Chapter 9

874 Words
"Braxin nakapatay ako ng tao" sabi ni Kliere "Parang normal lang sayo ah" sabi ni Braxin sa kanyang sarili "Ayos lang yan, kung hindi mo sila pinatay baka mas madami pa silang mapatay pero hindi ko sinasabing nakagawa ka ng mabuti" sabi ni Braxin "So mali yung ginawa ko?" "Hindi ko naman sinasabing mali ka, sa mundo kasing to hindi talaga natin alam kung ginagawa ba natin ay tama o mali basta tandaan mo na gawin mo lang kung ano sa palagay mo ang tama" "Okey, ikaw ang boss eh, ano ba magagawa ko?" ngiting sabi ni Kliere na parang wala lang nangyari Naglakad sila ng naglakad hanggang sa nakakita ng maraming bahay Kaharian ng Ngagishta - halos lahat ng mga makikita mong ato na naglalakad sa labas ay mga lalake lamang, minsan may makikita kang mga babae ngunit iilan lamang at kadalasan yung may mga edad edad na at yung iba naman ay hindi pinalad sa itsura. "Ah manong, pwede po ba magtanong?" Sabi ni Braxin sa isang lalake na medyo may edad na Napatingin ang lalake kay Braxin at napansin nito ang kasama ni Braxin na si Kliere "Naku bata, bago lang ba kayo dito? Bilis pumasok kayo sa bahay namin" sabi ng lalake sabay tingin tingin sa kanan, at kabila at sa likod kung mayroon bang ibang nakapansin "Ah bakit po manong? Mayroon po ba kayong inihahandang pagkain para sa mga toristang dumadaan?" Tanong ni Braxin "Ahmm" "Braxin ano bang klaseng tanong yan" sabi ni Kliere "Wag kang mag alala chopipot" sabi niya kay Kliere "wala tayong pera" bulong pa niya Napahanga na naman ni Braxin itong si Kliere dahil sa ipinakita niyang angking talino, maparaan pala talaga itong si Braxin "Ano ba kayong dalawa, sundan nyo nalang ako, hindi ligtas dito sa labas lalo ka na" sabi ng lalake sabay tingin kay Kliere Dali dali silang naglakad papunta sa bahay ng lalake at agad silang pumasok sa bahay "Ah manong asan po yung pagkain na para sa torista?" Tanong ni Braxin sa lalake Pinagmasdan ni Kliere kung ano ang e sasagot ng lalake kung gagana ba talaga ang teknik ni Braxin Lumapit ang lalake kay Braxin at bumulong ito sa kanya Napatawa si Braxin ng malakas "hahahahaha" Napatingin si Kliere kay Braxin na tumatawa at palagay niya ay matagumpay ang teknik ni Braxin kaya mas lalo pa syang napahanga, napangiti nalang itong Kliere. "Tanungin mo po sya mismo manong" bulong ni Braxin sa lalake habang di nya mapigilan ang pagtawa Lumapit ang lalake kay Kliere, tumahimik si Braxin at bumulong na ang lalake kay Kliere at pagkatapos bumulong ng lalake ay nagalit itong si Kliere Tumawa ulit si Braxin ng malakas "Braxin walang hiya ka talaga, tumatawa tawa kapang hayop ka" lumapit siya kay Braxin at kanya itong binugbog at natahimik itong si Braxin "Oo babae ako" sabi ni Kliere na inis na inis "Oi... chopipot... bat ako binugbog mo, hindi naman ako ang nagtatanong" sabi ni Braxin na nag boses matanda na dahil nabugbog "Hmph pake mo" inis na sabi ni Kliere "Babae, chopipot ba pangalan mo?" Tanong ng lalake na hininaan ang boses "Kliere po manong" sinuntok si Braxin dahil balak na naman sana ulit nitong tumawa "Kliere, wag mo masyadong lakasan boses mo, baka marinig ka ng mga bantay" sabi ng lalake na hininaan ang boses "Bantay? Ano po yun?" Tanong ni Kliere "Mga bantay, yun ang mga nagbabantay kung mayroong babae ang makikita na gumagala gala sa daan, pag may nakita silang maganda oh may itsura na babae, agad nila itong dinadakip at dinadala sa palasyo" paliwanag ng lalake "Ano naman po gagawin nila sa mga babae na dinadala sa palasyo manong?" Tanong ni Kliere "Hindi ko din alam, wala pa kasing babae na nakalabas mula nung sila ay madakip, sabi ng iba ginagawa daw itong katuwaan ni Prinsipi Arinthis nakakatandang kapatid ni Prinsipi Silventhis (1year old gap) pero wala talagang ni isang tao sa labas ng kaharian ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa mga babaeng nadakip" malungkot na sabi ng lalake "Kailan po ba nagsimulang mang dakip ng mga babae manong?" Tanong ni Kliere "Dalawang buwan ang makalipas, habang namamasyal si Prinsipi Arinthis may nakita siyang isang napakandang babae, normal lang naman ito na babae pero agad siyang nahulog dito, sabi nila sobrang ganda daw ng babae pero ng makita ito ng Prinsipi na may kasamang ibang lalake at masaya ito habang sila ay magkasama, naiingit ang Prinsipi kaya agad niya itong nilapitan pero nagkaroon ng alitan sa magkabilang panig at tinawag ng Prinsipi ang kaniyang mga kawal at nakipagsagupaan ang lalakeng kasama ng babae sa mga kawal, nakipaglaban ang lalake habang pinoprotektahan niya ang babae pero sa kasamaang palad ay natalo ang lalake dahil may dumating na isang gang (mga kasamahan ng Prinsipi) at pinagtulungan nila ang lalake hanggag sa ito ay bumagsak sa lupa at nahihirapan ng huminga, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang babae. Nalungkot ang Prinsipi dahil wala ng buhay ang kanyang babaeng natipohan, nawala sa sarili ang Prinsipi kaya agad nila itong ibinalik sa palasyo at mula nuong araw na iyon ay parang nabaliw na ang Prinsipi gusto niyang lahat ng mga magaganda or mga may itsurang babae ay dakpin at dalhin sa kaharian"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD