Chapter 2

1340 Words
Queen Juana Elliza Menecio "Thank you for tonight iha. Kapag may free time ka pumunta ka sa bahay for dinner ha?", nakangiting sabi ni tita Blaire sakin at hinawakan pa nito ang isang kamay ko. I smile at her bago tumango. She's so sweet and I like her. Hindi katulad ng anak niyang saksakan ng sungit! I glance at Hope na tila walang pakialam sa nangyayari.  "Wait ate, where is your car?", biglang tanong naman ni Fate sa akin ng mapansin sigurong wala ang sasakyan ko. "Nag taxi lang ako papunta dito. Coding ng sasakyan ko", nakangiting sagot ko. "If you want ihatid kana namin ate. Malapit lang naman ang condo mo sa office namin ni Joy", nakangiting offer naman ni Jolly sakin. "Oo nga iha, nang makasigurado kaming ligtas kang makakauwi", sabad naman ni tito Adrian. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. Ang hirap talaga nilang tanggihan. Napatingin naman ako kay Hope ng bigla itong mag tsk. Seryoso nanaman ang aura nito plus nakakunot nanaman ang noo. But I find it cute tho. Still, I hate his guts lalo na kanina. Nakaka offend. "Ako na ang maghahatid sa kanya", seryosong sabad pa nito bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at binigyan ako ng walang emosiyong tingin. Pasimpleng bumuntong hininga muna ako bago binalingan ang pamilya nito. "Sige po tito at tita mauna na po kami", nakangiting paalam ko sa mga ito bago binalingan ang mga kapatid nito. "Let's talk nalang sa group chat about the outing ok?" "Sige", sagot naman ni Love bago nakipagbeso beso sakin. "Chat mo ako kapag nakarating kana sa condo mo okay?", nakangiting dagdag pa nito. Ngumiti naman ako bago ito tinanguan. "Let's go baka maabutan pa tayo ng traffic", dinig kong sabi ni Hope. Mabilis naman akong pumasok sa passenger seat ng sasakyan nito. "Kuya behave ok?", dinig kong bilin pa ni Love sa kakambal. Hope just tsk before closing the door. Napakunot noo lang ako habang tinitignan si Hope. Why would Love told him to behave?  "Put your seatbelt", seryosong sabi nito ng makasakay na din sa sasakyan nito. Inirapan ko lang ito bago nag seat belt. Pinaandar na din nito ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho. "Are you always like that?", hindi ko napigilang tanong ko dito. He glanced at me with his curious look. "Like what?" "You're cold and emotionless. And you're always frowning. Hindi ka ba marunong ngumiti?", I curiously asked. "I stop smiling 10 years ago", he answered. Kunot noong napatingin naman ako dito. "Why?", I asked. Sinulyapan naman niya ako bago sumagot. "Ok lang ba sa'yo na ikasal ka sa isang estranghero?", tanong nito at hindi pinansin ang tanong ko. Umayos naman ako ng upo. "It's fine with me kung iyon naman ang makakapagpasaya kay daddy. He's been raising me since I'm just 5 years old. Hindi na siya nag asawa mula noong mamatay si mommy from an accident kahit na pupuwedi naman. Itinuon niya ang lahat ng atensiyon niya sa akin. He spoiled me and gave me everything I need. Kahit ganitong paraan lang ay masuklian ko ang lahat ng binigay niya", sagot ko. "Kahit na hindi mo lubusang kilala iyong lalaki? Kahit na hindi mo mahal?", tanong ulit nito habang nasa kalsada ang atensiyon. "Naniniwala ka sa Love?", hindi makapaniwalang tanong ko. "Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko na mapilit ang sarili kong ngumiti", simpleng sagot nito. Kunot noong napabaling naman ako dito. "You mean to say? Na in love kana before kaya naging bitter ka ngayon?" Hindi ito sumagot. Naramdaman ko din ang biglang pagkabig nito sa manibela kaya napatingin ako sa labas ng sasakyan. Binigyan ko pa ito ng nagtatakang tingin ng nasa isang basement kami na hindi familiar sa akin. "Where are we? Akala ko ba ihahatid mo ako sa condo ko?" Hindi ito sumagot bagkus ay lumabas ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. "We will talk", sagot nito ng makababa ako. "Follow me", utos pa nito bago mabilis na naglakad papunta sa isang elevator. Mabilis naman akong sumunod dito. Halos magkasabay lang kaming sumakay sa elevator.  Pinindot nito ang top floor. "Nasaan ba tayo?", I asked him while waiting for the elevator to stop. Bakit ba ang tagal bumukas? "Sa condo ko, you will stay here", sagot nito at ni hindi man lang ako sinulyapan. "What?! Why?! Bakit ako dito matutulog?", gulat na tanong ko. Bumukas naman ang elevator at mabilis itong lumabas. Sumunod naman ako dito at pinigilan ito sa isang braso. "Answer me!", gigil na utos ko dito. "Sa loob tayo mag usap", he answered coldly bago isi-wipe sa may pintuan ang isang gold card nito. Bumukas naman ang pinto. Pumasok naman kami doon at namangha ako sa laki ng condo niya. Puwedi na dito ang pito hanggang sampung tao! Pabagsak itong umupo sa sofa at itinaas ang dalawang paa sa may mini table. "Now what?", pag tataray ko dito. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naasar sa pagiging bossy nito. Mahaba naman ang pasensiya ko pero pagdating sa kanya ang bilis maubos. "You want to please your dad right?", simula nito. "Kaya nga ako pumayag ma-ikasal sayo hindi ba? To please my dad", sagot ko. "Paano kung hindi ako pumayag?", he asked with his serious aura and tone. Napakunot noo naman ako habang nakatingin dito. "So? Marami namang puweding gawing groom ko", irap ko dito. "Bullshit!", biglang sigaw nito at bigla pa siyang tumayo. Napaatras pa ako dahil sa gulat. "Ano bang problema mo?! Kung ayaw mong magpakasal sakin eh di umatras ka" "That's the problem", sagot nito. "I don't want to disappoint my parents' kaya ikaw nalang ang umatras" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ayoko din ma disappoint si dad sakin. This is his first request to me kaya hinding hindi ko siya matatanggihan" "Then let's make a deal", wika nito bago dahan dahang lumapit sa akin. Tinitigan ko naman siya at hindi nagpatinag sa seryosong titig nito. "What kind of deal?" "We will live together. Tignan natin kung sino ang unang susuko sa ating dalawa. Kung sino ang unang sumuko sa ugali ng isa't isa siya ang aatras sa kasal. At sisiguraduhin kong ikaw ang susuko sa ating dalawa", wika nito at hinaplos pa ang isang pisnge ko. Napaatras naman ako dahil tila may kuryente ang mga kamay nito tulad kaninang nagshake hands kami. "What if I say no?", tanong ko. Pinilit kong patatagin ang sarili ko. Ayokong matalo sa lalaking ito! "It's your choice", sagot nito bago tumalikod. "Pero sisiguraduhin kong mababad shot ka sa daddy mo", banta pa nito. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa sobrang inis. "Ang sama mo!", gigil na sabi ko dito. Seryosong lumingon naman ito sakin.Wala pa ring emosiyon ang mga mata niya. "I know Elliza. I became a monster 10 years ago", sagot pa nito bago naglakad papanhik sa hagdan. "You can leave now, alam mo naman kung saan mo ako pupuntahan kapag nagbago na ang isip mo" Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala. "That jerk! Pagkatapos niya akong dalhin dito papauwiin niya akong mag isa!", inis na bulong ko sa sarili ko bago mabilis na lumabas sa condo niya. Nang makalabas ako at makarating sa gilid ng kalsada ay mabilis akong pumara ng taxi. Itinext ko kay Love ang plate number ng taxi na sinakyan ko. After siguro ng ilang segundo ay tumawag ito. "Akala ko ba hinatid ka ni kuya?", hindi makapaniwalang tanong nito. "Your brother is a jerk! Pagkatapos niya akong dalhin sa condo niya pinauwi niya akong mag isa!", inis na sumbong ko dito. Love is my closest friend. Naging magkaklase kasi kami sa ilang subjects noong college kami kaya siya ang pinaka close ko. "Ang lalaking iyon! Don't worry sesermunan ko siya. Text mo ako kapag nakauwi kana ok?", bilin pa nito. "Sige. Malapit lang naman dito ang condo ko. I'll just text you", sagot ko. "Sige, mag ingat ka ha? Tawagan mo ako agad kapag may hindi magandang nangyari. Picturan mo din iyong driver at i-sent mo sakin para sigurado", mahabang bilin pa nito. Mahinang natawa naman ako dito. She's overprotective talaga. Siya iyong kapatid na gustong gusto kong magkaroon pero hindi naibigay sa akin. I just answer her okay before ending the call. Sumunod pa din ako sa iniutos nito sakin dahil bubungangaan nanaman niya ako. Tumingin nalang ako sa labas ng taxi. What will I do now? Mukhang seryoso si Hope sa sinabi nito. Papayag na ba ako?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD