Chapter 11

1221 Words
Di nagtagal ay sumapit din ang gabi "Klir, gabi na" sabi ni Braxin "Alam ko" "Alam ko din" sabi ni Braxin "Pinagloloko mo na naman ba ako?" "Wala ka bang planong maglakad lakad sa labas?" sabi ni Braxin "Ha? Ano naman nasa isip mo? Bat ako maglalakad sa labas eh alam mo ngang delikado sa mga babae ang lumabas" sagot ni Kliere "Kaya ka nga lalabas kasi delikado" "Ha? Alam mo ang gulo ng utak mo, gusto mo ba akong ipahamak?" "Parang ganun na nga pero sa ligtas na paraan" sabi ni Braxin "Alam mo Braxin talagang naiinis na talaga ako sayo, totoong naiinis na ako sayo hmph" "Pakinggan mo muna kase sasabihin ko sayo" "Okey, nakikinig ako, siguradohin mo lang na maayos yang sasabihin mo kung hindi sisipain na talaga kita" "Ano ka ba" sabi ni Braxin "Ganto ang plano, lalabas tayo tapos huhubarin mo ang iyong sombrero tapos maglalakad tayo sa labas tapos pag may nakakita sa atin na bantay hayaan mo lang siyang makalapit tas pag lumapit na siya tsaka tayo gagawa ng aksyon upang siya ay bugbugin para makakuha tayo ng impormasyon" sabi ni Braxin "Sabihin mo kasi ng maayos ng hindi uminit ulo ko sayo, okey napakaganda ng iyong idea" "Sabi ko sayo eh, planado ko na ang lahat" proud Braxin "Ayos mukhang matino ka ata ngayon, ikaw ba yan Braxin baka sinapian ka lang ng espiritu ng katalinohan. Oh espiritu ng katalinohan parang awa mo na po, wag kang aalis sa katawan ni Braxin lubos po akong nagmamakaawa" sabi ni Kliere "Kinikwestiyon mo ba ang katalinohan ko chopipot? Sa pagkakaalam ko kasi nung tinanong ko sarili ko kung matalino ba ako wala akong mahanap na sagot alam mo ba kung bakit? Kasi nga matalino ako" sabi ni Braxin "Ha? Ano bang kabubuhan yan? Bat wala ata akong maintindihan" sabi ni Kliere "Alam mo klir tama ka, wala din akong maintindihan hahahaha" tawang sabi ni Braxin "By the way hindi mo talaga maiintindihan kasi nga hindi kapa talaga matalino, hintayin mo lang yung araw na tatalino ka klir maiintindihan mo rin ang ibig kung sabihin" sabi ni Braxin "Alam mo lumiliit utak ko sayo pag naririnig kung sinasabi mo sakin yung salitang katalinuhan eh" sabi ni Kliere "Klir tayo na" sabi ni Braxin Tinanggal ni Kliere ang kanyang sombrero sa ulo pero dala parin niya ito sa kanyang likoran at lumabas na nga sila ng bahay "Manong aalis na po muna kami, mangongolekta po ng impormasyon" sabi Braxin "Hala sige, mag ingat kayo" sabi ng lalake At nagpatuloy na nga sa paglalakad itong dalawa, nakita sila ng ibang mga tao at pinagsabihan sila na wag lumabas ng bahay pay may kasamang babae pero patuloy parin sa paglalakad ang dalawa ng may biglang humarang sa kanila na isang binatang lalake "Sundan nyo ako" sabi ng binatang lalake Sumunod lang din ang dalawa sa binatang lalake at dinala sila sa isang bahay na walang tao "Teka lang lilinisin ko lang ang mga kalat" sabi ng binatang lalake "Ah, wag na, aalis din naman kami kaagad eh" sabi ni Kliere "Aalis? Di nyo ba alam na sobrang delikado sa labas lalo na at sobrang ganda mo pa naman" sabi ng lalake "Dito lang kayo, wag kayo aalis, alam kong baguhan lang kayo dito kaya di niyo alam ang mga pangyayari sa lugar na to" dagdag pa ng lalake "Pero alam na kasi namin ang mga pangyayari dito kaya" sabi ni Kliere "Oh alam nyo na pala eh, gusto mo bang magaya sa ibang mga babae?" Sabi ng lalake "Hindi naman sa ganun, sinadya talaga namin na lumabas kase kasama to sa plano namin" sabi ni Kliere "Anong plano?" Tanong ng lalake "Braxin sabihin mo nga sa kanya ang plano natin" sabi ni Kliere "Ahemm... Ganto kase ang plano namin, itong babaeng to ang pain namin para makahuli ng bantay upang kuhanan ng impormasyon tungkol sa anong nangyari sa mga babae na nadakip at kung paano namin mapapasok ang palasyo" paliwanag ni Braxin "Ah, ganun pala? Pero, wala din namang silbi kung makakahuli kayo ng bantay" sabi ng lalake "Ha? Bakit naman?" Sabi ni Braxin "Ganto kase, ginagawa ko na rin kasi yan dati may hinuli akong isang bantay pagkatapos kahit anong gawin ko sa kanya wala parin siyang sinasabi tungkol sa kaharian kaya pinatay ko nalang ito at nakahuli ulit ako ng isa tas kahit pinahirapan ko pa ito ng pinahirapan ayaw pa ring magsabi ng kahit maliit na impormasyon lang kaya pinatay ko ulit pagkatapos nun kinabukasan nabalitaan ng hari ang pangyayari at pinaslang ang sampung inosenteng tao sa Kahariang ito ng walang awa kapalit sa pagkamatay ng dalawang bantay" kwento ng lalake "Kung ganun wala pala tayong mapapala kahit na anong gawin natin sa mga bantay pero kapalit ay buhay ng mga inosente?" tanong ni Braxin "Ganun na nga" sagot ng lalake "Siya nga pala ano pala pangalan mo?" Tanong ni Braxin sa lalake "Ken po, Ken Riab" "Ako nga pala si Braxin leader ng Silent Gang" "At ako naman si Kliere miyembro ng isang gang at siya ang aking leader" sabi ni Kliere na nahihiyang sabihin ang pangalan ng kanilang gang Nagulat ang lalake ng marinig ang sabi ng dalawa na sila ay mga gangster "Kalma kalang Ken, wala kaming masamang balak, gusto lang namin pabagsakin ang Kahariang ito" sabi ni Braxin "Tama mga masasama silang tao kaya kailangan na silang mawala" sabi ni Kliere "Masasama?" Nalito si Ken kung sino talaga ang totoong masama "Diba gangster kayo? Ano naman ipinagkaiba nyo sa mga masasamng tao?" takang tanong ni Ken "Special kasi tong gang namin alam mo kung bakit?" Tanong ni Braxin "Ha?" Litong tanong ng lalake "Dahil kami ang gang ng hustisya at ipinaglalaban namin kung anong tama" sabi ni Braxin "Oo nga kaya wag kang mag alala, kakampi mo kami" sabi ni Kliere "Tama" sabi ni Braxin "Nalilito padin ako sainyo eh, pero kung parehas tayo ng goal, ede magkakampi muna tayo sa ngayon" sabi ni Ken "Alam mo Ken pwede kang sumali sa gang namin" sabi ni Braxin "Pasensya na pero mayroon kase akong kailangang protektahan dito" sabi ni Ken "Pag nagbago isip mo welcome ka parin sa gang namin, alam ko malakas ka" sabi ni Braxin "Bakit mo naman nasabi na malakas ako?" "Simply lang, sinabi namin na gangster kami tapos hindi ka man lang natakot dahil alam mong kaya mong makipaglaban at protektahan ang sarili mo, tama ba?" Paliwanag ni Braxin "Sa totoo lang hindi talaga ako malakas eh, kasi nga sarili ko lang ang kaya kong protektahan" malungkot na sabi ni Ken "Basta welcome ka parin sa gang namin kung sakaling magbago isip mo" sabi ni Braxin "Klir tulungan mo naman akong e persuade tong si Ken" "Bahala ka dyan, sabi ko na ngaba eh, ang corny kase ng pangalan ng gang natin hindi nakaka enganyo" "At tsaka sinabi mo din sa akin na sasali sila gusto nila, tas ngayon idadamay moko? Bahala ka sa buhay mo" dagdag pa ni Kliere "Hahaha" natawa si Ken dahil sa dalawa "Anong nakakatawa?" tanong ni Kliere "Natawa lang ako kasi ang kyut nyo tingnan, haha" "Siya nga pala ang ganda ng sombrero mo" sabi ni Ken "Salamat, bigay to ng kaibigan ko" sabi ni Kliere "Sino nga pala yung kaibigan na tinutukoy mo?" mausisang tanong ni Ken Biglang nagkaroon ng ingay sa labas
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD