Chapter 10

1518 Words
"Mga hayop, walang kapatawaran ang kanilang ginawa" galit na sabi Kliere Masaya na sana si Kliere na nakapunta siya sa isla kung saan naroon ang kanyang kaibigan na si Merra pero ng marinig niya ang kwento ng lalake ay sobra siyang nagalit. Galit siya sa buong Armstrong dahil sa mga masasama nitong gawain at pang aabuso ng kanilang kapangyarihan. "Kumalma ka lang iha, wala tayong magagawa dahil wala naman tayong laban sa kanila" sabi ng lalake "Mali ka manong" sabi ni Braxin "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng lalake "May laban kayo" sabi ni Braxin "Bago lang kasi kayo dito kaya hindi mo kung gaano kalakas ang puwersa ng hari, madaming kawal at mayroon ding gang na naka back up sa kanila, sabihin mo! anong laban naming mga normal lang na mamamayan?" "Kumalma kalang at hayaan mo akong magpaliwanag. Sinabi mong wala kayong laban? Mali. Alam mo kung bakit? Isipin mo hinuhuli ng mga bantay ang mga magagandang babae sa lupaing ito tas wala kayong magawa dahil pinanghihinaan kayo ng loob tapos mamamayan kayo ng kahariang ito kaya mayroon talaga kayong karapatan, karapatang lumaban. May laban kayo para sa hustisya." Paliwanag ni Braxin "Gusto din sana naming lumaban sa hustisya pero ano ngang magagawa namin" napaiyak ang lalake "higit isang buwan na ang makalipas ng mawalan ako ng asawat anak pero hindi ko sila kayang ma isalba alam mo kung bakit? Kasi nga isa lang akong mahinang tao na walang magawa kundi hayaang mawala ang mga pinaka importanting tao sa buhay ko" umiiyak ang ang lalake "sinabi ng aking anak habang siya ay hinuhuli ng mga bantay, ITAY TULUNGA MO PO AKO habang siya ay umiiyak dahil sa takot, pero kahit ganun ang nangyari wala akong magawa, gusto ko din sana mailigtas ang aking anak pero natatakot ako na baka mas lalo pang mapahamak ang aking anak at pag namatay ako baka mas lalo pa siyang malungkot pero alam mo kung ano ang mas masakit makita? Tumakbo ang aking asawa dala dala ang itak at sumigaw BITIWAN NINYO ANG AKING ANAK habang tunutulo ang luha nya sa kanyang mga mata, makikita sa kanyang mukha ang pagmamahal ng tunay na ina at habang pumapatak ang bawat patak ng kanyang luha ay patak ng kanyang hirap kung paano niya pinalaki ng maayos ang kanyang anak, gusto ko sanang pigilan ang aking asawa pero nakita ko kung gaano siya ka determinado para maisalba ang aming anak, sa harap ng maraming tao, sa harap ko mismo at sa harap ng kanyang pinakamamahal na anak, siya ay sinaksak sa dibidib ng isang matalim na sibat at sinabi nya sa kanyang huling sandali ANAK PATAWAD HANGGANG DITO LANG PALA AKO, PATAWAD KUNG KULANG ANG AKING NAGAWA, MAGPAKATATAG KA ANAK WAG MONG SAYANGIN ANG PAGHIHIRAP AT PAGOD NA TINIIS KO PARA SAYO KASI ALAM MO ANAK, PAWIS AT DUGO KO AY PARA SAYO tumulo ang kanyang dugo sa sahig kasabay ng kanyang luha sumigaw ang aming anak habang umiiyak HINDI, MAHAL KONG INA, AMA TULUGAN MO PO SI INA PARANG AWA MO NA, humagulgol sa pag iyak ang aming anak at napaluhod nalang ako, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin habang lumalayo sakin ang aking anak at habang nahiga sa lupa ang aking asawa na wala ng buhay, unti unti akong nawalan ng pag asa, nasabi ko sa sarili ko na napakawala kong kwentang asawat ama. Maraming tao ang nakakita sa pangyayari at katulad ko ay wala din silang magawa. Kaya ngayon sabihin mo kung ano talaga ang laban namin, wala nga kaming kapangyarihan at sandata, ang tanging meron nalang kami ay magdasal na sana makauwi sila ng ligtas" "Wala kayong sandata? Wag kayong mag alala, pwede nyo kaming gawing sandata" sabi ni Braxin sabay turo kay Kliere at sang ayon naman si Kliere "Anong magagawa nyong dalawa? Sinasayang nyo lang buhay nyo" sabi ng lalake "Wag kang mag alala manong, malakas kaming dalawa" sabi ni Braxin at sang ayon ulit si Kliere "Sino nga pala kayong dalawa at saan kayo galing?" "Kami? Syempre kami ang SILENT GANG at ako ang boss at siya naman ang maingay sa grupo" sabi ni Braxin sabay turo kay Kliere "Anong sabi mo?" galit na Kliere "Bat nyo nga pala kami tutulungan?Diba pag gang mga criminal?" Tanong ng lalake "Wag kang mag alala manong dahil kami ang gang ng hustisya at ipinaglalaban namin kung anong tama, hindi naman kayang tumalikod nalang pag may nangagailangan" sabi ni Braxin "Kaya kalma kalang manong, kami ng bahala ng aking gang" sabi ni Braxin "Ilan nga pala myembro ng gang nyo eho?" Tanong ng lalake "Hmmmmm... Kung bibilangin..." malalim ang iniisip ni Braxin parang bininilang nya nga kung ilan talaga myembro ng kanilang gang Nagkaroon ng pag asa ang lalake "Dalawa" sabi ni Braxin Nanlaki ang mata ng lalake "Dalawa? Dalawampu? Baka dalawang daan" sabi ng lalake sa kanyang sarili "Sa totoo lang dalawa lang talaga kami" sabi ni Kliere sa kanyang sarili "Sya sya, alam kung pagod na kayo, ipaghahanda ko nalang kayo ng makakain mukhang gumagabi na naman ata" sabi ng lalake Nag relax nalang itong si Kliere at Braxin na para silang nasa kanilang bahay, si Braxin na parang malalim ang iniisip habang si Kliere naman ay nag aalala para kanyang kaibigan Ilang sandali "Braxin ano nga pala plano mo? Aatakehin ba natin ng deretso ang palasyo mula sa gate hanggan makapasok tayo?" Tanong ni Kliere "Wag kang mag alala chopipot, nasa plano ko na ang lahat" sabi ni Braxin "Ano nga plano mo?" Tanong ni Kliere "Basta malalaman mo din pag natapos na nating pabagsakin lahat ng kalaban hahaha" tawang sabi ni Braxin "Alam mo, duda ako sayo na wala ka talagang pinaplano" "Magtiwala kalang kasi sa akin, alam ko ginagawa ko, nasa plano ang lahat" "So kailan tayo aatake?" "Bat ka naman nagmamadali? Alam mo bang mahirap makipaglaban pag walang laman tyan mo?" Sabi ni Braxin "Tinatanong ko lang nanan eh, may pa sekreto sekreto kapang nalalaman eh halata naman talagang hindi ka nag iisip" "Wag mong sabihin yan chopipot, alam mo bang ginagawa ko ang lahat sa pamamagitan ng step by step?" "Step by step mo mukha mo" inis na sabi ni Kliere "Oh? Hindi ka naniniwala sakin? No no chopipot, wag ganun dapat makinig ka sa boss mo para smooth ang kalalabasan ng plano natin" sabi ni Braxin "Pano nga magiging smooth eh hindi mo nga sinasabi sakin yung plano tas sasabihin mo pang PLANO NATIN?" "Kalma kalma chopipot, kaya nagiging kapatagan nalang yung bundok mo eh dahil ganyan ugali mo, pwede bang relax ka lang" "Eh paano nga ako magiging relax p eh ikaw ang kasama ko, tsaka anong kapatagan? Seventen palang ako kaya normal lang yun, hmph" "Kaya nga hindi normal eh, tumtanda kang ano hahaha" tumawa ng tumawa itong si Braxin habang si Kliere ay inis na inis "Anong ano ha? Alam mo nirerespeto ko lang yung may ari ng bahay nato kaya pinapalampas ko lang mga sinasabi mo ngayon, pag ako talaga ininis... hmphh, iwan ko nalang sayo" "Bat moko binugbog kanina?" Mahinang tanong ni Braxin "Bat moko tinatanong eh alam mo naman ang sagot" "Ano bang sagot?" Litong tanong Braxin "Siempre isa kang malaking, napakalaking sobrang malaking malaking napakalaking makaling malaking malaking napakalaking hayop ka! hah.. hah.. hah" sabi ni Kliere habang hinihingal "Hali na kayo nakahanda ng pagkain sa mesa" sigaw ng lalake "Opo manong" sigaw ng dalawa Tumayo ang dalawa at pumunta na sa kusina "Pasensya na kayo ha maliit lang kase itong bahay" sabi ng lalake "Ano ka ba naman manong ayos lang po yun" sabi ni Braxin habang inaamoy ang masarap na pagkain "Oh sge kumain lang kayo ng kumain, wag kayo mahiya ituring nyo lang itong bahay nyo" "Maraming salamat po talaga manong" magalang na sabi ni Kliere "Pasensya na ulit kayo kung yan lang ang nakaya kung ihanda para sa inyo" "Wag ka pong mag alala manong, kumakain po kami ng kahit na ano basta lang po pwede kainin diba chopipot?" "Ah? Ah opo manong" sabi ni Kliere "Braxin pwede ba wag mo akong kulitin nasa mesa tayo oh" sabi ni Kliere kay Braxin "Ikaw po manong? Saluhan nyo po kami, mas masarap kaya kumain pag magkakasama diba chopipot?" "Ah opo manong saluhan nyo po kami para masaya" sabi ni Kliere "Sabing wag mokong kulitin eh" inis na sabi ni Kliere kay Braxin "Wag nyo nalang ako alalahanin busog pa ako, para sa inyo talaga yan bilang pasasalamat, kumain na kayo habang mainit pa" "Okey po manong hehe" "Braxin dahan dahan naman sa pagkain oh, mauubos mo ng lahat eh" sabi ni Kliere "Ano kaba klir, kailangan nating kumain ng madami para tayoy magkaroon ng lakas, kung mahina kang kumain ede sorry nalang" Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos din silang kumain "Ang sarap po manong, sobrang nabusog ako" sabi ni Braxin "Maraming salamat po sa masarap na pagkain manong" sabi ni Kliere "Walang anuman yung, magpahinga na muna kayo dito sa bahay, sabihin nyo lang sakin kung may kailangan kayo, tutulungan ko kaagad kayo sa abot ng aking makakaya" "Sige manong maraming salamat po, pahinga nalang po muna kami" sabi ni Braxin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD