Queen Juana Elliza Menecio
"Dra, may naghihintay po sa inyo sa may nurse station", salubong sa'kin ng isang nurse after ng rounds ko.
Napakunot noo naman ako lalo na ng makita kong tila nagkakagulo sa may nurse station. "Sino?", takang tanong ko pagkaabot ng mga papers ng mga pasyente ko.
"Ang guwapo Dra! Fiance niyo daw!", tila kinikilig pang sagot ng nurse.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng tumayo ang isang guwapong lalaki ng makita ako. Si Hope! Seryoso ito habang naglalakad palapit sa akin. Wala itong pakialam sa mga matang nakatitig dito. Tila tumigil pa ang mga paggalaw ng ibang tao dahil sa titig nito sa akin.
Napakagat labi ako. Bakit ba ang hot niya?
"Tapos ka na ba? Let's eat outside", seryosong tanong nito pagkalapit sakin.
Napatulala lang ako dito. What the hell is he doing here? Isang linggo na nga akong umiiwas sa kanya dahil doon sa ini offer niya sa akin tapos ngayon nandito siya sa harapan ko at dito pa mismo sa hospital na pinagtatrabauhan ko!
"Dra! Date daw kayo!", tinusok pa ng nurse ang tagiliran ko na kilig na kilig sa nakikita.
Pilit naman akong ngumiti. "Ikaw talaga Dina, sige na iready muna mga gamot ng mga patients natin. Inform mo nalang ako ulit bukas", bilin ko dito.
"Sige Dra! Enjoy your date!", nanunuksong sabi pa nito bago tuluyang umalis.
"Why are they treating you like your just one of them? I mean, parang hindi ka doctor kung kausapin ka nila", puna nito.
I just roll my eyes. "You and you're high and mighty attitude. Hindi mo ako katulad na laging pinangangalandakan na ikaw ang hari", irap ko dito. "Ano bang ginagawa mo dito? At paano mo nalaman kung saan hospital ako nagtatrabaho?"
"Sa daddy mo"
"What?!"
Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa reaction ko. "Nagdinner kami last night. I told him na gusto kitang ligawan para mas makilala natin ang isa't isa at mula noong sinabi ko iyon sa'yo iniwasan muna ako. I also told him na I want to live with you para magkaroon tayo ng time sa isa't isa and to know more about each other tutal ikakasal naman na tayo pero we will not sleep in the same bed", seryosong sagot naman nito.
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Mabilis kong hinawakan ang isang kamay nito at hinila sa office ko. Hindi ko na rin pinansin ang mga nurses na nanunukso sa amin.
"What the hell?! Ano bang pinagsasasabi mo?!", gigil na tanong ko dito.
Gusto kong magmura!
"Akala ko hindi ka marunong magalit", sagot lang nito bago iginala ang paningin sa loob ng office ko.
Ikinuyom ko naman ang mga kamao ko dahil sa inis. "Kahit sino magagalit sa ginagawa mo?! Bakit mo ba kinausap si daddy?! Huwag mo nga siyang idamay sa kalokohan mo!"
Tinignan naman niya ako. "Too late sweetheart he already agreed to me. Sinabi niyang ako ng bahala sa'yo. Actually nasa condo ko na ang mga gamit mo", he said calmly na tila wala lang dito ang nangyayari.
"Bakit mo ba ginagawa ito?!"
"Para umatras ka sa kasal", agad na sagot nito.
Tumalim naman ang tingin ko dito. "So lahat ng ito para ako ang umatras sa kasal?"
Nagkibit balikat lang ito bago walang paalam na umupo sa swivel chair ko.
"I did that para pumayag ka sa ini offer kong deal sayo. Kung ayaw mong umatras sa kasal gumawa ka ng paraan para mapaatras ako", seryosong sabi nito.
Nakipagtitigan naman ako dito. Bakit ba sobrang lungkot ng mga mata niya? Never pa ba siyang ngumiti mula ng mabroken hearted siya.
"Bakit ba ayaw mong maikasal sa'kin? Mahal mo pa ba ang ex-girlfriend mo?", tanong ko.
Dumilim naman ang anyo nito tila may naalalang mapait na nakaraan.
"She's not my ex, she's still my girlfriend. Never kaming nag break. Iniwan niya ako dahil sa mga parents ko kaya hinihintay ko siyang bumalik. I made a deal to my parents na kapag hindi siya bumalik sa akin sa loob ng sampung taon ay papayag akong maikasal sa babaeng pipiliin nila at ikaw nga iyon. Nadisappoint ko na sila dati kaya ayoko ko nang maulit iyon. I will do everything para ma please ko sila para pagbalik ni Janice ay hindi na sila makatanggi pa"
Nakatitig lang ako dito. So inlove pa talaga siya doon sa Janice na iyon? Tapos ako ang pagmumukhain niyang walang kuwentang anak para lang sa sarili niya? Ano siya sinuswerte?!
"Fine! I will live with you. Hinding hindi rin ako susuko, ayoko ring madis appoint si dad sa'kin. I will do everything para ikaw ang umatras sa kasal or para matuloy ang ating kasal", sagot ko.
"You still want to be my wife?", kunot noong tanong nito.
Nagkibit balikat lang ako bago tinanggal ang doctor robe ko bago ito tinignan. "Gusto ko lang matuloy ang kasal para sa dad ko at mga parents mo. Hindi ibig sabihin na gusto kong maikasal sa iyo dahil type kita. Huwag kang assumero", irap ko dito.
"And I will do everything para umatras ka", seryosong sabi nito. "Let's go, sa labas na tayo kumain", aya pa nito bago naunang lumabas ng opisina ko.
Naiiling na dinampot ko naman ang bag ko bago sumunod dito. Guwapo pa naman sana siya kaso ubod naman ng sama ng ugali. Lalo kong napatunayan na masama sng ugali nito ng makita ko siyang palabas na nang pinto ng hospital.
"Rude na nga un gentleman pa", inis na bulong ko bago naglakad palabas ng hospital.
Napatigil pa ako ng makita si Doctor Dae-Jung Gonzales sa labas. "Hey Doctora tapos na ang rounds mo?", nakangiting tanong nito sakin pagkalapit.
Nginitian ko naman ito. Guwapo ito, chinito at maputi. Half chinese kasi siya. Thirty-one na ito at matanda ng tatlong taon sakin. Nanligaw ito sa akin before pero binasted ko kasi nga ayaw ni daddy sa kanya dahil may history ng corruption ang ama nitong dating mayor ng kanilang lugar. But we're still friends at okay lang iyon kay daddy basta huwag lang lumampas sa pagiging magkaibigan.
"Yup! Actually mag la-lunch na ako. Ikaw ba? May mga patients ka pa?", nakangiting sagot ko dito.
"Oo, hanggang mamaya pa akong 3 pm dito, kaya nagpadeliver nalang ako ng pagkain ko. Actually hinihintay ko nga ngayon", nakangiting sagot nito.
Tumango tango naman ako. Sabay pa kaming napalingon ng biglang may bumusina sa may gilid namin. It was a red Ferrari.
"Whoa! What a nice car!", humahangang bulalas pa ni Dae-Jung.
Bumukas pa ang pinto ng passenger seat. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ang seryosong mukha ni Hope na nasa driver's seat.
"Get in", walang emosiyong aya nito sakin.
Nagtatakang napatingin naman sakin si Dae-Jung. "You know him?", kunot noong tanong nito.
Alanganing tumango naman ako. "Sige, see you tomorrow Doc", paalam ko dito bago mabilis na sumakay sa sasakyan ni Hope. Mabilis pa nitong pinaandar ang sasakyan ng maisara ang pinto.
Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, wala naman din akong balak kausapin siya. Bahala siyang matuyuan ng laway.
"Who was that?", dinig kong tanong nito.
Napatingin naman ako dito pero nasa daan pa din ang atensiyon nito habang seryosong nagmamaneho.
"Sino? Si Dae-Jung?", balik na tanong ko.
"Dae-Jung ha? Is he your suitor or boyfriend?"
"Why do you care?", inis na irap ko dito.
Nakita ko namang sinulyapan naman niya ako. "Ayoko lang na matsismis na iniiputan ako sa ulo ng future wife ko. I don't like that. Baka isipin pa ng mga tao na may mali sa akin kaya nagloko ang fiance ko", seryosong sagot nito.
"Tsk! Hindi ako ganoon no? Dae-Jung is just my friend. Yes, he courted me pero I said no because dad doesn't like him and he's not my type but we're still friends", sagot ko.
Bakit ba kailangan kong mag explained?
"Good, because I don't like it when my fiance is a cheater"
"Kaya pala iniwan ka ng girlfriend mo para sa pera", bulong ko.
"You saying something?", baling nito sakin.
"Ha?! Wala! Sabi ko saan ba tayo pupunta?", mabilis na sagot ko. Mahirap na baka ibaba niya nalang ako basta nasa high way pa naman kami!
"Sa opisina ko", simpleng sagot nito bago nagmenor.
Kahit nagtataka ako ay hindi ako nakapagtanong ng makita ang malaking building ng Golden V Hotel. He is still young pero sobrang successful na niya. Ako nga Doctor na pero hindi pa rin makabili ng mamahaling sasakyan. Tiyaka bakit ba dito niya ako dinala sa opisina niya? Akala ko ba maglalunch kami sa labas? Gutom na pa naman ako.