"Ano ka ba naman Klark, alam mo naman na sobrang dilekado sa labas, pano pag may nangyari sa anak natin?" galit na galit itong si Fiere (Reyna) sa kanyang asawang si Klark (Hari) dahil pinayagan niyang makalabas ng kaharian ang kanilang nag iisang anak na Prinsesa
"Mahal, matanda na anak natin, gusto mo bang ikulong nalang sya dito palagi sa ? Sa palagay mo ba hindi siya nagsasawa dito? Isipin mo mahal may damdamin din ang anak natin, may gusto siyang makita pero di niya magawang makita kasi naging hadlang tayo, tayong kanyang mga magulang na sana tayo ang naging gabay niya upang makita niya ang tunay niyang kaligayahan, ibig sabihin nagkulang tayo, hindi natin kayang supportahan ang anak natin"
"Pinagbabawalan natin siya, oo pinagbabawalan natin siyang lumabas, bakit pag may nangyari sa anak natin anong gagawin mo? Anong gagawin natin? Diba nganga, mas mabuti na yung nakakasiguro tayong ligtas yung anak natin kaysa maging huli na ang lahat" napaiyak itong si Fiere
"Mahal pasensya na, wag kana umiyak, alam kong naalala mo na naman yung nangyari nuong labing limang taon pero matagal na yun, hindi na natin maibabalik pa ang mga araw na yun"
"Alam mo Klark pag may nangyari talagang masama sa anak natin hinding hindi kita mapapatawad" umalis itong si Fiere habang umiiyak
Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na si Kliere sa Kaharian hawak hawak ang sombrero sa kanyang likoran
"Mahal kong Prinsesa halika dito" sabi ng Hari
"Ama, mayroon na po akong kaibigan" masayang sabi ni Kliere
"Ang bait niya po ama, magka edad po kami tsaka eto oh binigyan niya po ako ng sombrero bilang simbolo ng aming.... Ha?" nagtakang bigla si Kliere ng makita niya ang kanyang sombrero na may tali dahil sa pagkaalala niya wala naman itong tali, naalala din niya na ang sombrerong hawak niya ay pagmamay ari pala ni Merra
"Teka nga lang, bat nasa akin tong sombrero ni Merra, nasaan yung sa akin?" Tanong ni Kliere sa sarili niya
"Ang ganda naman ng sombrerong bigay sayo ng kaibigan mo mahal kong anak" sabi ng Hari sa kanyang anak
"Ah ha ha ganun po ba ama?" Nagtaka parin si Kliere kung bat dala niya ang sombrero ni Merra at nawala ang sa kanya
"Isuot ko na nga pang to" sabi ni Kliere sa kanyang sarili
"Wow naman mahal kong anak, bagay na bagay sayo ang sombrerong yan ah"
"Maraming salamat mahal kong ama" habang papalapit siyang naglalakad papunta sa kanyang ama
"Anak bat ang tagal mong nakauwi? Alam mo bang nag alala ng sobra ang nanay mo sayo"
"Pasensya na po mahal kong ama, kasi po ama ano eh, yung kaibigan ko po kasi aalis na daw sila ng pamilya niya bukas kaya ayon sinulit nalang namin ang isang buong araw"
"Ah ganun ba? Kumusta naman ang lakad mo mahal kong anak?"
"Sobrang saya po mahal kong ama, may nakita akong sobrang maraming mga bata, nag uusap, nagtatawanan at higit sa lahat nakakita ako ng mga bagong bagay na hindi ko pa nakita dito sa loob ng palasyo"
"Ganun ba mahal kong anak? Mabuti naman, masaya ako para sayo" tumawa ang hari
"Siya nga pala mahal kong anak, diba sabi mo sakin may nakita kang mga bagong bagay, ano naman ang mga bagay na yun mahal kong anak?" Tanong ng Hari kay Kliere
"Simply lang po mahal kong ama, Kaligayan at Kaibigan, dalawang bagay na hindi ko kayang ipagpalit ng kahit na anumang material"
"Mabuti mabuti mabuti, proud ako sayo mahal kong anak" tumawa ang ama ni Kliere "sige magpahinga kana muna mahal kong anak alam kong pagod ka"
"Okey po mahal kong ama"
Pagkalipas ng dalawang taon ay bumisita ang Hari at Prinsipi ng Kahariang Ngagishta sa Karian ng Sawat upang pag usapan ang tungkol sa kasal ng kanilang dalawang anak. Nuong labing dalawang taon kasi nuong limang taon pa lamang itong si Kliere ay nag propose itong si Haring Silbat (hari ng Ngigashta) na tutulungan niya ang kahariang Sawat sa anumang mga pangangailan nito, sa kondisyon na magpakasal ang Prinsesa ng Sawat sa Prinsipi ng Ngagishta, pumayag naman dito si Haring Klark dahil nuong panahong iyon ay unti unti ng bumabagsak ang Kahariang Sawat kaya siya ay napilitan lamang. Napagkasunduan din nila na gagawin ang nasabing kasal sa ika labingwalong kaarawan nitong si Princess Kliere. At isang linggo nalang bago ang kaarawan ni Kliere.
Silang lahat ay nakaupo sa (palihog ko sumpay ani insan hahaha)
"Siya nga pala Haring Klark, bat hindi ko nakikita ang iyong magandang Prinsesa?" Tanong ni Haring Silbat
"Ah eh"
"Natutulog pa kase ang aming anak" sagot naman ni Reyna Fiere na mukhang mainit ang tingin kay Haring Silbat
"Ho ho, ah ganun ba? Pwede ba naming makita ang inyong pinakamamahal na anak sa araw na ito bago kami umalis ng aking munting Prinsipi?"
"Gigisingin ko lang ang aking anak" sabi ni Reyna Fiere na parang masama ang loob pero sinabayan ng pekeng ngiti
"Pwede namang utusan mo nalang ang inyong mga maid para gisingin ang inyong anak" sabi ni Haring Silbat
"Tanging asawa ko lang kasi ang maaring pumasok sa kwarto ng aming Prinsesa" paliwanag ni Haring Klark
"Ganun ba, aalis din kasi kami agad, dumaan lang kami para kumustahin ang inyong anak at ang inyong kaharian"
Sa Kwarto ni Kliere
"Anak, gising may bisita tayo"
"Pero naantok pa ako eh"
"Nandito ang Prinsipi ng Ngagishta para pakasalan ka"
"Ha?!" Laking gulat ni Kliere ng marinig niya ang sabi ng kanyang ina
"Oo alam ko alam ko, wag ka mag alala hindi ako papayag na ikasal ka sa anak ng basurang yun, hayaan mo, magpakita kalang dun tas hayaan mong si mama nalang ang mag isip ng plano kung paano natin to malalampasan"
"Okey po mahal kong ina"
"Sge na tumayo kana dyan wag kang mag alala, aalis din sila agad ngayong araw" at tumayo na si Kliere at bumaba na sa hagdanan
"Pasensya na sa paghihintay" sabi ni Fiere na medyo cold kasama ang bagong gising na si Kliere na bumababa ng hagdanan at hindi na nakapagbihis ng maayos
"Mahal bat hindi mo pinagbihis ng maayos si Kliere bago bumaba" sabi ni Klark
"Nagmamadali kasi kami mahal, pasensya na" sagot naman ni Fiere
"Ah... Mahal kong anak hali ka dito, ito si Haring Silbat ng Kahariang Ngagishta"
"Magandang araw po" naaantok pa si Kliere
"At ito naman si Prinsipi..." Matanda na ata si Haring Klark kaya nakalimutan niya ang pangalan
"Silventhis Armstrong, nalulugod akong makita ka Prinsesa Kliere Thriakista, tawagin mo nalang akong Silventhis"
"Nalulugod din akong makita at makilala ka Prinsipi Silventhis" naantok padin si Kliere
"Maganda napakaganda, bagay na bagay talaga sa munti kong Prinsipi" sabay ngiti kay Fiere at mukhang naiinis na itong si Fiere
"Ho ho, mukhang mainit na naman ang araw sa labas" sabi ni Haring Silbat
Nag usap sila ng mga ilang minuto at umalis na din itong si Haring Silbat at Prinsipi Silventhis
"Paalam Haring Klark, Reyna Fiere, babalik ulit kami dito ng aking munting Prinsipi dala ang aming mga regalo sa kaarawan ng inyong anak at kasabay din pala ng kasal ha ha" sabi ni Haring Silbat
"Paalam Prinsesa Kliere" sabi ni Prinsipi Silventhis kay Prinsesa Kliere
Pagkatapos makaalis ng dalawa ay nag isip ng plano si Haring Klark at Reyna Fiere kung paano nila mapigilan ang nasabing kasal. At dumating sila sa punto na kailangan nilang itakas ang kanilang anak sa palasyo dahil alam nila na may masamang plano si Haring Silbat.
"Mahal kong anak, gusto mo bang makita ang totoong mundo?" sabi ng ama ni Kliere sa kanya
"Opo ama" sabi ni Kliere
"Napag isip namin ng iyong ina na bukas ng madaling araw ay aalis kana dito sa palasyo, magpakalayo ka anak at wag na wag kang babalik dito kahit na anong mangyari" seryusong sabi ng ama ni Kliere sa kanya
"Tungkol ba ito sa kasal ama?"
"Oo mahal kong anak, pasensya kana talaga samin anak, ito nalang talaga ang huling magagawa namin para maprotektahan ka"
"Pero ama"
Lumapit ang ina Kliere
"Diba gusto mong gawin ang lahat ng gusto mo? Ngayon pinapayagan kana namin mahal naming anak" napaiyak si Fiere sabay halik sa nuo ni Kliere
"Pero ina"
"Wag kang mag alala sa amin anak, mas mahalaga na masaya ka at nagagawa mo yung mga gusto mong gawin" sabi ni Fiere sabay yakap sa kanyang anak
At pagdating ng madaling araw ay umalis itong si Kliere sa Kaharian suot ang sombrero ni Merra, binigyan din siya ng pera ng kanyang mga magulang at umaga na ng makarating siya sa may gubat at hindi niya alam ang daan kaya nawawala siya sa isang malaking gubat at pagdating nga ng dilim ay napagod na siya ng sobra at nakipaglaban sa mga lobo at iniligtas ni Braxin.