Chapter 8

874 Words
"Nakarating din, nakakapagod pala magsagwan lalo na pag mabigat ang sakay no?" sabi ni Braxin kay Kliere "Paki ko naman" "Huy kayong dalawa saan kayo galing? Tagasaan kayo? Bat parang ngayon ko lang kayo nakita dito?" sigaw ng lalake sa mataas na lugar "Ah, ano po kasi, bago lang po kasi kami dito, galing po kami sa kabilang isla dumadayo lang" sigaw ni Braxin sa lalake "Ah ganun ba? Sige, may nag iisang daan diyan sundan nyo lang yan" sigaw ng lalake at agad itong umalis Nagtaka si Braxin sa lalake "Huy chopipot, may nakikita ka bang ibang daan?" "Wala puro puno, bat ka naman naghahanap pa ng ibang daan?" "Nakakapagtaka lang kasi yung lalake biglang umalis tas hindi sinabi kung saan papunta ang daan na yan" "Ano ka ba, nagmamagandang loob lang yung tao, alam ko nagugutom kana kaya tara na" "May mali talaga eh" "Sabing gutom mo lang yan eh sarap mo talagang sipain" At dumaan nalang sila sa nag iisang daan "Chopipot dikit kalang sakin" "Ha? Ano na naman? Alam kong bastos ka pero.." hindi naituloy ni Kliere ang kanyang sasabihin dahil may limang lalake ang biglang humarang sa kanila sa daan "Huy Braxin, bat parang may dala silang mga patalim?" "Mga bandido yan tanga" sabi ni Braxin kay Kliere "Hahahahaha" tawa ng isang lalake sa may likoran nila "Alam nyo dapat, di kayo agad naniniwala sa mga di nyo kakilala tingnan nyo ang resulta naging para nalang kayong daga na wala ng kawala sa mga pusang gala" sabi ng lalake na nagturo sa kanila ng daan sabay tawa at tumatawa din ang kanyang mga kasama "Alam nyo hindi naman talaga namin kayo sasaktan. Ganto, ibigay nyo samin ang pera nyo at inyong mga mahahalagang gamit tas makakailis na kayo ng ligtas at walang sakit sa katawan" dagdag pa ng lalake "Braxin ano na gagawin natin? Andami nila, may lima sa harap tas tatlo sa likod" mahinang sabi ni Kliere "Wag mo nga ako tanungin, alam kung malakas ka" sabi ni Braxin "Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Kliere "Normal lang bang pumatay ng napakaraming lobo? Wag mo nga akong gaguhin" "Iba naman yun sa tao eh" "Parehas lang yun, isipin mo lang na pag di mo sila napatay ikaw ang papatayin nila" "Pwede bang bigyan nalang natin sila ng pera para makaiwas tayo sa gulo" "Ano ba nasa isip mo? Napaka importante ng pera satin at tsaka....teka teka teka tama, wala na pala tayong pera hahaha ayos" sabi ni Braxin "Guys, pasensya na pala, wala na pala kaming pera, naubos na pala namin sa pagpapagawa ng bangka kung gusto nyo sainyo nalang yung bangka namin, kukunin lang namin ulit pag kailangan na namin" sabi Braxin sa mga bandido Natahimik ang mga bandido dahil sa kanilang narinig "Huy Braxin ano ba pinagsasabi mo? Effective ba talaga yan?" sabi ni Kliere kay Braxin "Wag kang mag alala nasa plano ko ang lahat" proud Braxin "Halata namang hindi ka nagpaplano eh" sabi ni Kliere "Okey sige kung ganun naman pala eh wala tayong magagawa" sabi ng bandido Namangha si Kliere sa ipinamalas na katalinohan nitong si Braxin kahit na alam niyang isa talaga itong kabobohan Tumabi ang mga bandido sa daan at nagpatuloy ng maglakad ang dalawa pero pagdaan nila sa daan kung saan nasa gilid ang mga bandido ay bigla silang inatake, tinulak ni Braxin si Kliere upang hindi ito tamaan sabay sipa sa magkabilang dereksyon at tumilapon ang dalawang bandido "Chopipot mag ingat ka, nakatago ang iba sa mga puno" sigaw ni Braxin kay Kliere habang siya ay nakipaglaban sa lima "Oh? Magaling magaling nalaman mo agad na mayroon pala kaming ibang mga kasamahan maliban sa amin talagang napahanga mo ako bata pero anong magagawa ng isang mahinang babae sa amin?" Sabi ng bandido na nagturo sa kanila ng daan "Hulihin nyo ang babae" sigaw pa niya Ngumiti si Braxin "Ohws? So gusto nyo siyang hulihin?" "Ngumiti ka lang dyan at tingnan mo kung pano namin...." namatay siya at hindi nya natapos ang kanyang sinasabi "Wind blade: s***h" "Mag ingat kayo may kapangyarihan ang babae" sigaw ng isang bandido "Wind Recharge" "Wind buff" Bumilis ang kilos ni Kliere at inisa isa nyang pinatumba ang mga kalaban na nakatago sa puno na biglang umatake sa kanya Natulala ang tatlong lalake na nasa likoran nila Braxin kanina Biglang dumating si Braxin sa harapan ng lalake na nasa gitna ng tatlo at yung lalake ding iyon ang nagturo ng daan "Huh? Anong sabi nyo kaninang hindi nyo kami sasaktan?" Hindi makagalaw ang tatlo dahil pagkatingin nila sa limang kakampi nila na nakipaglaban kay Braxin ay patay na lahat. Napalunok nalang ng laway ang tatlo. "Pasen..." May sasabihin sana ang lalake na nasa gitna ng sipain ni Braxin ng malakas ang isang nilang kasama na nasa kamang bahagi "Sorr..." Ng may biglang dumaan na kamao sa harap ng kanyang mukha at tumilapon ang isa niya pang kasamahan sa kaliwa "Ano nga ulit yun? Sino nga ulit yung tinatakot nyong hindi makakaalis ng ligtas?" "Wind s***h" at bumagsak ang huling kalaban ni Kliere "Pataw..." Tinamaan ng uppercut pero nakatayo padin at tumalikod na itong si Braxin at nagsabing "Walang anuman, pinapatawad ko na kayo ng marami" at bumagsak ang lalake "Tayo na chopipot" sabi ni Braxin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD