Chapter 3: Memories Bring Back

4840 Words
Love'𝐬 𝐏.𝐎.𝐕. I always remember when I see those pictures of my family. Para bang hindi ko sila makalimutan after so many years. May time pa nga na habang nasa CR ako naghihilamos, nagrereflect sa salamin yung nangyaring trahedya sa kanila. Nasa kuwarto ako ngayon at nag aayos ng mga gagawin para sa vaccination next week. And 2 weeks na since na imbento namin yung bakuna. Marami ang mga nakalista na para sa vaccination program namin. And natuwa ako sa mga comments ng mga tao about sa lunas. Sabay pumasok si Mama. "Oh, Nak. Bakit gising ka pa? What are you doing?" "Nothing mom, I just fixing the files of my patients and hinahanda ko rin po yung para sa vaccination program bukas." "Well, tapusin mo na yung mga dapat mong tapos then magpahinga ka na rin. It's already late na." Bigla akong tinatanong ni Mama kung ano ba ang nasa isip ko at parang ang layo ang tingin ko. Ang sagot ko naman is naaalala ko yung trahedya na nangyari sa mag-iina ko. And I can't keep out of my mind kasi para akong nauupos na kandila when I always bring back that memories. Nag-advice sa'kin si Mama na mas mabuting sariwain ang masasayang pangyayari nung nakakasama ko pa sila kaysa manatiling nakakulong sa utak ko ang masakit na sinapit ng pamilya ko. Then she comfort me kasi kahit sa saglit lang na panahon, nakasama niya ang mga apo niya at ang asawa ko. Hindi ko mabanggit ang pangalan ng asawa ko dahil sa tuwing sinasabi ko ang pangalan. Pero for this time sasabihin ko na ang pangalan niya, si...Tine. Ella's P.O.V. Sa wakas ay dumating na rin si kuya Bryan galing U.S. mahaba-haba ang naging biyahe niya kaya may jetlag pa siya hanggang ngayon. Kasi mag iisang Linggo na siya dito sa Pinas, Hirap pa rin siya maka-tulog. Anyways, kumpleto na rin kaming apat na magkakapatid. Si Darren ay nasa may dinning table habang umiinom ng juice. Si kuya naman ay nasa sofa sa may Salas, at kami naman ni Jay ay nasa kabilang upuan, tapat lang ni kuya Bryan. Pinaguusapan namin ang plano if tutuloy pa ba si bunso namin para doon sa vaccination program hindi dahil para trabaho ko as journalist to create a news but being a older sister na gusto lamang ay gumaling na siya sa sakit niya. Nagsalita na si Jay about doon sa desisyon niya if magpapaturok ba siya o hindi muna. "Mga kuya, ate I have my decision. Magpapabakuna ako. Kasi ito na yung chance para mabago na ang buhay ko dahil sa gamot na yun. Malay niyo hindi na natin kailangang gumastos pa sa mga therapy therapy na yan. Atleast bawas na ako sa inyong isipin di' ba?" "Bunso, kahit na may bakuna ka na at malayo kana sa peligro, kailangan mo pa rin magpa check up sa doctor just in case na may maramdaman ka na kakaiba." Payo ni Kuya Bryan. "Tama si kuya, Unso. Dapat hindi tayo masyadong nagtitiwala sa mga gamot gamot na yan lalo na kapag wala pang nagsasabi na epektibo talaga yan. Baka nga yan ang pagmulan ng kung ano-ano ih." May point naman si Darren kaya lang masyadong exaggerated naman itong kapatid ko. Nang dahil lang sa bakuna, gulo agad. "Pero, Jay. Since nakapag decide ka na then we go through it. May tiwala naman ako sa gumawa ng vaccine ih. And ano man ang mangyari, I'm sure, may tulong tayong matatanggap." Sabi ko naman. "Eh ang tanong totoo bang may tutulong sa atin. Alam niyo naman na may mga nasa gobyerno na pansariling interest lang ang pakay hindi naman tayo hindi ba?" Parang grabe naman ang hugot ni Darren ngayon ah. Artista lang ang dating haha. "Eh kung yung iba nga na mga kadugo natin hirap lapitan at hingan ng tulong, nasa gobyerno pa kaya? Wala rin silang pinagkaiba sa tatay natin." Nabigla kami sa sinabi ni Darren. Bakit nasama ang tatay namin sa usapan. "Teka, bakit naman napasok si papa dito?" Tanong ni kuya. "Bakit totoo naman ah. Nung kinailangan natin ng tulong niya, sumipot ba siya? Hindi naman ah. NI ANINO NGA NIYA HINDI NATIN NAKITA EH. KAHIT MANLANG SA TAWAG PARA KUMUSTAHIN SI MAMA KUNG OKAY LANG BA SIYA O BUHAY PA BA TAYO SIMULA NUNG LUMUBOG YUNG BARKO NA MUNTIKAN NA TAYONG MAMATAY. TAPOS AASA PA BA TAYO NA TUTULUNGAN TAYO NG TAONG GOBYERNO. HINDI NA OY!" "Darren, maghulos-dili ka naman. Ikalima mo yung sarili mo. If hindi man natin ramdam ang presensya niya, I'm sure naghahanap siya ng way para hanapin tayo o para alamin kung buhay pa ba tayo? Hindi natin masisisi ang papa natin kasi wala siyang kasalanan doon. Ang mahalaga may chance pa para mahanap natin siya kung nabubuhay pa siya. Humupa na ang galit ni Darren sa tatay naming apat. Medyo nagalit din ako sa kanya (tatay namin) pero sabi nga ni kuya Bryan. Wala naman siyang kasalanan doon ih. Disgrasya yun at walang may kasalanan doon. Biglang nagsalita si Jay. "Alam niyo mga kuya at ate. Hindi ko man siya naabutan, palagay ko mabuti siyang ama. Kasi kung titingnan niyo, nakaapat nga silang anak ni mama. Tsaka kung 20 years man natin hindi siya nakita, mahahanap pa rin natin siya balang araw." After nun, nagyaya na ako na kumain na lang para mawala na masyadong madramang pangyayari sa pamilya namin. Kinabukasan... Princes' P.O.V. Finally, gagaling na ang Jay pogi ng section namin. Lakas ko talagang mambola. Anyways, tuwang tuwa ang buong section namin dahil mawawala na ang kalbaryo ni Jay sa sakit niya. Hindi ko lang alam kung final na yung desisyon kasi paiba-iba ng isip yun ih. Pagdating niya, malalaman namin kung magpapaturok na ba siya. Nasa hallway na ako ng building sa may 1st floor kung nasaan ang room namin. Tapos habang naglalakad ako, biglang nakita ko si Sir Edwardo Haranna, isa sa mga P.E. Teacher namin. Parang nagmamadaling pumunta sa CR at may kausap sa celphone niya. So syempre dahil may pagka-marites ako, sinundan ko at pinakinggan ko kung ano ang pinag-uusapan. Hindi klaro pero parang ang mga narinig ko ay "meron ka ba dyan?" At tsaka "update kita kapag meron na." Pero syempre para malinaw nakinig pa ako. Lumapit pa ako sa may pinto ng CR para maintindihan ko naman. At sa paglapit ko, bigla kong natabig yung bakal na malapit sa pintuan at tumumba yun. Kaya agad akong lumayo para hindi mapansin na ini-stalk ko si Sir. After nun, biglang lumabas ng CR si Sir Ed tapos tinignan niya kung sino ang nasa labas ng CR. Buti na lang hindi niya ako napansin at nakalayo agad ako sa kanya. Pero bumalik pa rin siya sa CR para ituloy yung paguusap nila ng nasa kabilang linya. Bumalik din ulit ako at this time, careful na ako sa paglapit ko. At pinakinggan ko na ang kanilang pag-uusap. "Boss, basta ha. Yung sinabi ko sayo kapag meron na, balitaan mo ako. Huwag kang mag alala naka-ready na yung pambayad ko sayo." Sabi ni Sir Ed. "Oo naman Ed, kailan pa ako pumalya? Itetext ko sayo kapag meron na. Hinihintay ko lang na magsiuwian ang mga tao rito para makapuslit ako palabas ng kailangan mo." Tugon naman ng nasa kabilang linya. "Sige sige, matagal na akong naghihintay sa padala mo. Alam mo naman na dun lang ako ginaganahan boss. Kapag nadala mo agad, dodoblehin ko ang bayad ko sayo. Maliwanag ba?" Aba! Nangako pa itong Sir. Eh sa grades nga namin eh kuripot ito, sa pang bisyo pa kaya? "Oo ako bahala, relax ka lang baka may makahalata sayo dyan. Mahirap na at baka madamay pa ako, sabit tayo pareho." Talagang sasabit talaga kayong dalawa. "Maingat ako dito. Walang makakabuking sa'tin. Kung meron man ay hindi ko na patatagalin. Yari na agad. Ayoko naman na mawalan ako ng lisensya dahil sa kanya hindi ba?" Patay ako nito. Pero okay lang atleast alam ko na ang sikreto mo Sir Edwardo Haranna. Ganda pa naman sana ng pangalan mo sir, kaya lang pangit yung nasa loob mo. Your so bad influence sa amin. Tapos na ang usapan nila kaya naman umalis na ako bago pa siya lumabas ng banyo. Naglakad ako sa may hallway nang mabilis na hindi napansin ni Sir na galing ako sa CR. Inakala niya na kalalabas ko lang sa kabilang room kaya naman pumunta na siya sa klase niya sa kabilang building. Muntikan na akong mabuking. Sa ngayon, shut up muna ako. In the middle of the Class... Habang nagkaklase naman kami sa DISS (Discipline and Ideas in Social Sciences) katabi ko nun sila Jay at Jampong tapos sa harap naman sina Shane at Maui Arvi. Sa gilid naman nila ay sina Erella Liado, Nhey Basdino, Ayesha Parogillio at si Allanah Montes, biglang pumasok si Sir Edwardo at may in-announce para sa PE class namin. Ang sabi niya eh baka wala kaming klase ngayon sa kanya, kasi may importante daw siyang aasikasuhin kaya makacancel yung second week class namin this 2nd grading. Pagkatapos niyang mag-announce, umaalis na siya ng room at parang maay hinahabol na oras na ewan. Siguro tungkol yun sa kausap niya. Or baka mali na naman yung akala ko. Ilang beses na rin kasi akong namamali sa akala. Pero pagtingin ko sa kanya parang iba yung aura ng mukha niya. Para siyang papatay na ewan. "Bakit kaya nagmamadali si Sir Ed noh? Parang hinahabol siya ng aso." Pagtataka ni Ayesha. "Malay ko dun. Parang tigre siya. Baka gutom lang." Gatong naman itong si Arvi. "Nagtaka pa kayo, eh ganun naman talaga si Sir, masyadong aligaga. Kahit na isang beses lang meeting natin sa kanya, araw-araw naman natin siyang nakakasalubong sa labas." May point naman si Jampong. Sabi ni Jay na iba daw ang kinikilos ngayon ni Sir, siguro daw baka nasobrahan sa mga kinain niyang mga tsokolate na binigay ni Jay kay sir. Kami nga rin binigyan niya. Pero iba talaga ih, iba kutob ko ih sa taong yun. "Guys, ako iba kutob ko. Parang may hindi sinasabi si Sir sa atin. Pero hayaan niyo na, personal na buhay niya yan." Sinabi ko na lang yun para wala nang iba pang makaalam sa pagkatao ni Sir Ed at ako muna ang magmamanman sa kanya. Natapos na yung klase namin sa DISS kaya diretso na kami sa canteen. Nagugutom na kasi yung mga barako kong kasama. Portiz's House Darren's P.O.V. Nasa Salas ako ngayon at nagi-scroll sa f*******: ng mga video at kung ano-ano pang mga posts. And nakita ko ang post ni Dr. Love Mendez pero picture lang niya at statement niya para sa vaccination program na isasagawa niya sa Friday. And take note, kasama kapatid ko dun. Okay naman yung statement niya at sigurado na maiintindihan siya ng mga taong makakabasa nito. Kaya lang tinitigan ko nang mabuti yung mukha niya at parang namumukhaan ko siya somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan ih basta parang nakita ko na siya. Anyways, hindi naman importante iyon kaya hindi ko na lang inisip ng malalim. Dumating na si Kuya Bryan galing palengke dahil bumili siya ng pananghalian namin at darating na rin si Jay mamaya galing school. Ako naman ay papasok rin sa school dahil 3rd year collage na ako. "Darren, halika nga dito, ikaw na maghiwa ng sibuyas at bawang dahil magluluto ako ng Adobo at na-miss ko ito. Ngayon na lang ulit ako makakapagluto nito kasi wala nito sa Amerika." "Oh sige, kuya. Mukhang masarap yang iluluto mo ngayon ha. Namimiss ko na rin yung mga luto mo ih." Si kuya Bryan kasi kadalasan ang nagluluto nung hindi pa siya nagta-trabaho sa US. Tapos habang naggagayat ako ng bawang at sibuyas, naikuwento ko kay kuya yung tungkol sa doctor na nakaimbento ng bakuna. Parang namumukhaan ko kasi yung doctor. Para bang nagkita na kami nun. Pinakita ko kay kuya yung picture at tinitigan niya ng mabuti ang picture na para bang may naalala siya na kung ano kasi bigla siyang napatigil sandali. Sinabi niya na baka lang daw kamukha lang daw yun kasi marami naman ang mga tao sa panahon ngayon ang magkakahawig. Pero parang iba talaga yung kutob ko ih kasi ewan ko ba? Daming tanong sa isip ko. Ganito yata kapag model ka at maraming commitment lumilipad minsan yung isip haha. Anyways dahil nga sa Friday na yung first dry run ng vaccination at kasama na si Jay doon, pinagusapan namin ni kuya kung papaano namin sasamahan si Jay kasi si ate Ella ay naka-duty that day. And also marami rin ang mga tao nun kasi dahil sa mga tagasuporta ng Mayor ng Bayan namin, dito kasi napili na gawin yung first vaccination program. Alam mo naman kapag malapit na ang eleksyon, doon naglalabasan ang mga aso, nagpapaamo baga. Sinabi ko yun kay kuya at napakamot na lang siya sa noo. Kasi totoo naman ang sinabi ko ih. Meeting ng mga Doctors Doc. Rio's POV. Nag-start na ang meeting namin ng mga doktor na kasali sa vaccination sa Biyernes ng Tanghali. Kinausap kami ng board of directors ng ospital na since na tatlong batch ang gagawin, ito ay libreng ipapamahagi tsaka ito ilalabas sa commercial na mga botika at mga ospital na maaari nang ibenta o ipagbili sa publiko. Sumang-ayon naman dyan si Doc. Love kahit na medyo malalim pa rin ang iniisip niya about sa family niya. Gusto ko na nga siyang kausapin kaya lang nasa meeting pa kami. Pasimpleng kinumusta siyang ni Doc. Ray pero ang sagot lang niya ay okay lang siya. Na para bang etching lang niya yun. Pinag-usapan din namin kung saan kami unang magper-first dry run ng vaccine. Nag-suggest si Dr. Obsina na since mas marami sa Manila ang mga heart diseases doon daw muna. Sabi naman ni Dr. Solmiano ay sa mga liblib na lugar muna dapat simulan dahil sila ay malayo sa mga pagamutan. Okay naman ang mga suggestions ng mga doctors namin. But, ang nagkasunduan ng lahat ay kung saan malapit ang aming ospital, doon na lang gawin ang vaccination para less hassle sa biyahe. in-inssure naman na yung sa mga malalayong lugar ay mabibigyan din ng mga dossages ang bawat ospital na makikilahok sa bakunahan. Mukhang maayos na ang lahat sa napagusapan, pero itong si Dr. Mendez ay parang malalim pa rin ang iniisp. Parang sabaw na sabaw siya ngayong araw. Panay nga ang kulit ni Dr. Castro pero hindi halata sa mga directors namin. Hanggang sa napansin na siya ni Dr. Jr at nagsabi sa kanya na maguusap silang dalawa after the meeting. After Meeting Habang naghihintay kami sa labas ng office ni Dr. O.M. (short for Orlando Mendez), narinig namin ang kanilang pag-uusap. About siguro sa pagiging anxious niya this past few days. Kaya tuloy ang ibang mga personnel ng ospital nag-aalala kay Doc. Love. "Ibang-ibang na ang ikinikilos ni Dr. Love ngayon, parang adik". Nagbiro pa itong si Dr, Ray. "'Wag ka ngang maingay dyan, Ray. Baka marinig ka ng ibang tao isipin nila nagda-drugs si Doc. Mahirap matanggalan ng lisensya kapag ganyan." Sabi ko naman sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya na hintayin na lang namin ang paglabas ni Doc. sa office saka na namin siya tanungin kung ano ba ang iniisip niya. "Alam mo, Dr. Rio. Baka may iba pa yata siyang iniisip bukod sa nasirang (nawala o namatay) pamilya nya. Kung ano man yun sana malampasan nya yun. Sayang pa naman may itsura pa naman si Doc, tapos ganyan nangyayari sa kanya." Tama naman. Baka nga may iba pang bagay siyang iniisip o tinatago. Pero kilala ko si Doc. hindi siya ganun. Samantala... Ella's POV. Nasa loob ako now ng office ng president ng radio station namin na DZYS (mula sa GNA Tv Network). Pinag-usapan namin yung coverage ng team namin yung about sa first ever vaccine na nagawa dito sa bansa. Ang sabi sa'kin ni Pres. Raul "RONDA" Babellion, dahil sa husay ko raw mag report hindi lang sa assignment namin kundi sa ibang tao so he decided to have me a segment sa DZYS na kasama siya. Hindi ko in-expect na ako ang kukunin niya for his program. "Naku, kuya Ronda, medyo nabigla po ako sa alok niyo. Eh kasi po, hindi ko pa po gamay dito sa radio. Parang kailangan ko pa ng seminar about dyan." sabi ko naman sa kanya. "Don't worry, gagabayan kita and hindi naman gaano kabigat dito sa radyo. Just follow me, I'll guide you and be confident to yourself. Kasi dyan din ako nagsimula, dati sobrang kabado ako yung tipong pinagpapawisan. Pero sinabi sa'kin ng dati kong mentor na gumawa ako ng bagay na magpapatanggal ng kaba ko at yun yung, sumigaw." Habang nagkukwento si Kuya Ronda, naiisip ko tuloy na ang sarap sa piling ng may nakakasama ka na mas matanda sa'kin simply na magkaroon ng isang ama na katulad ni Kuya Ronda. Sana nga kasama ko ang daddy namin ngayon para may suporta man lang ako mula sa kanya. Moving on, tinanong ako ni Kuya Ronda kung tatanggapin ko ba yung offer niya sa'kin. Pero dahil nga sa mataas ang respeto ko sa kanya at willing naman siyang turuan ako kaya, I accept it. Palabas na ako ng office at naghihintay sakin si Mayla para sabay na kaming umuwi. Maaga na kami pinauwi para pag-handaan ang darating na vaccination program sa Biyernes. And sakto paglabas ko ng opisina, ay pinakita sa'kin ni Mayla ang post ng OMeGs Hospital na sa bayan pala namin sa Silang ang unang babakunahan ng Keyfree Vaccine. Buti na lang at malapit lang sa'min yung pilot testing ng bakuna. kaya hindi na kami lalayo pa sa ibang ospital. Buti na lang at nakasama yung kapatid ko sa first batch ng mababakunahan. Para malaman namin kung gagaling na ba talaga siya at hindi na niya kailangan ng matinding operasyon. After ko sabihin yun, umuwi na kami agad para makapagpahinga at iready namin ang sarili namin. Pagkauwi ko sa bahay, 12:33PM na, at sakto kararating lang din ni Jay. Kailangan niya kasing uminom ng gamot at kumain bago uli siya pumasok sa school. Sinabi ni Jay habang paupo sa lamesa na kanina muntikan na siyang hindi makahinga at buti na lamang kamo tinulungan siya ng mga kaklase niya. "Mabuti naman okay na yung pakiramdam mo at tinulungan ka pa ng mga kaibigan mo para maging okay ka na. Yung iba dyan naku, hihintayin ka pa na mag-agaw buhay bago ka pa nila tulungan." Sabi naman ni Darren. "Kaya nga ih, tsaka mag-i-ingat ka palagi. Tandaan mo, hindi porket may bakunahan na para sa sakit mo, eh magpapabaya ka na. Baka mamaya niyan eh hindi ka umabot sa Biyernes niyan." Dagdag pa ni kuya Bryan. "Mga kuya naman, tinatakot niyo naman ako, hindi naman ako propeta para malaman ko kung kailan ako susumpungin. Pero hindi ko hinahayaan na umabot pa sa point na malala na yung nangyayari sa akin. Nagkataon lang na hindi ko namalayan agad na sumakit yung dibdib ko." Paliwanag naman ni Bunso. Habang nakain na kaming lahat, biglang nag-salita si kuya Bryan at nag-sabing bibisitahin namin si Mama sa probinsya after ng bakunahan si Jay. Total daw ay wala naman pasok nun kinabukasan. Pumayag naman yung dalawa dahil wala naman silang gagawin. Ako naman ay hahabol na lang dahil half-day ako sa Sabado. Agad na nagpaalam si Darren sa handler niya na hindi muna siya tatanggap ng kaht anong mga projects o photoshoots ng tatlong araw lang. Sinabi ni Darren na miss na miss na niya si mama kasi ang balita namin sa kanya ay nakakapagsalita na siya ng paunti-unti pero hindi pa rin siya bumabalik sa dati. Ang sabi ko naman na ang huli naming balita sa kanya ay tumatalab yung iniinom niyang gamot. Pero nakatulala pa rin siya sa malayo. Napabuntong hininga si kuya Bryan at sinabi niya na sana maalala na ni mama ang lahat. Habang Sa School ni Jay Princes POV. Kababalik lang ni Jay sa school at mahaba pa naman ang vacant time namin kaya naglibot-libot muna kami sa campus. Kasama ko sina Ayesha, Jewel, Jampong, Maui Arvi Rebaldo, Elshane Fajaro, tsaka si Lexa at Jay. Galing kami sa canteen kasi sinamahan namin si Ayesha para bumili ng tubig at biscuits. Parang naglilihi nga siya eh sabi ko sa kanya. Pumunta kami sa kabilang building na katapat ng covered court kung saan nandoon yung ICT room. At habang naglalakad kami, may biglang pumasok sa isang room na katabi ng ICT. Parang naglalakad siya ng mabilis na parang may hinahabol na kung ano. Kaya kaming lahat na magkakaklase na puro tsismoso at tsismosa, tinignan namin at dahan-dahan kaming sumilip sa bintana. Medyo madilim yung salamin ng bintana kaya wala kaming masyadong maaninag. Kaya pinakinggan namin ng maiigi ang nagsasalitang tao at na confirm namin na teacher siya at kilala namin yung boses. At habang nagsasalita siya, parang nauutal na hindi mo maintindihan. "Boss, baka pwede naman na bilisan yung pag-deliver nyan? Hindi na ako mapakali dito sa school. Nagiinit na ako dito oh." Doon namin na laman na si Sir Ed pala ang pasikretong malupet. "Ako bahala, Ed, relax ka lang diyan. Baka may makarinig pa sa'tin. Basta antayin mo nalang d'yan sa gate. Hindi mahahalata ng ibang tao ang i-dedeliver. Ite-text ko nalang sayo ang detalye." Hindi namin makilala yung boses ng kausap ni Sir Ed. At akalain namin na nakalimutan ni sir na hinaan yung speaker ng phone niya kaya naririnig namin yung usapan nila. "Oo sige maghihintay na ako sa kubo malapit sa guardhouse. Siya nga pala, nakausap ko si Boy Kalembang, kanina sa chat, ang sabi sa'kin eh, wala na daw silang suplay doon sa Hugutan bloc. Alam mo naman yung mga yun, kapag may walang lagay, parang mga kiti-kiti na hindi mapakali." Sumagot naman ng oo ang kausap ni sir Ed. Sinabi pa ni Sir na wala nang makakaalam sa transaksyon nilang dalawa, bukod samin na matitinik pagdating sa mga nasasagap na balita. "Naku, ate ces! Anong gagawin natin, tapos na mag-usap ang dalawang kumag, umalis na tayo baka maabutan tayo dito ni sir Ed, bilis!" Tama si Aye, baka mabuko kaming lahat. Dahan-dahan kaming umalis papalayo sa room, kaya lang, si Lexa tumulo yung laway at matatawa na dapat si Shane pero pinigilan niya pati si Jay natatawa na rin, mga bungisngis pa naman sila. "Huwag muna kayong tatawa, Shane, Jay. baka mapansin tayo ni Sir." Sabi ko sa kanila. "Hindi ko mapigilan matawa, ito kasing si Lexa, ih. Lumakad na tayo, malapit na tayo sa Students Hub." Pabulong na sinabi ni Shane na nagpipigil ng tawa. At ayun, nasa gilid na kami ng student hub at si Jewel ay pinagpapawisan yung kamay niya pati yung buong mukha niya. Sina Jampong at Maui naman ay tsaka nag-tawanan pagkaupo namin sa bench. "Sorry na guys, kumakain kasi ako kanina ng apple ng marami kaya tumulo laway ko. By the way, malayo-layo na tayo kay Sir, sayang hindi natin na record yung pag-uusap nila." Ay, oo nga. Sayang kung na-bidyuhan. Magiging ebidensya sana yun kapag nagkahulihan na. "Guys, 'wag kayong mag-alala. Dahil naka-ready na ako. Alam niyo ba na bago pa tayo pumunta at nakinig sa usapan nila Sir Ed, nakarecord na yung cp ko. Para sana yun sa myday natin at nakacam pa yun pero ipinalit ko na yung voice recorder kasi alam kong mangyayari yun." Galing naman talaga ni Mau. Halatang-halatang sparrow units ang galawan niya. "Iba ka talaga, Mau, kung baga sa bangus, matinik ka. Siguradong mabubulunan si Sir kapag nalaman niya na alam natin ang tungkol sa kanya." Parang sipsip si Shane. "Ano yung dapat kong malaman sa inyo?" Lagot, si Sir. Sana hindi niya narinig yung pinag-usapan namin "Ah, Sir, w-wala po yun, wala. Hindi naman po importante ih." Palusot ni Jay habang hawak yung cellphone ni Mau na pa-simpleng itinago sa bulsa niya na hindi nahahalata ni Sir Ed. "Eh narinig ko yung pangalan ko ih, ano yung tinatago niyo sa'kin? Baka naman gumagawa kayo ng kalokohan ha? Ire-report ko kayo sa guidance." "Baka kayo ang ma-report." Galing talagang magparinig ni Jampong. "Ano sabi mo?" Naku, patay na kami. "Ang ibig niya hong sabihin, baka po maging maganda ang pagpe-perform namin sa subject niyo po. Pinaghandaan talaga po namin yun ih. Yun yung sabi niya po." Oh di'ba, nakalusot kami kay sir. Buti na lang kasama namin si Aye, at siya ang nagpaliwanag. "Ah yun ba? Akala ko kung ano na ih. Basta sabihin niyo sa iba ninyong mga kaklase na mag-ready na at malapit na ang pinaka-final ninyo this semester ha. O siya mauuna na ako at may aabangan pa ako sa gate." Tinanong ni Jewel kung ano ang aabangan ni Sir Ed. Sumagot si Sir na wala na daw kami dun. Basta asikasuhin na daw namin yung tungkol sa sayaw. Habang papalayo na si Sir, pumunta na agad kami sa room namin para pag-usapan ang pag-manman sa kanya. Delikado sya sa buong Campus. Sabi sa'kin ni Jay na what if i-timbre ko na sa tiyuhin kong pulis yung about kay Sir. Pero sabi ko naman na kailangan pa natin ng matindi at mabigat na ebidensiya na magpapatunay na si Sir Ed ay nag-aadik. Mendez's House (Dinner Time) Dr. Love's POV. Nasa dining room na kami kasama si Lolo pati si Mama. Tinawag ko na rin yung kapatid kong sina Harold at Shaina. Kasama ni Harold ang anak niyang si Yvone. Habang nakain kami, bigla akong tinanong ni Lolo kung kumusta na ako. Kanina kasi habang nasa Conference Room ay nakatulala daw ako kaya naman kinamusta ako ni Lolo Jr. Pati si mama nag alala sa'kin. Baka kung ano na raw ang mangyari sa'kin. Sabi ko naman na okay na ako, may naalala lang ako sa nakaraan ko. "Mabuti okay ka na, nak. Lovino, alam kong masakit pa rin ang nangyari sa mag-iina mo, pero 20 years na ang nakakalipas, kung pu-pwede sana na unti-unti mo nang kalimutan ang sugat ng nakaraan mo nak." Sabi sa'kin ni Mama. "Tama si Mama, kuya Love, kasi hindi maganda na nag-iisip ka ng kung ano-ano. Ilang beses na rin tayo nagpabalik-balik sa lugar kung saan nangyari yung trahedya kay ate at sa mga pamangkin ko." Sabi naman sa'kin ni Shaina. "Tsaka tito, if my auntie and my cousins are still alive, why haven't we seen them yet? Kasi mas madali na natin silang mahahanap kung nabubuhay pa sila di'ba ? But don't give you false hope, Tito." Malumanay na sabi ni Yvone. Sinabi ko sa kanila na, hangga't ako'y nabubuhay hindi ko titigilan ang paghahanap sa kanila kahit pa ang kapalit nito ay mag-resign ako sa pagdo-doktor ko. Nagsabi sa'kin si Lolo Jr. na hindi ko kailangan na mag-resign sa trabaho, ang kailangan ko daw na iasa sa mga authority ang lahat. Pero ang sagot ko ay hindi ko na kayang manatiling nakaasa sa mga pulis. Ang habang panahon na akong naghihintay ng sagot pero wala pa rin silang ibinibigay sa'kin. Pinakalma ako ni Harold at nagsabi siya na, "Kuya, basta nandito lang kami nila Mama at ni Lolo sasamahan ka namin sa laban na ito, makakamit din natin ang hustisya." "Naku, tama na nga muna ang drama, ang pag-usapan muna natin ay ang gaganap sa Biyernes nak, how's going on? Ready na ba kayo. I'm really sure that all of you are excited for your vaccination program." Feeling proud talaga si Mama sa'kin. "Well, Aileen actually we're 100% ready na sa aming gagawing program. Nakahanda na rin ang lahat ng mga vaccines na isasama sa roll-out natin. And if you're available sa Friday, then you can join us." Lolo Jr. said. "Sige po Lo, kapag may free time po kami, we will attend the medical mission." Sabi ng pamangking kong si Yvone. Sumagot naman si Lolo Jr. sa apo niya sa tuhod ng "Sige, apo maghihintay kami doon." Portiz's House (Veranda or Terrace) Bryan's POV. Sinubukan kong tawaganang lola namin sa probinsya na si lola Coring Portiz, nanay ni Mama. Napa-upo ako sa may bench na kahoy. After 15 seconds sinagot na rin ni lola yung phone. Tinanong ko agad ang lagay ni mama. And sabi ni lola, "Okay naman ang Mama niyo. Medyo nako-control na niya ang pag-iyak at pagwawala niya, apo. Kailan nga pala kayo bibisita dito, palagay ko miss na miss na kayo ng mama niyo." "Ah lola, sa Sabado na po ang punta po namin d'yan po. After po ng mabakunahan si Jay sa Biyernes, dideretso na kami dyan, la. Basta luto po kayo ng paborito kong Kalamay ha!" "Sure apo, lahat ng paborito niyong mga pagkain, ihahain ko sainyo pagdating niyo dito." "Sige po la, magiingat po kayo d'yan ha. Pakisabi na lang ho kay mama na malapit na kaming pumunta d'yan at mayayakap na namin siya. Miss na miss na namin siya. Sana magpagaling ka Ma. May awa ang Lord, pagagalingin ka niya sa sakit mo ma." Paluha kong sambit kay lola at mama. "Tama na yan, apo. Pinapaiyak mo naman ako. Siya nga pala apo, pagdating niyo dito may mahalaga akong sasabihin sa inyo tungkol sa inyong nanay." "Ano po yun, La?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD