"Gusto mo bang gawin ang mga gusto mo, chopipot?" Tanong ni Braxin kay Kliere
"Alam mo nakakainis ka, pero ayos lang kung yan ang tawag mo sakin" ngiting sabi ni Kliere habang naaalala niya si Merra
"Oh bat ka napangiti?"
"Wala" sabi ni Kliere
"Oo, kailangan ko gawin ang mga gusto, yan kase ang hiling ng aking mga magulang"
"Sobrang mahal ka siguro ng mga magulang mo no?" Tanong ni Braxin
"Siguro" sagot ni Kliere
"Bat ka nga pala napadpad sa gubat kung mahal ka ng mga magulan mo? Naglayas ka siguro no?" Tanong ni Braxin
"Diba, naghahanap ka ng mga kasama sa gang mo?" Tanong ni Kliere
"Oo, bakit sasali kana sa gang ko?" Tanong ni Braxin habang nagsasagwan
"Nagbibiro ka ba, gusto mo rin ako maging criminal?"
"Porket gang, criminal na agad, masama na agad? Di ba pwedeng naghahanap lang ng hustisya? Di ba pwedeng gusto lang maghanap ng kasiyahan? Diba pwedeng gusto lang maranasan kung ano talaga ang tunay na buhay? Kung ano ba talaga ang dahilan ng ating pagkabuhay?"
Natahimik saglit si Kliere
"Alam mo, hindi naman lahat ng gang masama, yung iba gusto lang makahanap ng mga tunay na kaibigan na pinopretekhan nila at nagpoprotekta din sa kanila"
"Sorry, mali pala pagkaka intindi ko, okey! Napag desisyonan ko na sasali akong pilit sa gang mo at mula ngayon pinahihintulutan ko ang sarili kong maging isang myembro ng gang ni Braxin, teka ano nga pala ulit pangalan ng gang natin?" Tanong ni Kliere
"Basta wag kalang maingay, okay? iniisip ko pa kong ano maganda pangalan"
"Halata namang ngayon ka palang nag iisip ng pangalan eh, kung sister of the wind gang nalang kaya... Ayos mukhang maganda nga, ano Braxin ayos ba?" Sabi ni Kliere habang naiirita na si Braxin kung ihuhulog ba niya aa bangka itong si Kliere
"Alam mo sobrang ingay mo kaya di ako maka pukos"
"Sister of the wind gang nga eh"
"Ang corny mo, hindi kaba nag iisip na may lalake sa gang natin? Puro kalang kasi ingay pwede ba manahimik ka nalang muna dyan, nag iisip yung tao eh" iritang sabi ni Braxin
"Sige bahala ka dyan, alam ko namang wala ka talagang isip eh hmph"
Nag iisip si Braxin ng pwedeng ipangalan ng gang nila habang nagsasagwan pero nag iingay parin itong si Kliere kaya wala siyang maisip
"Uy Braxin ano na? Malapit na tayong makarating sa kabilang isla tas wala ka pa ding maisip?"
"Sister of the wind"
"Sister of the wind"
"Sister of the wind"
Napatigil si Braxin sa pagsasagwan
"May naisip na akong idea" sabi ni Braxin
"Ano? Naisip mo na bang sister of the wind nalang ipangalan natin sa gang? Haha alam mo hindi sa pinagyayabang ko ha, siempre humble ako na babae? Pero may katalinohan din naman talaga ako hahaha"
"Tumahimik ka nga ang corney mong babae ka" sabi ni Braxin
"So ngayon tinatawag mo na akong babae, bakit? Wag mo sabihin na naakit kana rin sakin?"
"Wag mo nga ibahin yung usapan, tsaka sinong maaakit sa mga babaeng maiingay ha?"
"Ikaw sino pa nga ba? Hahahaha" tawang sabi ni Kliere
"Silent Gang" sabi ni Braxin
"Ano?" Tanong ni Kliere
"Sabi ko Silent Gang pangalan ng gang natin"
"Bat parang ang panget pakinggan, sinabihan mo pa akong corney tas ngayon yan lang pala naisip mo? Hahaha" tawang sabi ni Kliere
"Pangalan ng grupo Silent Gang kaya wag kang maingay" sabi bi Braxin at nagpatuloy sa pagsasagwan
"Napa corney talaga eh, alam mo napaka importante talaga ang pangalan ng isang gang kasi malay mo baka sisikat tayo tas yung pangalan ng grupo natin sobrang corney"
"May gana kapa talagang sabihin sakin yan no? Akala ko ba sabi mo kanina ayaw mo maging criminal tas ngayon iniisip mo na magiging sikat tayo?hahaha" Tawang sabi ni Braxin
"Kanina kasi yun hindi ngayon, tsaka nagbago na isip ko kaya ang corney padin ng pangalan ng grupo"
"Ako ang leader kaya ayos lang yun" sabi ni Braxin
"Kaya nga hindi ayos eh, paano pag may gustong sumali sa grupo natin tapos nalaman nila na masyadong corney yung pangalan ng grupo natin, sa tingin mo sasali pa din sila?"
"Alam mong chopipot ka, kung gusto nilang sumali, sasali sila kahit na ano pang pangalan ng grupo basta parehas lang tayo ng ipinaglalaban, mas importante kase yung pagkakaisa"
"Ikaw bahala basta wag mo lang akong sisihin na walang sasali sa gang natin"
"May sasali" sabi ni Braxin
"Pano mo naman nasabi? Eh ang corny nga ng pangalan ng grupo natin"
"Naaamoy ko" sabi ni Braxin
"Anong naamoy, naku! kakasagwan mo yan kaya pagod ka lang"
"Ay hindi, nagugutom pala ako haha may pagkain kang dala dyan?"
"Alam mo namang nagdali dali tayong umalis kanina eh"
"Ah okey bibilisan ko nalang ang pag sagwan ng makarating na tayo agad sa kabilang isla" sabi ni Braxin
Isinuot ulit ni Kliere ang kanyang sombrero para maitago ang kanyang napakandang buhok
At hindi nagtagal ay nakaabot na rin sila sa kabilang isla