Hope Villanueva
"I'm on my way mom, don't worry a-attend ako diyan sa sinasabi mong family dinner", sagot ko sa mommy ko na nasa kabilang linya.
She just said ok before cutting the call. Bumuntong hininga ako bago pinaandar ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari ngayon lalo na at mukhang desidido na ang mga parents ko na ipakasal ako sa iba.
It's been ten years pero hindi pa siya bumabalik. My girlfriend. Her name is Janice Flores, sixteen palang siya noong nakilala ko and I am already 18 years old at that time. Isa siyang dancer sa isang club na pinuntahan namin ng mga friends ko before. She's pretty, sexy and good in bed kahit na hindi ako ang nakauna sa kanya. Nag offer ako na pag aralin siya dahil may sariling pera naman ako pero tumanggi siya.
Kaso hindi alam iyon ng parents ko. Mediyo mataas kasi ang standard ni daddy para sa magiging girlfriend ko. Hanggang mag eighteen siya at doon ko siya ipinakilala sa mommy at daddy ko. And as expected they rejected her. Sinabi nilang ginagamit lang niya ako dahil sa perang binibigay ko kay Janice. I didn't listen to them at itinira ko sa condo ko si Janice. Then after a month of living together bigla nalang siyang naglahong parang bula at may ibinigay na sulat ang mga parents ko sakin na galing sa kanya.
She left me dahil mas kailangan niya daw ang pera na ini offer ng mga parents ko sa kanya para makapagbagong buhay. Tinanggap niya ang isang million na ibinigay ni daddy sa kanya kapalit ng pag iwan nito sakin. Nagalit ako hindi kay Janice kundi sa mga magulang ko. Inilayo nila ang babaeng mahal na mahal ko. Then I made a deal to them na kapag bumalik si Janice sa loob ng sampung taon ay hindi na nila ako papakialaman ngunit kapag hindi siya bumalik ay ikakasal nila ako sa iba. At ngayon ang araw na iyon dahil kaka thirty years old lang namin ni Love last week.
I received a text from my mom that Juana is already there. Juana? What kind of name is that? Siguro mukha siyang manang at ganoon nalang ang pangalan niya. I think she’s a nerd na may makapal na eyeglasses at nakabraces pa habang nakabraid ang buhok nito. Tsk!
I slightly shake my head to erase my own thoughts. After twenty minutes of driving, I already arrive at the hotel. The Golden V Hotels that my father started 10 years ago and he transferred it to my name after 3 years of being successful until now.
“Kuya!”, masayang tawag sakin ni Fate our youngest sibling. Kasama pa nito sina Joy at Jolly na kapwa malawak ding nakangiti.
Tinanguan ko lang ang mga ito ng makalapit sila sa akin.
“Kuya! You’re so cold! Why don’t you try to smile kahit once in a while lang!”, Fate pouted before hugging my left arm.
Sabay pang tumawa sina Joy at Jolly. “Fate stop asking kuya Hope impossible things”, sabad naman ni Joy. “Mabuti pang hingin mo diyan kay kuya na ibili ka ng bagong porshe ay maibibigay niya agad”, she added.
“Stop that guys! Baka bugahan tayo ng apoy ni Kuya”, tatawa tawang sabi naman ni Jolly.
“Let’s go”, aya ko sa mga ito bago naglakad papasok ng hotel.
Sumunod naman ang mga ito sa akin. Every employee is greeting us. Fate and Joy are waving and greeting back while Jolly just smiling. Me? Of course, I don’t care about them. Kahit lumuhod pa sila sa harapan ko wala akong pakialam.Binabayaran ko sila sa bawat trabaho na ginagawa nila.
We went to a VIP room, where my mom, dad, and Love are already there.
“You made it son!”, masayang bati sa amin ni dad.
“Of course he will come, bibigyan pa ba niya kayo ng bagong sakit ng ulo?”, sabad naman ni Love bago ako inirapan.
“Love”, babala naman ni mommy dito.
“Okay fine. I’m sorry”, Love answered before drinking her juice.
Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na ako sa katapat na upuan ni Dad.
“Where is she?”, agad na tanong ko sa mga ito.
Gusto ko ng matapos ang gabing ito at ng makauwi na ako para makatulog.
“Excited ka kuya? Hindi pa nga tayo nakakaorder”, si Fate habang naghahanap nang o-orderin sa menu.
“She’s already here iho, nag comfort room lang siya”, nakangiting sagot naman ni Mommy.
Tumango nalang ako bago ibinaling din ang atensiyon sa menu. Wala naman talaga akong pakialam sa ipapakilala nila sa akin dahil for sure susukuan din niya ang ugali ko. May ilang months pa ako para mapasuko ang fiance ko na sinasabi nila bago ang kasal.
Sabay sabay pa kaming napatingin sa may pinto ng biglang bumukas iyon at iniluwa ang isang magandang babae.
“I’m so sorry tumawag pa po kasi si dad”, hinging paumanhin nito ng makapasok na sa loob ng VIP room.
Natigilan naman ako. She looks like an angel! Fair skin, Long curly black hair at sexy. Malambing din ang boses nito na tila hindi marunong magalit.
“It’s ok iha, kararating palang naman nila Hope”, nakangiting sabi naman ni Daddy bago ito ipinaghila ng isang upuan.
“Thank you po”, nakangiting pasalamat pa nito kay daddy.
Mabilis naman akong umiwas ng tingin ng bigla itong tumingin sa akin.
“By the way iha, this is my eldest son Hope Villanueva. Anak siya si Queen Juana Elliza Honasan Menecio the only daughter of Senator Ellizalde Menecio and your fiance”, magiliw na pakilala naman ni mommy sa amin.
“Hi! Nice to finally meet you”, nakangiting sabi nito bago naglahad ng isang kamay.
Nakatitig lang ako sa isang kamay nitong nakalahad. Bakit parang ang fragile niya? Wala sana akong balak tanggapin iyon ng marinig kong tumikhim si Daddy. Tinanggap ko iyon at tila nakuryente ako ng maglapat ang mga palad namin.
"Same here", simpleng sagot ko at mabilis na binitawan ang kamay nito.
"Ate! Let's go to the beach some other time ha? The last time kasi hindi ako nakapag enjoy", biglang singit ni Fate at kay Elliza nakatingin.
"Yah sure. Kapag may free time ulit ako. Sobrang busy kasi sa hospital ngayon", Elliza answered with her smile.
"Ay ate! Next month naka leave kami ni Jolly set natin!", masayang sabi naman ni Joy.
"No! Huwag next month! May fashion show ako sa Japan noon!", nakasimangot na kontra naman ni Love.
Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanila. "You knew each other?", hindi ko napigilang tanong ko sa mga ito.
They talked like they are really close. Nabaling ang atensiyon ng lahat sa akin.
"Ate Elliza is Tito Finn, niece. Nakakasama namin siya sa mga events and parties", sagot naman ni Jolly.
"Lagi ka kasing nakakulong sa lungga mo kaya wala kang kilala", sermon naman ni Love sakin na ipinagkibit balikat ko lang.
"And we always hanging out kaya kilala na namin siya kuya", nakangiting sagot naman ni Fate.
"By the way is it ok ba na next week na natin gawin ang engagement party niyong dalawa?", tanong naman ni Mommy.
"It's fine with me", sagot ko bago tinignan si Elliza na nakatingin din pala sa akin.
Lihim na napamura naman ako ng kagatin nito ang ibabang labi niya. Bakit ba ang sexy niyang tignan?!
"I'm so sorry tita", sagot nito. "Puwedi po bang i move niyo po sa katapusan? I have a lot of surgeries po kasi na nakaschedule for this week and next week", paliwanag naman nito kay mommy.
Tumango tango lang si mommy bago nito binalingan si daddy. Nakatingin naman ako kay Elliza.
"You're a doctor?", tanong ko.
Ngumiti naman ito bago tumango. "General surgeon sa isang public hospital ako nagwowork", dagdag pa nito.
Napakunot noo naman ako. "Why?", tanong ko.
"What do you mean why?", takang tanong nito.
"Why are you working in a public hospital? Anak ka ng isang Senador right? You can open up your own clinic or even a hospital", sagot ko.
"Mas gusto kong nakakatulong sa mga mahihirap. Hindi porket senador ang daddy ko ay aabusuhin ko na iyon. Mas gusto kong magtrabaho sa public hospital kaysa magtayo ng sariling clinic na mayayaman lang ang makaka afford. Mas gugustuhin ko pang mabawasan ang sahod ko para makatulong sa mahihirap kaysa kumita ng malaki", sagot nito.
Nakangiti siya pero alam kong na offend ito sa sinabi ko. Well, I don't really care mas gusto kong umatras ito sa kasal kaysa pumayag siya. Umaasa pa din akong babalik si Janice.
Tumango nalang ako. Tumikhim naman si daddy na tila naramdaman ang tensiyon at nag aya nalang kumain. Pinagmamasdan ko siya habang kausap nito ang pamilya ko. Paano kaya kung una ko siyang nakilala kaysa kay Janice? Nasaktan din kaya ako tulad ngayon? Maiiwanan din ba ako? O ilalayo din ba siya ng mga parents ko kung sakaling hindi siya anak ng isang senador?