hold on his hands. After Leo revive Jay, he is starting to breathing again then he open his eyes and Jewel were so happy that Jay finally awake after 15 minutes of CPR. Kinabahan talaga ako when he lose his breathe. I thought that is final. So we continue to go to JM's house. "Hey, Ahm...Holly. I know that I'm ok na pero you still holding my hand." "Oh sorry... I don't mean to hold your hand but I'm just worry about you kanina. Akala ko you're gone." Sabay buntong hininga ko. "Oh, its ok, basta wag naman masyadong mahigpit, baka isipin nila mag jowa tayo, ih." Yeah Jay's right, baka isipin nila na I flirting Jay. And he thanks on me. After few minutes, we're arrived on JM's house. There's a lot of people here in Burial. Some of them are playing gambling games. Jay 's POV Buti na lang nagising ako kanina kung hindi baka mamatay na ako nun. Salamat talaga ako kay Leo kasi ang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon. Habang papunta na kami sa mismong burol ng tito ni JM, ang daming tao agad ang pumunta sa unang araw palang ng lamay. Ang iba sugal na agad ang ginawa. Sila Luloy, Shane at Leo nagyayang mag laro ng Tong its. Sumali sina Nel at Kurt pati na rin si Justine. Kami naman nila kuya Jampong, ate Ces, Jewel, Lexa, Keane, at iba pa ay sumunod na kami kay JM para makita namin ang kanyang tiyuhin. "Uy, hindi na ako magpapasalamat sa inyo ha, kasi bawal daw ih. Pero buti nakarating kayo." Sabi sa'min ni JM. "Oo naman wala yun, M. Ikaw pa ba? Eh may memories kaya kami ni Tito mo. Nahuli nga kami ng konti eh. Di Jay kasi, sinumpong na naman." Si ate Ces talaga di ko naman sinasadya yun ih. "Pero musta yung tita mo? Balita ko hindi daw niya inakala na mamatay na agad yung tito mo. Atsaka biglaan yung nangyari ih." Tanong naman ni ate Ces. "Ah, yun. Malungkot pa rin siya kasi hindi niya nakasama sa huling sandali si tito Mitoy." "Ano bang nakain ni Tito Mitoy mo?" Tanong naman ni ate Ces habang nasa likuran ko. "Ano daw ahm...parang kambing daw. Hindi yata nila alam na may sakit daw kaya nung kinain niya, nagkasakit si tito. Eh siya pa naman ang mahilig sa kambing kaya naparami yung kain niya." Paliwanag naman ni JM habang nakasandal sa pader. Pinuntahan ko muna yung kabaong ni Tito Mitoy. Sinilip ko muna yung kabaong at pagkasilip ko, nagulat ako sa nakita ko dahil sa itsura ni Tito Mitoy. Holly's POV I just wonder how did I do that to Jay even though na hindi naman kami ka-close. I mean, before, we never have a chance to communicate to each other. And also I just want to be nice at him. While Jay's classmates are busy, umupo muna ako sa may tabi while eating some biscuits. And I can see the sadness of JM's relatives especially of Tito Mitoy's wife. And pinuntahan ako ni Lexa. "Hi, Holly ano ginagawa mo dito bakit hindi mo puntahan si Jay sa loob para makita mo naman yung tito ni JM?" She asked. "Later na. I just finish eating these and pupunta na rin ako doon." Then Lexa walk to Uncle Mitoy's coffin. I saw the people here on wake na lahat sila ay may different emotions. May malungkot, may kaunting happiness. But my feelings are mixed. Because it's so hard lose someone in the family. After kong kumain, pumunta na rin ako sa coffin ni Uncle Mitoy. While I'm walking, I saw Jay na nakaupo beside of the coffin and parang namumutla siya. He's seems like he saw a ghost that time. "What's happen to Jay. Are he ok?" I ask. "Yes, Holly. It's just like na may nakita siya sa katawan ni Mang Mitoy. At napansin din namin iyon. Parang iba ang kulay ng balat niya. Kakaiba nga ih." Ate Ces' answered. "Pero, ang bilis naman kung iisipin natin na naaagnas na agad ang katawan ni Mang Mitoy. Kasi sa lahat ng lamay na napuntahan ko, lahat ng mga patay, ilang linggo pa simula nung nilagyan sila ng pormalin bago pa maagnas depende kung gaano katagal ang burol." Arvi's said. "Leo, sakto ba yung inilagay nila na pormalin kay tito Mitoy?" JM ask. "Oo naman, may resibo kami kung ilang pormalin ang inilagay sa kanya. Ibinigay ko na sa tita mo at okay na sa kanya." Leo responsed. After that, Jay recovered mula nang muntikang mawalan ng malay. So they bring Jay a water and he take his medicine. And everything back to normal. I'm wondering what just happened to Uncle Mitoy's skin. Why it is so too gray? Ella's POV Nag overtime ako ngayon dahil may tinatapos akong article about sa research ni Doctor Mendez. Habang tina-type ko ang article, pumasok sa isip ko kung magtagumpay si Doc Love, sana si Jay ang unang makatanggap ng vaccine na yun. Kasi isang karangalan na yung kapatid ko ang isa mga mabibigyan ng bakunang iyon. "Ella, hindi ka pa uuwi, maaga pa yung coverage mo para sa senado bukas. Ano ba yung tinatapos mo?" Sabi sa'kin ni Mayla. "Tatapusin ko lang yung article ko na ni-report ko kanina at isasama ko na yung mga update ko kanina lang. Para pag uwi ko matutulog na lang ako." "Beshie, malaking bagay yung ginagawa nilang bakuna para sa mga taong may sakit na katulad kay Jay Jay. I'm sure na malaking improvement iyon sa kanya. At hindi na kayo mahihirapan ng mga kuya mo sa gastos. Kasi isang bakuna lang magiging okay na ang kapatid niyo." "Sa bagay. Kaso, hindi matatanggal yung takot sa kung anong side effect ng bakunang yun. Baka mamaya biglang malala pala yun." "Huwag kang mag alala, hindi naman yata ganun kalala. Basta ang isipin natin ay maraming matutulungan lalo na ang kapatid mo." "Sana maging successful ang ginagawa nilang bakuna. Siguradong magiging headline ito someday." Habang nagta-type ako, may biglang tumawag sa'kin. Tumatawag pala si kuya Bryan. "Hello...Ella kumusta na si Jay? Ano na lagay niya.?" Tanong ni kuya Bryan sa kabilang linya. "Kuya Bry, iyon medyo okay na yung paghinga niya hindi na siya palaging hinahapo. Kaso kuya, napapadalasan naman yung pagkahimatay niya." Sabay buntong hininga ko. "Ah, baka naman hinahayaan mo namang mag puyat. Alam mo naman na bawal na bawal sa kanya ang pagpupuyat dahil masama iyon sa puso niya." "Kuya, hindi ah. Maaga natutulog yun. Makulit minsan, gusto niya na bago siya matulog, tapos na niya ang kanyang mga assignments." "Pero, bantayan mo mabuti yung kapatid mo ha, kasi hindi natin alam kung kailan siya susumpungin. By the way, nasaan ba si Jay?" "Pumunta kuya sa kaibigan niya, patay daw yung tiyuhin ng kaibigan niya, tsaka wala naman siyang pasok bukas." "Ganun ba? Pero sabihin mo sa kanya na huwag siyang magpupuyat, hindi pa siya magaling." "Sige kuya Bry, isang gabi lang naman yun. At sabi niya, doon na daw sila matutulog sa bahay ng kaibigan niya." "Ah...oh sige na, babalik na ako sa work ko. Basta si Jay bantayan mo ha. Makulit pa naman yun, hindi minsan nasunod." "Opo, kuya. Tsaka lagi ko naman siyang pinagsasabihan na magpahinga siya at huwag magpakapagod." "Oh sige na, si Darren sabihin mo ha, paggaling ng Baguio. Diretso siya sa bahay at ipa check up niya si Jay." "Sure, kuya. I'm sure, busy pa yun sa taping nila. Alam mo naman yun kuya, kapag artista na, medyo busy na." "Sa bagay, pero sabihan mo pa rin, Ella na pagka uwi niya. Asikasuhin niya si Jay agad ha. Sige na, mag wowork na ako, bye Ella." "Bye kuya, ingat." Pagkatapos tumawag ni kuya Bryan, bumalik na rin kami sa mga trabaho namin. Uncle Mitoy's Wake Lexa's POV Parang muntik nang himatayin si kuya Jay dahil sa nakita niya. Hindi namin alam kung ano ba ang nakita niya ih at bakit gulat na gulat si kuya Jay. Kaya, tinanong ko siya. "Kuya Jay, ano ba yung nakita mo at parang gulat na gulat ka? May mali ba sa itsura ni Tito Mitoy?" "Ah meron ih, p-parang nag iba na agad yung itsura niya, parang ang bilis niyang maagnas. Eh di ba, dalawang araw palang nung namatay siya?" Tanong ni kuya Jay sabay tingin kay ate Ces. "Ay, oo nga noh? Parang iba yung mukha dito ni Tito Mitoy, hindi ba dapat isang linggo pa dapat bago siya maagnas? Kasi tignan niyo, pang isang linggo yung itinutok na pormalin sa kanya tapos dalawang araw lang ganyan na agad yung itsura niya, nakakapagtaka naman yun?" "Patingin nga. Ay, minsan nagkaka-ganyan talaga. Mukhang maaagnas na pero okay pa yan. Basta hindi pa siya nangangamoy. Tsaka, hindi pa nagkakaroon ng problema pagdating sa embalsamo ng mga patay ang puneraya namin." Sabi naman ni Leo "Sorry, Leo. Pero wala naman akong sinabing ganun. Nagulat lang naman ako sa nakita ko. Pero gaya nga ng sinabi mo. Siguro nga kadalasan ganyan talaga. Ang mahalaga, mapayapa na si Tito Mitoy." Banggit naman ni kuya Jay. Habang nag uusap usap sila kuya Jay, kasama si JM, biglang nag text si ate Ella kay Jewel. "Kuya Jay, pinapasabi ni ate Ella na huwag ka daw masyadong magpuyat, baka lalong lumala yung sakit mo." Sabi ni Jewel sabay lapit kay kuya Jay. "Oo, basta pagkatapos kong tumulong sa pag aasikaso dito, tutulog na rin ako." Sagot naman ni kuya Jay. "Kuya, kami na bahala dito. Mag pahinga ka na lang, kasi baka kung ano pa ang mangyari sayo ih. Tsaka konti na lang naman ang mga tao ngayon dito." Pakiusap ko naman kay Kuya Jay habang nagliligpit ako ng mga pinagkainan. Pagkatapos ni kuya Jay tumulong-tulong, dumiretso na siya sa guest room nila JM para magpahinga at habang nag i-scroll ako sa f*******:, ay nakita ko ang balita about sa bagong ginagawang vaccine para sa non-communicable diseases katulad ng kay kuya Jay. Sana naman matapos na ang vaccine na 'to para gumaling na sikuya Jay. OMeGS' Laboratory Love's P.O.V. Sa wakas, malapit ko nang matapos ang bakuna. At malapit ko na rin matulungan ang mga taong may mga non-communicable diseases. Malapit ko na kasing matapos ang clinical trial sa hayop ang vaccine na ito. Sa una medyo may mga side effect sa mga hayop, but nung na try ko na sa kambing, pusa at kabayo, na may mga sakit sa puso, naging okay na ang vaccine sa kanila. "Doc. Love, kailangan pa natin makasiguro na wala nang matinding side effect ang bakuna sa mga hayop, bago natin siya i-pilot testing sa mga tao. Mahirap na at baka sa atin bumalik ang sisi. Tsaka first vaccine ito ng Ospital natin kaya maniguro pa rin tayo, Doc." Paalala sakin ni Doc. Rey. "Oo naman, Doc. Rey. Sisiguraduhin natin na walang palya itong vaccine natin. Tsaka nakasalalay ang buhay ng bawat isa dito." Sagot ko naman. Habang patuloy kami sa pag eexperiment para sa vaccine, biglang dumating si Doc Rio, dala ang isa sa mga kambing na parang malapit nang mamatay. Yun kasi ang gagamitin namin para sa 3rd and 4th clinical trial ng Vaccine. "Doctor Mendez, ito na yung kambing na kailangan natin para sa clinical trial. Napa check up na rin yan ng mga staff natin at ahm...confirm nga na may sakit ito sa puso at barado ang right atrium. If tumalab nga ang bakuna, possible na gumaling siya at hindi na magbabara pa ang puso ng kambing na ito." Sabi naman ni Doc. Rio habang bitbit niya yung kambing at ibinigay sa table. Habang naghahanda pa kami para sa trial na ito, nagdasal muna ako ng malalim at humingi ako ng gabay sa Panginoon para sa gagawin namin na experiment dahil masyado itong sensitive at kailangan ay maging maingat kami sa gagawin namin. Bulihan Intergrated National High School Alliyah's P.O.V. Tapos na ang second subject namin at marami na kaming natapos na gawain pero habang recess palang namin, nagkwento si kuya Jay tungkol sa naganap doon sa lamay. Nakita ko rin yung nangyari kay kuya Jay na para bang may takot siya kay tito Mitoy. Parang may kung ano ang nasa kabaong ni Tito Mitoy. Habang nagawa kami ng mga activities na ipapasa sa subject, napansin namin na para bang iba ang awra ni kuya Jay. Para bang lutang na ewan. Nakakita ata siya ng multo sa burol ni Tito Mitoy. Tinanong ko siya. "Kuya, okay ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo simula pa kanina. Yung sa burol ba yang inisip mo?" "Ah, eh oo ih. Eh kasi parang sa kulay ng balat ni Tito Mitoy, parang ilang araw o buwan na siyang patay. Hindi ako mapakali sa kakaisip sa bangkay ni Tito kung paanong ang bilis niyang maagnas. Nakakapagtaka? Sagot naman ni kuya Jay. "Hayaan mo na yun Jay, mabuti pa gawin mo nalang yung project natin para matapos na natin ito ng maaga para wala na tayong iisipin pa." Tama ang sinabi ni ate Princes. "Tsaka Jay, okay na rin na nakapagpahinga na si Tito Mitoy, huwag na natin siyang pagusapan. Baka mamaya magpakita sayo yun. Ikaw rin." Nang asar pa itong si Elshane. Nag patulong na si Shane kay kuya Jay sa project namin para tapos na agad. Habang nagkukulitan at nag tsismisan, biglang dumating si Maui Arvi. "Guys, guys, guys. May announcement ako sa inyo, next month ata magkakaroon tayo ng pa-contest. Ito ang Boses ng Pasko, yung mga kumakanta, nag-rarap, at tumutula para sa darating na Pasko. Baka May gustong sumali para maging representative ng section natin." Sabi naman ni Arvi sabay inom ng tubig. Lahat kami ay nag-iisp kung sino ba ang aming mga pambato para sa contest na yun. Habang nag uusap-usap kami, biglang sumingit si Luloy at nag prinsinta na siya ang sasali sa balagtasan. Sumang-ayon naman sila Leo at ate Ces na si Luloy ang maging isa sa sa mga representative para sa Balagtasan. Ang kasama naman niya ay si Shane. "Mga classmates, meron na tayo sa kakanta. Si Maui Arvi, sa Balagtasan naman si Luloy tapos sino sa Tula?" Tanong ni Ate Ces. Panay sila isip kung sino ba ang pambato namin sa tula. Hanggang sa sumingit si Nhey Morina, ang kaklase namin na medyo makulit pero magaling mag suggest. "What if si kuya Jay na lang ang ipambato natin sa tula. Tutal magaling siyang mag deliver ng spoken word poetry sa Filipino subject natin. Tsaka papayag yun kapag si ate Ces ang magsabi sa kanya." Sabay sumagot si ate Ces. "Bakit ako?" Parang sa tingin ni ate hindi niya kayang i-convince si kuya Jay. Lalo kapag pinilit siya "Sige na ate Ces, ikaw lang ang May kayang pa-oohin yan. Lalo na't kapag nalaman niyang para sa grades yun." Tama si Mauie, oo si kuya Jay kapag si ate Ces ang nagpumilit sa kanya. "Oh, sige sige. Ako na ang bahala mag kombinse kay Jay na sumali tutal malakas ako sa kanya ih. Ay kung sakali na tumanggi siya, i-chachat ko si ate Ella para pilitin o kumbinsihin na sumali." Pinuntahan na ni ate Ces ang busing-busy na si kuya Jay na nakaupo malapit sa blackboard. "Jay, ano ginagawa mo?" "Ito ate, tinatapos ko lang yung assignment natin sa Kom-Pan (Komunikasyon at Pananaliksik), Baka magalit yung teacher natin doon. Bakit? Ano yun, teh?" "Alam mo naman siguro yung about sa pa contest dito sa school and tatanungin kita kung willing ka mag participate sa Spoken Word Poetry?" After na tanungin ni ate si kuya Jay, mukhang nag isip muna siya sabay tingin sa malayo. Meanwhile... Doc. Rey's P.O.V. Nasa Lab ako ngayon at hinihintay si Doc. Love. Kumuha kasi siya ng Host o page-eksperementuhan para sa bahaging bakuna. Ang bakuna para sa mga Existing Illness and Diseases. Last Clinical trial na namin ito kaya huling hayop na ang aming inexperimentuhan at malapit na siyang ilabas sa publiko. At sakto ang pagdating ni Doc Mendez kasama si Doc. Rio. "Ito na ang last Clinical trial natin kaya be careful tayo at baka sa isang mali lang eh mawala lahat ng pinagpaguran natin. Mahalaga ito sapagka't nakasalalay sa atin ang kalusugan at buhay ng mga tao". Paalala ni Doc. Rio. "Tama, Doc, we need to be careful and sana wala nang magkaroon ng side effect sa hayop na ito para walang mangyayaring masama sa tao." Pagsang-ayon naman ni Doc. Mendez. Dahan-dahan namin inihiga ang kuneho at hinawakan. Atsaka namin itinurok ang bakuna sa hayop. After 5 minutes, nawalan ng malay ang kuneho. Nagtaka kami kung bakit. Pero after one minute, bumalik na ang sigla ng kunehong may heart disease and nung na check up namin, wala siyang sakin. Kaya nasabi ako na "It's Miracle". Nagpalakpakan kaming tatlo at nagyakapan sila Doc. Mendez at Doc. Dominguez. Parang May something sa magkagalit lang kahapon. Anyway, matagumpay ang aming misyon, sigaw ko naman iyon. At ready na kami to announce this to the public. Allanah's P.O.V. We're now here sa may canteen. And we're talking about sa nalalapit na event this December sa school. Kabilang kasi ako sa student council and isa ako sa na-assign sa event na Himig ng Pasko 2022. Nahirapan kami sa lineup ng mga magpe-perform. At kasama pala si Jay sa magpe-perform pero ang tanong pumayag ba siya? Biglang napadaan si Elshane sa student hub kung saan nandun din ang councils. Tinanong ko sa kanya kung pumayag na si Jay na mag-perform sa Event. Ang sagot naman ni Shane ay hindi pa daw at nagdadalawang isip kung sasali ba siya. Nagsabi naman si Ate CES daw na ikuku-comvince niya si Kuya Jay. Kasi para mafinalize na. "Kambal, sila Luloy, Jampong, tsaka si Mauie ay sure na kasali, kaya wala ka nang alalahanin." Pahabol pa ni Shane. Biglang nagring yung phone ko and nagnotif sa'kin yung bagong post about sa new vaccine na nadevelop na ng OMeGS Hospital. I'm sure matutuwa na si kuya Jay and finally may bakuna na para sa sakit niya. Agad akong pumunta sa room para ipaalam kay kuya about sa balita. Nakita ko siya may gilid ng room malapit sa bintana. "Kuya Jay, kuya Jay! Nabasa mo na ba itong balita na ito." Ipinakita ko sa kanya ang post sa sss and binasa niya. "Totoo ba ito? May bakuna na para sa sakit ko. Ito na ang hinihintay ko na solusyon sa heart clog disease at makakahinga na ako ng maayos nito. Thank you Lord." Nagulat ako sa reaksyon ni kuya Jay. Tapos bigla siyang nagsabi sakin na payag na siyang sumali sa Himig ng Pasko 2022. Sakto ang pagdating nila ate Ces, kuya Jampong, Shane at Maui nang marinig nila ang balita about sa Vaccine. And sabay-sabay silang pumalakpak kay Kuya Jay. Tapos habang nagbibiruan silang lahat, bigla kong nakita ang sss live ng OMeGS Hospital. At pinanood namin. OMeGS Hospital Press Conference Doc. Love's P.O.V. Nagstart na ang press con para maestablish na ang bakuna sa lahat ng tao. Maraming mga press ang nag-aabang sa big announcement. And syempre bilang Doctor may kaba pa rin kasi hindi pa naisasample ito sa mga taong May sakit. Habang nagpapatuloy ang interview samin, biglang may nagtanong sa'kin "To Doctor Mendez, what exactly the Goal of your team that you decided to create this kind of vaccine? Is there anything or someone who inspires you so that you made this thing?" "Uhm...okay. Merong isang tao na nakilala ko somewhere here in Hospital. Actually kabilang sa Media society. And I heared her story about her brother na may existing heart clog disease and I want him to be cured na hindi nagamit or nagsasagawa ng operation. And it is the time na mabigyan na ng pag-asa ang mga katulad niya na gumaling sa sakit." "What could be possible date maisasagawa po ang first vaccination sa mga tao?" "Well, probably kapag okay na ang mga bakuna then we can start na dry run next week and lahat ng taong may mga sakit sa puso, at ibang may existing diseases, pwede nang turukan." Nagpatuloy pa yung presscon at parang May napansin ako na nakatayo sa may hallway ng Ospital sa likod ng mga press. Para bang may inaabangan siya na hindi ko alam. After ng presscon sinundan ko siya and then bigla na lang siyang naglaho na parang bula. There is something that bothering me. Ella's P.O.V. Finally, gagaling na ang kapatid namin, sa sakit niya. Hindi na siya mahihirapan at mamumuhay na siya ng normal. Habang pinapanood ko kanina yung presscon, naalala ko na nagkausap na kami ni Doctor Mendez about sa development ng kanilang vaccine. "Beshie, anong balak mo ngayon? Isasama mo ba sa first batch na matuturukan ng vaccine si Jay?" Tanong naman ni Mayla. "Di ko nga alam ih. Syempre hindi mawawala yung kaba ko kung magpasya kami na isama siya sa mga vaccinees. Alam naman natin na ang bawat bakuna, may mga side effect yun. Eh we don't know if gaano kalala yung epekto ng bakuna sa kanya." "Nakausap mo nasa ba si Kuya Bryan mo about dyan?" "Hindi panga ih. Basta pagkauwi ni kuya dito sa susunod na araw, makapagpasya na kami. And sana pumayag si Jay Jay na magpaturok." Tinapos na namin ni Mayla ang pagkain namin tsaka babalik na rin kami sa work at tututukan namin ang tungkol sa balita na ito. DR. Rio's POV. "Congratulations, Doc. Mendez, Dr. Dominguez at Dr. Castro for the successful clinical trials for the Rapid Vaccine. Isa na naman itong malaking achievements ng OMeGS Hospital. This is history kasi ito ang first ever vaccine na made in the Philippines. So let's to drink for that." Papuri saamin ng CEO ng OMeGS Hospital na si Dr. Orlando Mendez Jr, 78 years old Anak ng Founder ng Ospital na si Dr. Orlando Mendez Sr. "May pinag manahan talaga ang inyong apo Dr. JR. And your legacy has been repeated since dito rin nagstart ang first Brain Aneurysm Surgery na hindi nagamit ng kahit na anong aparato. Kaya tayo ang nangungunang ospital sa bansa." Papuri naman ng isa sa mga shareholder sa ospital. "You know what, my grandson is the best pagdating dito sa mga experiment ng mga gamot. When his father died, sinabi ko sa sarili ko na susuportahan ko ang kanyang anak sa gusto niyang tahakin. And now siya ay Doctor na!" "Hindi naman po, Lo. I'll try naman yung best ko and marami rin kaming failures sa bakuna kaya medyo natagalan, and you know what if nandito lang si Daddy I'm sure sobrang proud nun sa akin." Pa humble pa itong si Dr. Love. Ang mommy niya ay nasa Cavite now. May inaasikaso rin siya doon sa mga health centers. Isang Registered nurse ang nanay niya na si Nurse Morlina Angeles-Mendez, 59 years old. "And nagpapasalamat ako and proud sa mga kasamahan kong doctors here, they never left me in this journey. And hindi lang naman para ito sa kay Dad, para rin ito sa pamilya kong hindi ko na nakasama for so many years. And I missed them." Naalala na naman niya ang nangyari sa kaniyang family na 20 years ago. Ang sinasakyan kasi nilang Barko papuntang Batangas at galing ng Bicol, naaksidente at kasama ang family niya sa mga kasama sa nasawi umano sa lumubog na barko ngunit hindi pa rin nakikita ang kanilang mga bangkay mapanghanggang ngayon. And ngayon rin kasi ang araw ng trahedya na naganap sa buhay niya. Alam ng lolo niya na maaga siyang nagkaroon ng family at maging ng kanyang ama bago ito mamatay. Si Nurse Morlina naman ay sobrang lungkot nang malaman nila ang balita sa kanyang manugang at mga apo. Pumunta si Dr. Love sa may terrace ng office ni Dr. Jr. Parang nag flashback ang nangyari sa mag-iina niya. Sinundan ko siya. "Hey, Doc. Love, what are you doing here? You suppose to join the party inside because this is our victory party, ikaw ang nag initiate nitong cure para sa lahat tapos nandito ka, nag iisa? Ano kaya yun?" Tanong ko sa kanya. "Ah wala, gusto ko lang magpahangin. Alam mo naman. Ang daming ganap kasi for the past few days. Parang daig ko pa ang taga Showbiz, daming commitment." Dahilan pa niya. "Kilala kita, kahit medyo nag-aasaran tayo eh alam ko kung ano ang nasa isip mo. Yung pamilya mo noh?" "Haaay. Sige na nga. Oo sila yung dahilan kung bakit mag-isa lang ako ngayon dito. Sobrang miss ko na sila, 20 years ko na silang hindi nakakasama and parang kahapon lang yung pangyayari sa kanila." Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit lagi niyang na aalala ang mga bagay na iyon. Na para bang may laging bumabagabag sa puso niya. Alam namin na hindi na magbabalik pang muli ang pamilya niya at sinabi ko na hangga't nandito kami, dadamayan namin siya sa hirap at ginhawa. Ella's P.O.V. Sa wakas at gagaling na rin ang kapatid ko. Nasabi ko yun habang kausap ko sa kabilang linya si Kuya Bryan. Uuwi na kasi siya sa makalawa at pinag-uusapan namin kung paano papayag si Jay na magpaturok ng bakuna. Sabi naman ni kuya na hangga't ready na si Jayjay ay handa na rin kami para sa kanya. Pati si Darren na nandito na sa bahay eh okay na si Jay lang ang magdecide. Naalala ko tuloy si Mommy Liza, nanay namin. Nagkaroon kasi siya ng trauma dati, 20 years ago. Ang kwento niya papunta na kami ng Manila, nung mangyari ang trahedya sa amin. Maliliit palang kami nun kaya hindi na namin maalala. Ewan ko lang kung si kuya Bry eh tanda niya pa iyon kasi siya may isip na nung nangyari yun ih. Pero ang tanda namin ay papunta na kami sa daddy namin. Pero hindi kami umabot. Simula nun, sila lola na ang nag aalaga kay mommy sa probinsya, maayos naman siya pero parang May trauma pa rin siya ih. Sana nga gumaling na nanay namin. "Huy. Ate Ella, flashback ka na naman. Inisip mo na naman si mommy noh? Alam mo, okay na naman doon si mommy sa probinsya kasi kasama siya nila tita at nila lolo't lola." Sumingit bigla itong si Darren. "Alam ko naman iyon kaya lang eh, tuwing naaalala ko yung mga nangyari sa atin noon, hindi ko maiwasan na isipin na kung hindi nangyari yun, siguro masaya ngayon at maayos na si mommy na kasama natin siya." "Ate naman. Kahit sino naman ih. Iisipin yun pero wala na tayong magagawa. Nangyari na ih. Ang dapat nating gawin ay ipagdasal si Mommy na gumaling na pati si Jayjay." Tama si Darren dapat ay magpray lang kami sa Kanya sa kalusugan ng Mommy at Jay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD