Chapter 4

1431 Words
Queen Juana Elliza MenecioWala kaming imikan hanggang makarating kami sa Golden V Hotel na pag aari niya. Napasimangot pa ako ng mabilis itong bumaba ng sasakyan at ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. “Ang sama talaga ng ugali!”, inis na bulong ko sa sarili ko habang mabilis na naglalakad pahabol ditto. Hindi pa nakaligtas sa paningin ko kung paano nataranta ang mga empleyado nito pagkakita sa kanya. Na curious din sila ng Makita nila akong nakasunod kay Hope. Dumiretso kami sa isang elevator na private lang para sa kanya dahil na rin sa nakaukit na sign na nasa itaas na parte ng elevator. Mabilis akong sumunod ditto papasok ng elevator ng bumukas ang pinto. “I thought we will eat lunch? So, why are here?”, tanong ko ng magsimula ng gumalaw ang elevator pataas. “I have a lot of papers that I need to sign. Kaya dito nalang tayo maglunch. I already inform my secretary”, sagot nito at ni hindi man lang ako sinulyapan. “Why?”, I curiously ask. Kunot noong tinignan naman niya ako. “I mean, bakit kailangan nating mag lunch ng sabay? Tungkol ba ito sa pagli live in kuno natin?” “Let’s talk about it after we eat our lunch”, seryosong sagot nito bago lumabas ng elevator pagkabukas ng pinto. “Konting konti nalang talaga matitiris na talaga kita!”, gigil na sabi ko bago sumunod dito. “S-sir! Nakaready na po ang lunch niyo!”, tarantang sabi pa ng isang may kapayatan na babae na mabilis pang sumalubong sa amin. Hindi naman ito pinansin ni Hope at dire diretso lang sa isang kuwarto. “Ang sama talaga ng ugali”, gigil na sabi ko bago binalingan ang secretary siguro nito na nagtatakang nakatingin sa akin. “Alam mo kapag nagsawa ka na diyan sa boss tawagan mo lang ako bibigyan kita ng magandang trabaho”, nakangiting sabi ko dito bago inilagay sa kamay nito ang calling card ko. “Balak mo pa akong agawan ng secretary”, napatingin pa ako sa pinto kung saan pumasok si Hope kanina. Naka tupi na ang polo shirt nito habang nakasandal sa hamba ng pinto. “Gusto ko lang siyang bigyan ng mas magandang environment!”, agad na sagot ko bago naglakad palapit dito. “Kaya ko ring tapatan ang pinapasahod mo!”, irap ko bago tuluyang pumasok sa opisna nito. “Vanessa is my secretary for almost 2 years kaya sanay na siya sa ugali ko”, dinig kong sagot nito bago isinara ang pinto. Mabilis naman akong kumuha ng isang plato at nilagyan ko iyon ng lahat ng klase ng pagkain na nasa table. Carbonara, Pizza at  fried chicken. “Mauubos mo ba iyan?”, tila hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Hope ng makita ang laman ng plato na hawak ko bago ito umupo sa may katapat na upuan ko. “Hindi”, sagot ko bago tumayo. “Sa secretary mo ito mukhang hindi pa siya nag la lunch dahil sa mga tambak na mga papeles sa table niya. Ingatan mo naman ang mga empleyado mo hindi tatakbo ng maayos ang kumpanya mo kung wala sila”, sermon ko ditto bago ako naglakad papunta ng pinto. Narinig ko lang siya humugot ng malalim na hininga na tila nagtitimpi lang. Ngunit ipinagkibit balikat ko lang iyo at pumunta sa table ni Vanessa. “Hi! Here, maglunch ka muna. Mukhang marami rami pa iyang mga papeles na tatapusin mo ha”, nakangiting  sabi ko dito. “Ho?”, tila hindi makapaniwalang sabi pa ni Vanessa sa akin. “Just accept it, Vanessa, she won’t stop bugging you” Sabay pa kaming napalingon ng magsalita sa may pinto si Hope na seryoso pa rin ang aura. Mabilis naman kinuha ng secretary nito ang plato at nagpasalamat sa akin. “Eat well!”, nakangiting sabi ko bago bumalik sa loob ng opisina ni Mister sungit.  “Why do you even care for her? You barely know her”, seryosong sabi pa nito ng makaupo na kami. “My dad told me na lahat ng empleyado ay pinapahalagahan kahit sa pinakamababang posisiyon dahil sila ang mga sobrang nahihirapan pero sila ang malaki ang naiaambag sa kumpanya”, sagot ko bago kumuha ng pagkain ko. Gutom na talaga ako. “I’m paying them kaya bakit ako magmamalasakit?” Binigyan ko ito ng masamang tingin. Nakasandal pa ito sa upuan niya at naka cross arms na tila hindi papaya sa mga sinasabi ko. “Wala ka talagang puso! Sana lang talaga hindi ka makarma sa mga ginagawa mo”, irap ko ditto bago itinuon ang atensiyon ko sa pagkain. Hindi naman ito nagsalita pero nakita kong kumuha na rin ito ng pagkain niya. Wala kaming imikan habang kumakain. Ayoko munang I open up iyong sinabi niya sa akin sa hospital dahil ayokong mawalan ng gana. Gutom na gutom na pa naman ako.   After siguro ng mga thirty minutes ay natapos na kami at nakapagpahinga. Tumayo naman ako para iligpit ang mga pinagkainan namin ngunit pinigilan niya ako. “What are you doing?”, kunot noong tanong pa nito sa akin. “Nagliligpit”, simpleng sagot ko bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. “Alangan namang iasa mo nanaman sa secretary mo pati pagliligpit ng mga pinagkainan natin? Hindi kasama sa trabaho niya iyon” “I am paying her extra for this”, sagot naman nito bago tumayo at kumuha ng alcohol. “You always bragging about your money. Oo mayaman ka pero iyong malasakit sa kapwa ay hindi iyon matutumbasan ng pera. Akala mo naman madadala mo ang mga pera mo sa libingan”, sagot ko dito bago itinapon sa may basurahan ang mga box at mga plastic na pinaglagyan ng mga pagkain naming. Dinala ko rin ang mga pinagkainan naming sa mini kitchen nito at sinimulan ng hugasan. “Akala mo naman mababayaran niya lahat”, bulong ko sa sarili ko habang sinasabunan ang mga pinagkainan naming nga plato, kubyertos at mga baso. “Why are you acting like that? I mean you act as if you are not a doctor. Why are you concern?”, dinig kong tanong ni Hope. Hindi ko na ito nilingon at for sure seryoso nanaman ang hitsura niya. “Kasi may puso ako”, sagot ko. “Ikaw kasi may puso nga itim naman ang kulay”, dagdag na bulong ko pa sa sarili ko. “Tsk!”, he said bago ko narinig ang mga hakbang nito palapit sa akin. Natapos ko na rin ang mga hinuhugasan ko at nilingon ito. Bahagya pa akong napaatras ng sobrang lapit pala nito sa akin. “Wh-what are you doing?”, tingala ko dito. Inilagay pa nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ko na tila ikinulong ako sa posisiyon naming. Nakatitig rin ito sa mga mata ko na parang kulang ay mabasa niya ang mga iniisip ko. “I don’t know if you are just doing this to annoy me para umatras ako sa kasal natin. Don’t worry Elliza hinding hindi mo ako mapapaatras dahil lang diyan sa pagiging mabait mo. At sisiguraduhin kong ikaw ang aatras sa ating dalawa”, seryosong sabi nito. Marahas na tinulak ko naman ito. “So, you think na mapapaatras mo rin ako dahil sa kasamaan ng ugali mo?”, natatawang sabi ko bago ako nag cross arms. “Kahit pahirapan mo pa ako sa paglilive in kuno natin ay hinding hindi ako aatras! Itaga mo iyan sa bato!” “Ok. Let’s see”, sagot nito bago naglakad paalis doon. Itinaas ko naman ang kamao ko. “Bring it on! Mr. Frown King!”, hamon ko pa dito. Akala naman niya magpapatalo ako!       ***** Hope Villanueva “Hoy! Bakit ganoon ang binibigay mong kuwarto sa akin? Bakit mukhang stock room?”, Elliza ask me while frowning. After naming maglunch at makapag pahinga ay dito kami sa condo ko dumiretso. Actually I have clean spare rooms but I want her to suffer para umatras na siya sa kalokohan na ito. I gave her the room na puro mga lumang gamit. I usually put all my old stuffs there so she still need to clean it bago niya magamit. Itinaas ko naman ang dalawang paa ko sa mini table bago sumandal sa sofa. “Makikitira ka di ba? So linisin mo bago mo magamit. Puwedi mong ilipat sa katapat na kuwarto ang mga gamit doon. Simulan mo na at baka hindi ka agad matapos sa sofa ka matulog tonight”, sagot ko dito. Nakita ko pang kumuyom ang mga kamao nito. Namula rin ang mukha nito dahil sa inis. “So, ganito pala ang balak mo kaya kinuha mo agad sa bahay namin ang mga gamit ko? Sa tingin mo susuko ako dahil lang sa paglilinis ng isang kuwarto? In your dreams!”, pabulyaw na sagot nito bago umakyat ulit sa second floor. I just shrug my shoulders bago dinampot ang basong may lamang whiskey. Sana lang sumuko siya sa kasal para magkaroon pa ako ng oras sa paghihintay sa pagbabalik ni Janice. “Bakit kasi hindi ka mahanap ng mga private investigator na hinire ko?”, pabulong na sabi ko sa sarili ko bago ako sumandal ulit sa sofa at pumikit. Sana lang makabalik siya bago ako maikasal sa iba. At sana mapasuko ko si Elliza para siya na mismo ang umatras sa kasal naming.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD