Chapter 5

1372 Words
Kariya taga san ka nga pala" tanong Merra kay Kliere habang silay naglalakad Naalala ni Kliere ang babala ng kanyang ama na wag ipagsabi na siya ay Prinsesa pero malaki ang tiwala niya kay Merra "Nakatira ako sa palasyo, minsan lang ako pinapayagang lumabas" bulong ni ni Kliere kay Merra "Pasensya kana sakin, puro ako tanong pero wag ka mag alala hindi ko sasabihin kahit kanino" "Okey lang magkaibigan naman tayo eh, normal lang na magtiwala tayo sa isa't isa" Habang sila ay naglalakad ay may nakita silang nagtitinda ng sombrero "Halika Kariya bilhan kitang sombrero" "Wag na Merra, kahiya naman sayo eh" "Wag kana kase mahiya" habang hinihila si Kliere Lumapit sila sa may nagtitinda ng sombrero "Manong magkano po isa nito" tanong ni Merra sa tindero habang tinuturo ang sombrero "Ah sombrero ba? 180 pag dalawa, 100 pag isa, lahat ng klaseng sombrero dyan parehas lang ang presyo kaya pumili na kayong dalawa" "Dalawa po manong" at iniabot ni Merra ang pera sa mama at kinuha ang dalawang sombrero ang isang sombrero ay may tali habang ang isa ay wala, ibinigay ni Merra ang sombrero na may tali kay Kliere habang isinuot naman ni Merra ang sa kanya "Maraming salamat talaga Merra" "Walang anuman yun" Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa "Bagay sayo" sabi ni Kliere kay Merra "Ang alin? Yung sombrero ba?" "Oo, mas lalo ka pa ngang gumanda eh" "Salamat, isuot mo na din kaya yang sayo" sabi Merra kay Kliere At sinuot na nga ni Kliere ang sombrero na bigay sa kanya ni Merra "Bagay ba sakin?" Tanong ni Kliere kay Merra "Bagay na bagay" ngiting sabi ni Merra Napakaganda ng panahon habang silang dalaway naglalakad ay sinalubong sila ng isang malamig na hangin at kasabay ng malamig na hangin sinabi ni Merra "Kariya" ngumiti "aalis na nga pala ako bukas" "Ha? Bat ka aalis?" Tanong ni Kliere at halata sa kanyang mukha ang lungkot "Ano kase eh, babalik na kasi kami sa dati naming tahanan" "Saan naman yun?" Tanong ni Kliere "Sa kabilang isla, sa Kaharian ng Ngigashta" "Ah ganun ba" "Wag kana malungkot, malay mo makabalik ulit ako dito tsaka pwede mo rin naman akong bisitahin dun eh" "Kasi ano eh, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan tas..." maiiyak na si Kliere Nilapitan ni Merra si Kliere at kanya itong niyakap "wag kana kasi malungkot, tingnan mo tumutulo na luha mo oh" Napaiyak si Kliere dahil kahit sa munting panahon nilang pagsasama ay nadama niya ang saya at nagkaroon siya ng matalik na kaibigan na walang katulad at nadama niya na siya ay hindi nag iisa. "Tahan na kasi, promise ko sayo na pag nagkaroon na ako ng maraming pera babalikan kitang muli at mag tatravel tayo sa buong mundo para ma enjoy natin ang ating buhay" "Sapat na sakin ang magkita tayong muli at hindi mo lang ako makalimutan okey na sakin yun" at tumahan na nga itong si Kliere "Oh ano na namang drama yan Kariya ha? Akala ko ba bestfriend tayo tas hindi ka sasama sakin magtravel sa buong mundo? Ang unfair naman nun" "Hindi pa naman kase yun sigurado eh, at tsaka alam mo naman nakatira ako sa palasyo at isa pa ako lang ang nag iisang prinsesa dun kaya mas lalong impossible na payagan nila akong makaalis" "Okey naiintindahan kita, kung mangyari ngang hindi ka papayagan ako nalang bahalang mag travel sa buong mundo at pagkabalik ko sasabihin ko sayo ang aking mga karanasan at siempre yung mga magagandang lugar, mga masasarap na pagkain, ibat ibang kapangyarihan, mga kakaibang hayop at marami pang iba, hahaha ang dami no?" "Buti ka pa nagagawa mo yung mga gusto mong gawin habang ako nasa palasyo lang walang ibang magawa kundi mag isip kung ano kaya ang nasa labas, ano na kaya ang nangyayari sa ibang lugar, kailan kaya ako magiging malaya" "Alam mo Kariya, wag mo muna isipin ang bagay na yan, buti ka pa nga eh, masarap ang pagkain, may mga kawal na nakapalibot para mag protekta sayo, may mga damit na magaganda at higit sa lahat mataas ang tingin ng ibang tao sayo" "Eh hindi ko naman gusto ang lahat ng yun eh, gusto ko din gawin ang mga gusto ko, yung maging masaya ako sa mga ginagawa ko" "Darating din ang araw na yan Kariya, alam mo mayroon talagang nga bagay na hindi natin inaasahan na bigla nalang mangyayari sa buhay natin, malay mo bukas, sa susunod na buwan, sa susunod na taon magagawa mo na yung mga gusto mong gawin, wag kalang mawawalan ng pag asa, mag tiwala kalang sa sarili mo at sa gabay ng panginoon at balang araw masasabi mo din sa sarili mo ANG SARAP PALANG MABUHAY." bumitaw si Merra sa pagyakap kay Kliere at siya ay tumingin sa kalangitan "Kariya, sabihin mo, binuhay ka ba para maging ganyan kalang? Nabuhay kaba para maging isang aso na nakatali sa iisang lugar lang? Kariya isipin mo, yung dahon na ilang buwang nakadikit sa sanga ng kahoy isang araw matatanggal din yan at ililipad yan ng hangin sa ibang lugar" "Maraming salamat Merra, alam mo tama ka, masyado lang siguro akong maraming iniisip" "Yan ganyan nga wag ka mawalan ng pag asa" "Pero Merra pano naman pag hindi inilipad ng hangin yung dahon? Pano bag bumagsak lang ito sa lupa?" "Hay nako Kariya ano bang klaseng tanong yan? Simply lang sagot, pag umulan ng malakas at nagkaroon ng baha aanodin yung dahon or kung malas dalaga ang dahon at hindi siya makaalis sa kanyang kinalalagyan ede mabulok siya dun hahaha pero kahit na mabulok siya dun atleast mayroon siyang pakinabang sa lupa, lahat naman kasi ng bagay sa mundo may silbi kaya ikaw wag kang malungkot magagawa mo rin ang mga bagay na gusto mo balang araw at tsaka malaki ang tiwala ko sayo" sabay ngiting sabi ni Merra "Maraming salamat ulit sa mg payong bigay mo sakin Merra, hindi ko na tuloy alam kung paano kita susuklian" "Ano ka ba magkaibigan tayo, kaya normal lang na magtulungan tayo sa oras ng pangangailan at wag kang mag alala dahil kahit wala kang kailangan handa parin akong tulungan ka haha" "Balang araw magagawa ko din lahat ng gusto ko pangako ko yan sayo Merra" "Hoho siguradohin mo lang dahil pag hindi mo natupad yang pangako mong yang sakin hinding hindi talaga kita mapapatawad" Tumawa silang dalawa ng tumawa at hindi nila namalayan na malapit na palang gumabi pero nahihiya si Kliere na magsabi sa kay Merra na kailangan na niyang umuwi dahil baka hanapin na siya ng kanyang amat ina. "Kariya ano nga pala gusto mo isang lalake?" Biglaang tanong ni Merra "Ha?hindi ko alam, masyado pa kasi tayong mga bata para mag isip ng mga ganyan, eh ikaw ba?" "Ako? Siempre gusto ko yung lalake na ako lang ang babaeng makikita niya sa kanyang mga mata yung ako lang ang palaging niyang iniisip at higit sa lahat dapat ako lang ang babaeng laman ng kanyang puso" "Ha? Ganun pala yun?" "Ano ka ba, hindi naman tayo magkaparehas ng idea tungkol sa gusto nating lalake eh alam mo dapat talaga pag pumili ka ng isang lalake tingnan mo kung hindi sya babaero, yung may pangarap sa buhay, yung may pinaglalaban, yung may mabuting kaloobon, hindi naman kase nasusukat sa yaman at kagwapohan ang tunay na kaligayahan nating mga babae eh depende lang talaga yan sa ugali ng isang lalake" "Bat ang dami mo atang alam sa mga bagay na ganyan?" "Eh syempre yan ang turo sa akin ng aking mga magulang eh hahaha" "Hahaha buti pa mga magulang mo, sanaol nalang talaga" "Ano ka ba Kariya, alam ko na yung mga magulang mo ginagawa din nila ang lahat ng kanilang mga makakaya para sa iyong kapakanan" "Eh hindi naman yun ang nakitkita ko eh" "Basta darating din yung araw na makikita mo ang tunay na kahulugan ng kanilang ginagawa para sayo" "Ahmm" "Oh gumagabi na, umuwi kana baka mapagalitan kapa ng mga magulang mo" "Sige Merra, mauna na ako, marami nga palang salamat sa sombrero, mag iingat ka palagi" at lumakad na si Kliere papalayo kay Merra "Magpakatatag ka Kariya, hanggang sa muli nating pagkikita paalam" Itinaas ni Kliere at Merra ang kanilang mga sombrero at nagpaalam sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD